Chapter 2

19 1 0
                                    

Karylle

Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ng magising ako. Masyado ba kong excited? Well totoo naman dahil makikita ko ng muli ang boyfriend ko. Namiss ko kasi sya e, iniwan ba naman ako kahapon.


"Good morning, ma! Pa, sa school na ko magaalmusal ah! Byeeeeee!" Agad akong umalis hindi kasi ako mapakali hanggat di ko nakikita si vice my labs. Parang ernie lang ng my beki boss no, possessive lang.

"Oh, manggahan! Manggahan 3 nalang, miss dito ka na!" Ang manyak ni kuya ah, inferness nakuha sa alindog ko.



"Teka miss, kulang bayad mo!" Kulang? Otso pesos isang tao ah.



"Ha? Diba otso pesos isang tao?!" Tanong ko sa barker ng jeep.




"Sa laking mo yan miss, isang tao ka? Dambuhala ka kaya pangdalawahan ang bayad mo!" Nanlaki ang mata ko.




"Mapanglait kuya? Ang perfect mo e, Ang gwapo mo! Kamukha mo yung aso ko! Oh, magpangipin ka ah!" Sabay abot ko ng bente pesos sakanya susuklian na sana nya ako ng pigilan ko sya.



"Keep the change! Alam kong makakatulong yan sayo! Toothbrush din minsan ah, uso pa yun!"




"Ano bayan? Usog naman kunti oh naiipit yung hita ko!"



"Miss sa susunod na jeep ka nalang! Di na kaya e,!"


Jusko, ganun na ba ako kataba? Grabe naman sila sakin. Kung hindi tigyawatin. Tabachingching naman kung afford ko lang ang gym matagal ko ng ginagawa. Nakakaoffend ah. Di nalang ako umimik sa reklamo nila at pinagsisikan ko pa ang balakang ko makaupo lang.



Aalog alog na umalis ang jeep. Salamat naman sa dyos at buhay akong nakarating sa university.





"Bessss, lumalaki ka ah? Diet din kasi minsan!" Bungad sakin ng magaling kong kaibigan.




"Ayoko! Ang sarap kayang kumain! Di ko kayang mawala sila noh!" Nakapout akong nagpaalam muna kay bes, naiinsecure ako sa isang buwan na bakasyon kasi wala akong ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain dahil sa pagkamiss ko kay Vice, tapos lagi din akong puyat kakastalk sa kanya.kaya ako tinitigyawat.





Nagpunta ako ng Cr ng girls, at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Ang laki ko na nga, kaya ba ko nilalayuan ni vice kasi pangit na ko.




"Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko? Them whyyyy? Sumagot ka? Pangit ba ko? Ha? Kapalit palit ba ko--!"





"Litsi! Oo magtigil ka na? Ang ingay mo! Lumipat ka ng ibang Cr, sigaw ng sigaw!" Nagulat ako ng lumabas ang pinakaterror na teacher sa university. Matandang dalaga kasi kaya maldita.





"Sorry maam! Sorry po!" Paumanhin ko sa kanya.





"Wag ka ng magtanong kung alam mo naman ang sagot! Masasaktan ka lang, di ka si Liza, Si Barna ka!" Sabi nito bago lumabas ng Cr.





"Ang sama mo maaaaaam!"





Inayos ko muna ang zipper ng palda ko na paputok na sa sikip, tsaka naglagay ng kunting pulbos at lipgloss.





Habang naglalakad ako. Syempong nakita ko si vice kasama ang dalawa nyang kaibigan agad akong tumakbo palapit sa kanya.




"Viceeee! Viceee! Wait!" Sigaw ko pero yung dalawa lang yang kaibigan ang tumingin sakin.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Die Hard Fan Where stories live. Discover now