Prologue

7 0 0
                                    

PROLOGUE....


Ano ba ang pakiramdam ng mamamatay?

Nakakatakot. Iisipin ko pa nga lang natatakot na 'ko.


Ay, hindi, hindi. Hindi pala ang kamatayan ang ikinakataot ko. Matagal ko naman nang natanggap- na anumang oras pwede na 'kong bawian ng buhay. I have a stage 3 lung cancer. Alam ko na malabo na talaga akong gumaling. Kaya sumuko na 'ko sa paglaban sa sakit na 'to, kahit na ini-encourag ako nina mama at kuya na huwag sumuko pero ayoko na talaga. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. What's the use of keep on fighting when I know na hindi na man na talaga ako gagaling. Pinapa-asa ko lang ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman talaga mangyayari. Di ba mas masakit yun? Ang umasa sa wala.


Pero natatakot pa din ako. Takot ako di dahil sa mawawala na 'ko kundi dahil sa mga taong maiiwan na nagmamahal saken.

Takot ako kasi baka isang araw tumigil na lang ako sa paghinga na hindi man lang ako nakakahingi ng tawad sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong sabihn sa kanya na nagsisisi na 'ko sa lahat ng mga nagawa ko. Gusto ko ulit makita ang maamo nyang mukha, ang kanyang ngiti. Gusto ko uli marinig ang boses nya. Gusto ko na bago man lang ako mawala ay masilayan ko man lang uli ang mukha nya.



"Haay!!!" napa buntong hininga na lang ako.

"Ang lalim nyan anak ah" si mama. Di ko man lang namalayan na nakapasok na pala sya dito sa room ko dahil sa dami ng iniisip ko. Nakatingin lang ako sa bintana at hindi ko sya nililingon.

"Eto, dinalhan kita ng mga prutas. Male-late nga pala si jhayku ng punta dito. May lakad kasi sila ni Melissa "

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni mama. Nakatingin pa rin ako sa bintana.

"Ma gusto ko syang makita" napansin ko na napalingon saken si mama mula sa pagbabalat ng mansanas. Pero di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa bintana.

"Bakit? May kailangan ka bang sabihin sa kanya? Eh pano yan mamaya pa ang balik nun. 'Yaan mo, tatawagan ko para dumiretso na agad dito pagkatapos nila."

Lumingon ako kay mama. Halatang may pag-aalala sa mga mata nya. Ansaket makita na pati sila ay nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon

"Ma gusto ko syang makita bago man lang ako mawala. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Ma tulungan mo 'ko na makita sya."

Nagkunot noo si mama. Halatang nalilito pa sya kung sino ang tinutukoy ko. Pero agad din namang nawala ang pagkalito nyang yun. Mukhang alam nya na kung sino tinutukoy ko. Sabagay, alam na rin naman ni mama ang lahat tungkol kay Dawn eh.

Lumapit saken si mama at umupo sa gilid ng kama ko.

"Sige. Try kong tawagan si Kirsten. Siguro naman may communication pa rin sila ng bestfriend nya di ba?"

"Thanks ma."






* * *




" Ma yuing cellphone ko nakita mo ba?" nasa 2nd floor ako ng bahay , at si mama naman nasa baba kaya kelangan ko pang sumigaw para marinig nya ko.

A Chance To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon