Online to Real Life Lovers

414 10 7
                                    

Isang  hapon na walang magawa at tila bored na bored si Inah, dahil namimiss niya agad ang kanyang ina, na kaka-alis lamang nang umagang iyon pabalik ng Canada, nagtatrabaho ito doon bilang Caregiver. Umuwi lamang ito para umattend ng kanyang graduation, two weeks ago. Nagtapos na siya ng Bachelor of Science in Accountancy, sa isang kilalang unibersidad sa bayan nila. Ang sabi ng kanyang ina mag enjoy muna siya ng dalawang buwan bago mag apply ng trabaho, ngunit parang nang sandaling iyon, gusto nya kinabukasan agad may trabaho na siya mas namimiss nya ang kanyang ina. Dalawa lamang silang magkapatid, ang ate naman niya at bayaw ang siyang naghatid sa kanyang ina sa Airport, hindi na siya sumama sa Manila sa mga ito, dahil baka magdrama pa siya doon, sa ilang beses na pabalik balik ang kanyang ina sa abroad ni minsan, hindi siya sumama sa paghahatid dito sa Airport, ayaw niya nakikitang umaalis ito para magtrabaho sa ibang bansa. Ang usapan nila ng kanyang ina pagkatapos ng kontrata nito sa amo ay uuwi na ito for good sa Pilipinas sa isang taon at magtatayo nalang ng isang maliit na negosyo sa bayan nila. Ang kanyang ama naman ay may iba nang pamilya. Dumalo rin ito ng graduation niya, kinabukasan umuwi na rin ito ng Cebu kung saan doon na ito naninirahan kasama ang ikalawang pamilya.

Nagsawa na siya sa kakatingin ng pictures ng kanilang graduation at blow out party kasama ang ilang kaibigan at kamag anak sa facebook. nabasa na niya ang lahat ng latest tweets sa twitter.  She wanted to talk to a someone na hindi niya kilala and read new story, as in fresh from the oven ika nga. Natawa na lamang siya sarili niya. She opened News website natuwa siya sa mga palitan ng opinion nga mga tao don. Hanggang sa umagaw ng pansin niya ang post na

“Visit us in “TambayanNiKuya.com.ph” – mababait kami, pogi at magaganda” – Thomas3438 na may reply ni LadyInBlue –

“ Nako, kinacareer ang pag rerecruit ah, tandaan mo, Manong Thomas, singkwenta chatters ang quota mo ngayong araw dahil pang beinte ka sa karera kanina”

“sumabit kasi ang Spartan ko, kaya nahuli sa takbuhan” –Thomas3438

Binasa niya pa lahat  ang ibang posts doon, hindi niya namalayan na tawa na pala siya ng tawa. “bakit ba tawa ka ng tawa diyan, bata ka?” wika ni Nanay Miding, ang kanilang long time yaya sa bahay. sa harap niya, hindi niya namalayan ang pagdating nito sa salas nila kung hindi pa ito nagtanong.

“wala eto kasing mga binabasa ko, ang kukulit nila mag asaran. Tulog pa ba si Nicollete? Anong merienda natin ngayon, nay? tanong niya rito.

“pinagluto kita ng paborito mo na turon at coke. Meron na ako nito sa kusina , sabay kaming kakain ni Mayet at tulog pa ang pamangkin mo. Sabi ko kumain ng kumain at nangangayat sa kalikutan ng pamangkin mo” sagot sa kanya ni Aling Miding.

“Sige ho, salamat po dito sa pinaka masarap na turon sa buong San Isidro” sabi niya rito.

“Nakung bata ito, nambola pa. ang mga Mama mo ba ay nasa Maynila na? “

Oo, Nay. Nasa airport na sila, hinihintay lang nila na matapos sa pila si Mama sa Immigration line. Bago umuwi sila Ate.” Sagot niya rito.

“O siya, kumain ka na. para hindi ka tawa ng tawa diyan.. baka madala ka pa sa mental ospital” sabi nito bago umalis pabalik ng kusina nila.

Pagkatapos ubusin ang turon na inihanda sa kanya ni Nanay Miding, nagdesisyon siyang magreregister sa website  na yon para makisali sa mga chatters don. 

“EmeraldJade” ang pinili niyang username. Kombinasyon ng second name nila ng Ate niya. Bernadette Emerald Quintos-Lozada ang buong pangalan  nito  at siya naman ay Kristina  Jade L. Quintos. Kinilik na niya ang site na sinasabi ni Thomas3438 at nagumpisa nang mag type ng mensahe na ipopost niya.

“hello to everyone here” –emeraldjade  pagkapost pa lang niya sunod sunod na chatters ang nagwelcome sa kanya sa chatroom.

BoyAndres: welcome sa tambayanNiKuya,@emeraldjade.. o hayan na may bagong recruit si Mang Thomas. Nasan nb yon? Nagpapapogi pa ata.

Online to Real Life LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon