She's My Good Karma - 1

698 7 1
                                    

~Love comes unexpectedly.~

- Kathryn's Point Of View -

"Anak, bumaba kana diyan at kakain na tayo." Sigaw ni Mama mula sa baba.

"Ayan na po, sandali lang." Sagot ko naman sa kanya.

Nag-ayos na ako ng lahat lahat. Pagkatapos chineck ko kung okay na talaga ako.

Bukok ko okay na. Damit check. Yung bag ko andyan na. Kaya napagpasyahan kunang bumaba.

Bago ko makalimutan, ako nga pala si Maria Kathryn Agoncillo. Ang panganay na anak ng mga Agoncillo, meron akong dalawang kapatid na sina Dominique at Mariela. Ako ang bread winner sa pamilya namin. One year nalang at matatapos na ako sa college.

Kahit nag-aaral palang ako nagtatrabaho na ako, kasi may sakit si papa na Cancer at si mama naman mananahi. Kaya kailangan kong tumulong sa kanila. Sa totoo lang mayaman kami e. Mayaman sa pagmamahal.

Excited na nga akong grumaduate e. Kasi sa time na yun talagang mapapagamot na namin talaga si Papa. At para hindi na din mapagod si Mama, alam ko naman kasi na parang hindi na niya kaya. Gabi-gabi sumasakit nalang yung likod at kamay niya.

Kaya gagawin ko ang lahat para matulungan sila.

"Good Morning Pa at Ma! (^___^)" Sabi ko sa kanila pag kababa ko.

Si Papa medyo hindi na nakakatayo pero kahit ganon laging naka-smile yun kasi masyado siyang positive. Minsan nga tinatanong ko siya kung natatakot ba siyang mamatay, ang sagot lang niya sa akin.

"Masaya ako kahit anong mangyari, kahit kunin na ako ng Panginoon basta alam kong nasa maayos kayong kalagayan. At wala kang dapat ikatakot doon kasi makakapiling muna siya. Kapag oras muna, oras muna talaga." Yun lang ang sinabi niya sa akin ng nakangiti.

*** 

"Good Morning din anak. Kumain na kayo at baka malate pa kayo sa pagpasok." Sabi sa akin ni Mama.

Kumain nalang kami at nang matapos na kami, nagpaalam na kami para umalis.

Kasabay ko ang dalawa kong kapatid pag pumapasok sa school. Kaso nga lang iba sila ng school. Kasi nga college na ako habang sila higschool pa lang.

And I frogot to tell you all na kambal sila. Kaya parehas sila ng year. They are both in 2nd year highschool. Parang aso't pusa lagi ang dalawang yan. Tulad na lang ngayon...

"Mariela, dalian munaman. Lagi nalang tayong nale-late ng dahil sa'yo e." Sigaw ni Dominique kay Mariela.

"Sandali lang naman kasi Doms, di'ba? Alam mo naman na may pilay pa ako. Kaya hinay-hinay ka lang." Sagot naman ni Mariela.

"Haii nako! Kung hindi lang talaga mahal! Argghhh! Sakay sa likod." Naka-skwat si Damonique para makasakay si Mariela sa likod niya.

"Uwaaa! Piggy-back ride? Yehey. I love you too Doms! *Chup!*" Hinalikan din ni Mariela si Doms.

Ganyan lang talaga ang dalawang yan. Minsan hindi maintindihan. Mag-aaway, pero mananaig parin sa kanila ang pagmamahalan.

"Ang sweet niyo naman!" Hirit ko sa kanila. Hahaha!

Kasi naman pag nasa school daw sila ang daming naghihinala na sila. Lagi kasi silang magkasama at as kuya nagiging protective si Doms kay Mariela. Mahirap na daw kasi. Mahal talaga nila ang isa't isa, pero as magkapatid lang.

"Ate, hindi ka pa nasanay sa amin." Sagot naman ni Mariela sa akin.

"Nako, sanay na sanay na! Hahaha (^___^)" Ganito lang talaga kaming magkakapatid na mag-usap parang baliw lang. XD

"Ate, bakit parang masaya ka ngayon?" Tanong sa akin ni Mariela.

"Mariela, tinatanong pa ba kung bakit masaya si ate? Malamang kasi makikita niya yung boy friend niya." Si Dominique na ang sumagot para sa akin.

You heard it right. I have my boyfriend. 1 year na rin kami. Sikat siya kasi varsity siya ng basketball. Gwapo din siya medyo hindi nga lang siya matalino. Napapabayaan dahil sa pagiging varsity niya.

Nakarating na pala kami sa school nila ng hindi ko namamalayan..

 "Bye ate. Ingat ka. Kumusta moko kay kuya Andy ha?" Sabi sa akin ni Mariela with matching wave pa.

"Bye ate. Ingat! (^__^)" Sabi naman sa akin ni Dominique.

(A/N: Doms and Dominique are just one person :))

"Bye din. Ingat kayo. (*u*)" Sabay talikod kuna sa kanila.

Ang babait ng mga kapatid kong yun. Si Doms o Dominique, parang kuya ko yan. Ipagtatanggol ako kahit kanino. Tapos, saamin lang dalawa ni Mariela mabait yun. Suplado siya sa iba. Never pa din siyang nagka girlfriend. Sabi niya sa akin, gusto muna daw niyang ituon ang atensiyon niya sa pag-aaral sa amin.

Si Mariela naman, maingay yun. Pero kahit ganon, siya ang pinaka sweet at pinaka caring sa amin. Actually, sabi nga ng boyfriend ko kamukhang kamukha ko daw siya kasi masiyahin at ang cute cute ko daw. Ang sweet ng boyfriend ko no? Mainggit kayo! XD

Malapit na ako sa school namin ng may motorsiklong humarurot at natalsikan ako ng putik.

Buset na yun ah! Ang bilis magpatakbo ng lalaking yun!

Isa lang naman ang kilala kong magpapatakbo ng ganun ka bilis at kabastos na hindi man lang ako linapitan, kahit na alam na man niya na natalsikan ako ng putik dahil sa kanya.

Nag-iisa lang naman ang taong bastos na mahilig akong pagtripan.

Sino pa ba?

...edi ang nagiisang Daniel James Augustine ..

***

I know the first chapter is so lame. Sorry >.<

Keep on reading. Lovelots!

Vote.Comment&be fan! :)

She's My Good Karma (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon