Decisions (One Shot)

117 4 2
                                    

Decisions

(One Shot)

By: Yumitchiestar

March 23.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng aking mga luha. Parang ulan, hindi humihinto.

Nakagawa ako ng isang napakabigat na desisyon. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganoon, para akong isang stranded na pasahero sa gitna ng ulan, walang mapupuntahan at walang patutunguhan.

Magulo ang utak at buhay.

Madaming iniisip.

Lutang.

Punong puno ng problema ung buhay ko. Problema sa pamilya, pera, pag-aaral at sa relasyon ko sa aking boyfriend. Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin, kung ano ang dapat gawin. Masyadong mataas ang expectations sa akin ng aking mga magulang dahil nga sa panganay ako, gusto kong may mapatunayan sa kanila. Nahihirapan akong ibalanse ang oras ko. Sinusubukan ko lahat ng kaya ko para hindi ko na masaktan ang boyfriend ko, kahit hindi niya sabihin alam kong nagtatampo na siya. Naguguilty na ako. Alam kong marami na akong kasalanan sa kanya.

Sa lalim ng pag iisip ko nakabuo ako ng isang decision na hindi ko alam kung tama ba. Nagdesisyon akong bitawan ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ung taong kumumpleto sa pagkatao ko. Ung taong nagbibigay ng lakas sa akin kapag sobrang nanghihina na ako. ung taong ginagawa lahat para sumaya ako. Binitawan ko siya, iniwan at sinaktan.  Hindi ko man gusto pero wala akong magagawa. Kesa sa patuloy ko siyang saktan dahil sa mga priority ko sa buhay, kung minsan nakakalimutan ko na siya, nababalewala. Napag isipan ko na siguro ito na ung tamang gawin. Siguro dapat sa pamilya, trabaho at pag-aaral muna ang focus ko. Sa ngayon hindi ko kayang maging isang mabuting girlfriend sa kanya. Ang sama ko di ba? Ano namang magagawa ko? Masyado akong naiipit sa sitwasyon. Nakasakit ako ng isang taong wala namang ibang ginawa kundi mahalin ako.

Ganyan naman lagi ang buhay, hindi pwedeng nasa iyo ang lahat, minsan talaga may mga bagay na kelangan tayong bitawan kasi siguro hindi pa para sa atin ung bagay na un. Kaso hindi lang isang simpleng bagay ung binitawan ko eh, sobrang importante at mahalaga niya. Babalikan ko un, babalikan ko siya kapag kaya ko na talaga i’handle kapag alam kong maiingatan ko na siya. Sana sa panahon na un ako pa rin ung laman ng puso niya, sana ako pa rin ung nagmamay-ari sa kanya.

May mga desisyon talaga sa buhay na kelangan nating gawin kahit masakit sa atin. Kahit gaano ka pa naghanda sa mga maaaring maging consequences, hindi mo pa rin maiiwasan na masaktan. Saka mo lang malalaman na tama ang naging decision mo kapag naging masaya ka sa pinili mo. In my case, alam kong mali ang naging decision ko, hindi ako masaya. Walang araw at gabi na hindi ako umiyak. Simula nung araw na iniwan ko siya, hindi ko na alam kung pano pa maging masaya. Parang may butas dito sa puso ko na alam kong siya lang ung kukumpleto. Hindi ko alam kung kelan ako makukumpleto, hindi ko na alam kung pano pa maging masaya. Wala akong ibang magawa kundi kayanin na lang at panindigan ung naging decision ko.

Masakit.

Mabigat.

Wala na akong maramdaman.  

Decisions (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon