Bakit ako nafall sa'yo? anong meron sayo at napa-ibig mo ako bigla? Simula palang naman nung nagkakilala tayo ang gaan na ng pakiramdam ko kapag kausap ka sa telepono o kaya magkachat tayo. kapag nakikita ko yung berde na tuldok sa tabi ng litrato mo sa messenger ang bilis agad ng tibok ng puso ko. Abot tenga agad ang ngiti ko. Bakit kaya noh? Bakit ako nafall sayo? wala naman akong intensyon na mahulog sayo kasi alam kona ang mga ganyang istelo mo papaasahin, papakiligin pero sa bandang huli iiwan din. Wala naman akong balak mahulog sayo kasi alam ko na past time mo lang ako at kahit alam ko na naman na ako yung kawawa at magmumukhang gago. pero salamat, salamat kahit di mo alam na papagaan mo ang kalooban ko. salamat, dahil na panginiti mo ako at salamat sa mga kanta mo kahit di mo alam kilig na kilig ako. Masaya ako na kilala kita pero na iinis ako kong bakit ng tiwala ako sayo ng todo. #unspoken😓😓
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN 🤐
Poetrya collection of Poems,Quotes etc. and my self written and original poems!!! most of them is depressing,in love,sad and tagalog!!
