POEM:07

37 1 0
                                        

Bago ako pumunta ng simbahan,
Kaba aking naramdaman;
Hindi ko alam ang dahilan,
Kaba sa dibdib hindi ko mapigilan.

Pagdating sa simbahan sila'y nadatnan,
Magkahawak kamay habang nagtatawanan;
Sobrang sakit aking naramdaman,
Gusto kong umiyak pero aking pinipigilan.

Ang sakit makita siyang masaya,
Pero wala na akong magagawa;
Kundi ang ngumiti at magmukang masaya,
Kahit pinipigilan ko lang ang aking mga luha.

Bakit ba ako nagkakaganito?;
Diba wala namang tayo;
Bakit ang sakit-sakit sa puso?;
Ang makitang magkasama kayo.

Siguro ika'y nasisiyahan,
Makita akong nasasaktan;
Tibok ng puso'y hindi na maramdaman,
sa sobrang sakit na aking napagdadaanan.

Ganda nya'y nakakaakit,
Ugali nya'y sobrang bait;
Hindi na ako nagtataka kung bakit,
Ikay naka kapit sa kanya ng mahigpit.

Habang gumagawa ako ng tula,
tumutulo aking mga luha;
hindi namamalayang basa na ng luha,
Ang aking gunawang tula.

UNSPOKEN 🤐Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon