Gwyneth Villar

530 9 4
                                    

"Ikaw lamang ang aking minamahal~

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam~

Makapiling ka habang buhay~

Ikaw lamang sinta~

Wala na kong hihingin pa~

Wala na~"

Waaaah!! Ang gwapo talaga ni Best friend pag kumakantaa! Hihi :""> May program po ngayon ang school kaya kumakanta si Best friend. Si Adrian Mark Yu. Ehhhh! Hahaha! Pagkatapos niyang kantahin ang last stanza ay pumunta na agad siya sa pwesto ko.

Tinginan naman lahat ang tao sa amin dahil sa ang galing talaga ng bestfriend ko! Waaah! I'm so proud of him you know :">

"Waaah! Best friend! Ang galing mo talagang kumanta, the best ka talaga and I'm so proud of you!" Masayang sabi ko.

"Ano, ays ba best friend? Hahaha!" Kahit sa pagtawa ang gwapo pa rin niya. Ang swerte ko talaga at naging bestfriend ko siya.

"Oo naman! Ikaw pa!" Sabi ko sa kanya sabay akbay. Ang tangkad niya kaya tinanggal niya yung kamay ko at siya ang umakbay sa akin. Sumimangot naman ako. Porket matangkad to! Tss!

"Oh bat ganyan nanaman mukha mo? Eto naman! Ang liit mo kasi kaya ako na lang aakbay sayo ha?" Sabi naman niya.

"Oo na! Basta ba ililibre mo ako ng ice cream.." Sabi ko naman. Yey! Ice cream! :3

"Sige na nga. Kung di lang kita asjsfhsdls." WHAT? -_-

"Naga-alien language ka nanaman best friend! Tara na! Hihi!" Sabay hila ko sa kanya sa cafeteria ng school~

"Hi Gwyneth!" - Divine Pineda, classmate ko.

"Hello Divine! Musta?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Si bestfriend naman kumuha na ng ice cream. Alam na niya yun. Hoho~

"Wala naman. Grabe! Napanood ko si Adrian kanina ah. Ang hot niya talaga pag kumakanta! :"> Tas feeling ko ako yung kinakantahan niya! Hahaha!" Baliw talaga to. Laki ng HD sa bestfriend ko. Hahaha!

"Hay nako! Lakas talaga ng tama mo sa bestfriend ko no?" Sabi ko naman sa kanya. A fact naman. xD

"Oo, pero ays lang.. Alam ko namang------"

"Eto na yung ice cream mo, best friend oh." Dumating na pala si Bestfriend. Yey! Chocolateee klim! :"> "Eto sayo Divine oh, di ko kasi alam gusto mo kaya Vanilla na lang." Ah!

"Ano nga pala yung sinasabi mo, Divine?" Nakalimutan ko may sinasabi pala siya.

"A-ah. Wala! Haha! Mauna na ako ha?" Sabi niya sa akin at tumayo. "Uy, Adrian! Salamat sa ice cream." Tapos nagwink pa siya kay Bestfriend. Ay maharot! Hahaha :D

"Anyare don?" Sabay naming sabi ni Bestfriend. Yieee~ "Money for me!" knock on wood. Haha! I got the money!

"Hay nako. Para ka talagang bata. Haha! Dali ubusin mo na yan ng makapag gala pa tayo sa booths." Sabi niya.

"Yes po!!" Sabi ko tapos nag salute pa ako sa kanya. Huehue~ Tumawa na lang siya habang pinapanood ako kumain. Luuh, nakakaconcious ah. :D

ONE SHOTS [Rom-Com]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon