Chapter 2

2 0 0
                                    

"Dawnicaaa"



Ay putik. Pagbungad ko pa lang sa door ng room eh sigaw na agad ang sumalubong saken.

Sino ba kasi yung nagspecial mention ng name ko? Nakakahiya tuloy, lahat ng mga kaklase ko eh nagulat nang may sumigaw sa name ko..



Ayun! si Kirsten lang pala. Walangya! Nakangiti pang kumakaway saken.


"Dawnica dito ka sa tabi ko umupo. Eto oh, may vacant seat pa."


So classmate ko pala si Kirten ngayon. Buti naman. At least may nakakasama ako at nakakausap. Parang ang loner ko kasi. Ako lang mag-isa. Karamihan kasi sa kanila magkakakilala na.

Lumapit agad ako sa kanya. Nasa may bandang gitna sya nakaupo pero okay na rin, at least ngayon kakilala ko yung katabi ko and kaibagan ko pa.



"Answerte ko naman, classmate pala kita sa subject na 'to." sabii ko sa kanya sabay upo.

"Oo nga eh. Patingin nga muna ako ng studyload mo baka may iba pang subject na classmates tayo. Di naman malabo yun. Pareho naman tayo ng course eh."


Tinignan namin yung mga studyloads namen para icheck kung meron pa ba kaming ibang subjects na the same schedule.



"Ayus naman pala eh. Classmates tayo for 3 subjects. Buti na lang talaga. Nakakalungkot kasi, wala akong makausap. Ewan ko ba, walang lumalapit saken para makipagkaibigan."



"Wow! Ang ganda mo ah. Feeling artista ganun? Dapat talaga sila ang maunang lumapit sayo?


"Oi di naman sa ganun, kilala mo naman ako di ba? Mahiyain talaga ako."


"Alam ko naman yun pero dapat kasi kalimutan mo na yang hiya-hiya na yan. kailangan mo rin kasing makipagkaibigan sa ibang tao. Yung hindi lang basta naghihintay ka kung sino lang yung unang lumapit sayo."



Yeah right. Tama rin naman si Kirsten. Naman kasi, napakamahiyain ko. Di ko naman kasi talaga feel na ako yung unang nakikipagkaibigan, nahihiya kasi ako. Ganito na 'ko dati pa. Natatakot kasi ako sa rejection, kasi 'lam nyo na medyo iba pa 'ko.



"Alam ko naman yun kaya nga pupunta ako sa acquintance party di ba kahit di naman talaga ako mahilig sa ganyan."


"Ayan tama yan. Alam mo kasi maganda ka, di ka dapat mahiya." sabi ni Kirsten saken sabay hawak sa chin ko.


Ayii! Nakakakilig naman tong si Kirsten. Hahaha. loko lang.



"By the way, classmates rin pala natin si Kim Carlo sa 2 subjects naten.

Napakiusapan ko kasi sya na kumuha ng mga subjects na same schedule saken since minor lang naman."

A Chance To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon