Jennelyn Meñoso

403 8 9
                                    

Isang PRANGKA

PILOSOPO.

HINDI LADY-LIKE.

PAMBARA.

Yan ang tawag nila sa akin.. Ako si Jennelyn Meñoso, ang PAMBARA QUEEN sa Michie University.

"Hoy ikaw! Lalake! Halika nga dito!" Sabi ko sa isang nerd na lumalakad sa harap ng classroom ko.

Tumingin naman siya sa akin na parang tanga.. Tumingin pa sa likod niya.. Tapos tinuro yung sarili niya..

"A-ako ba?" Muntanga, malamang.

"Hindi. Hindi. Ako. HALIKA NGA DITO! Tatanga tanga!" Lumapit naman siya na parang nanginginig pa. -_-

"Anong pangalan mo?" Sabi ko agad.. Lagi ko kasing napapansin tong lalakeng to na dumadaan sa classroom namin eh. Weirdo na nerd.

"A-angelo.. Angelo Yap.." Nakayukong sabi niya..

"Ano?! Yup? Ang bantot naman ng apilyedo mo eh! HAHAHA!" Nagsitawa din ang mga kaibigan ko sa likod ko.. Sila Krizza, Pearl, Selena, pwera si Shaila. Makatawa naman to kala mo wala ng bukas. Abnormal -_-

"Hahaha! Baliw ka talaga Jen!" Sabi ni Pearl.

"Hahaha! Tigilan mo nga si Angelo, Ikaw!" Sabi naman ni Krizza.

"Hoy, ano ba kayo. Tama na nga yan. Tss." Sabi ni Shaila sabay pasok sa room. Ay timang? xD

Nakikinig lang naman tong lalaking to habang nakayuko. xD NAKAKATAWA TALAGA SIYA PROMISE!

"Ah, a-ano.. Yap yun.." Sabat naman ni Angelo daw.

"Ge, sabi mo eh. Alis ka na." Sabi ko naman.

"Ang bad mo talaga ate Jen!" Si Selena. Ang bunso sa amin.

"Hayaan mo nga yun. HAHAHA!" Tawa ko naman.

"Ano yun? Bakit mo tinawag yun? Crush mo yun no? Yieeee! Ikaw, Ikaw ah! HAHAHA!" Krizza. Pinaka loka-loka.

"Loka loka! Magkaka-crush na lang ako sa nerd pa na yon. Wag ka nga dyan! Tss." Sagot ko naman.

"Pumasok na nga kayo dito! Baka dumating na si Ma'am!" Sabat ni Shaila sa amin. Ang pinaka mature sa amin.

"Oo nga, tara na girls." Pilya at Girly sa group, si Pearl. Pangalan pa lang. HAHA :3

Pumasok na nga kami at umupo sa kanya kanyang upuan.. Pagkatapos ng klase dumeretso naman kami sa tambayan namin.. Sa field, sa ilalim ng puno. Naglagay na nga din kami ng duyan dito eh. HAHA!

"Oy, sino na kukuha ng pagkain?" Sabi ko agad, nagugutom na ako eh!

"Bumili na ako kahapon!" Sagot agad ni Selena.

"Ako nakabili na ko nong Monday." Sagot ko din.

"Nakabili na ako nong Wednesday, wag kayo dyan. HAHA!" Sabi naman ni Krizza.

"Ako din nong Tuesday." Segunda naman ni Shaila.

Napatingin kaming lahat sa hindi nagsasalita sa tabi na kunwaring nagbubunot ng mga damo. Abnormal talaga to. Sabay tingin sa amin nong napansin na niyang nakatingin kami sa kanya..

"Ba-bakit?? Masyado na kasing mahaba yung mga d-damo eh.." Sabi niya sabay bunot ulit.

"Abnormal talaga tong kaibigan natin na to." Sabi naman ni Krizza

ONE SHOTS [Rom-Com]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon