lSTIP 1

430 11 0
                                    

Umagang umaga sa bahay ng mga Tan ay umaalingawngaw na ang bunganga ni jamela sa buong bahay kasama na ang kabilang bahay.

"Manang asan yung plantsa?!" Sigaw ni Jamela sa buong bahay. 

Napabalikwas ng takbo si manang fe mula sa kusina hanggang sa kwarto ni jamela dahil sa lakas ng boses neto.

"Para saan ba yun iha? Naplantsa na ng katulong ang uniporme mo." mahinahong sabi ni manang fe.

"Eh kasi manang dadalhin ko sa school." sagot ni jamela.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni manang. Sino nga naman ba ang magdadala ng plantsa sa school?

"IBABATO KO KASI KAY LUCAS!" Sabay hagalpak ni jamela. Sabay lakas ni jamela papuntang hapagkainan.

"Ay jusko kang bata ka oh. Wag kang nagbibiro ng ganun." sabi ni manang

Nasa hapagkainan na si Jamela at nagGoodmorning sa nanay at tatay niya. Pati na rin sa kapatid niyang hindi man lang siya tiningnan.

napakalamig talaga!  isip ni jamela.

Matapos nilang kumain ay sumakay na si jamela sa kotse kasama si Jam. 

Jamela's POV

Hi everybody! Jamela Tan nga pala. 4th year highschool. At graduating na ko sa march with flying colors. RED MARKS sa aking class card.

Eh sa hindi ako binayayaan ng talino ng tatay ko, Tama ba namang ibigay lahat kay JAM. Nasa Class F ako at si Jam ay nasa Class A.

Hindi rin ako famous katulad ng nanay ko. Isa ako sa magandang klase ng estudyante, ay este not-so-famous.

At maganda ako.

Ang tahimik masyado dito sa kotse. "Jam." sabi ko ng mahina.

Tinanggal lang ni Jam yung isang earphones niya para malaman ko na nakikinig siya at hindi pa rin tumingin sakin. 

"Bakit ang tahimik mo?" sabi ko.

"..." jam at flinip yung binabasa ng trigometry book.

"Pipe ka ba?" sabi ko ulit."

"..."

"Bakit di mo ko pinapansin? HOY!" sabi ko at inemphasize ko pa ang HOY

"Tapos mo na ba homework mo?" tanong niya.

"Homework? Anong homework?" tanong ko.

Nagsmirk lang ang loko at lumabas na ng kotse. Andito na pala kami.

"Homework?" tanong ko sa sarili ko. sabay labas ng kotse.

Paglabas ko ng kotse may nakita akong malas. 

Nagsmirk lang ang loko sakin at sumabay na kay Jam. OPO magtropa po yan. Kasama ang M12 

"hmp." sabi ko at naglakad na ko papasok sa school. 

"JAM!" rinig kong sigaw ng bestfriend slash kaklase slash sisterette from a different from mama.

tiningnan ko lang siya.

"Ay taray! Nahawa sa kapatid? HAHA Oo nga pala. Pakopya assignment sa Trigo.

"Sira. Hindi no. Assig--" natigil ako saglit. AT bigla ay para akong sinampal. "Anak Ng! Wala pa akong assignment! Nakalimutan ko."

Nakakaasar talaga ang Jam na yun! Hindi man lang ako sinabihan!

Maya maya ay pumasok na ang teacher namin sa TRIGO! Pag tinamaan ka nga naman ng malas oh! Bengga nanaman ako. KAMI

"Homework!" sabi ni Miss.

As Usual. What do you expect from class F, wala nanamang nakagawa ng assignment.

"70 kayo lahat sa assignment." sabi ni miss.

ano pa nga ba?

"Excuse me miss." Sabi nung gwapong lalaki sa labas. 

Nagkorteng puso naman agad yung mata ng malanding teacher na to. "Oh yes?"

At oo kumorteng puso din ang mata ng kababaihan at kabaklaan sa class F.

"Para kay Jamela po." sabi niya na walang gana.

"Sige akin na." sabi ni miss at inabot ang notebook, ay hindi mali! Inabot at hinimas himas ang kamay ng kapatid ko.

Inagaw naman agad ni JAM ang kamay niya, OPO si Jam lang po yun. Tapos umalis na.

Nagtransform naman agad ang teacher. "Oy JAMELA!" sabay abot sakin nung notebook.

binuksan ko yun notebook. ASSIGNMENT! Ginawa niya ako ng assignment.

"MISS MAY ASSIGNMENT AKO!" sigaw ko.

------------

Lunch break.

Kasama ko si Alesana Moralde. oh ales for short ang bestfriend ko.

"Beeeeesss!" sabay salampak ko ng mukha ko sa lamesa!

"Baliw na siya." sabi niya lang.

"Kalahati na ng school year pero nga nga parin tayo. Baka hindi tayo makagraduate." sabi ko.

"Eh anong gusto mong gawin ko?" sabi niya. "Mag-aral nalang tayo."

"WOW! Big word. hAHHAHAHA." sabi ko lang at nagtawanan kami.

Maya maya ay nakita kong tulala si ales sa kawalan. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya. Nakatingin lang naman siya sa M7.

"Malanding frog." Sabi ko.

"Basag trip." ganting sabi niya rin.

"Alam mo kahit titigan mo ang lalaking yan ay hindi ka tatapunan ng tingin niyan." sabi ko sabay subo sa lasagna ko.

"Bakit ba?!" sabi niya. "Selos ka lang eh!" sabi niya ulit. 

"Abat siraulo ka ah! Ni minsan hindi ko iniisip pag nasaan si JAM no." sigaw ko habang nagtatalsikan yung laman ng bibig ko.

"Gross mo naman bes." 

Siya si ALESANA MORALDE. ang babaeng lubos na tinitingila at sinasamba ang kapatid kong si JAM!

"JAMELA!" rinig kong sigaw ni Joey. JOEY Kang. 

JOEY Kang. Miyembro ng M12. Class A. Gwapong nilalang. 

Lumingon ako.

"Kamusta?" tanong niya.

"Hindi ba tayo nagkita kahapon?" sarkastikong sagot ko.

"Awww. Medyo agaw trip." sabi niya lang sabay hawak sa puso.

"EHERM!" Eksaheradang tikim ni ales. "Sibat na ko bes." sabay alis at takbo ng mabilis. Yung totoo kaibigan ko bayan?

"Punta kayo ni ales sa party ko ha." sabi niya

"Party? Anong meron?" sabi ko. 

"Birthday." sabi niya lang. Sabay pisil sa pisngi ko. Tapos ay Tumayo na siya at bumalik sa m7. 

Hinabol ng patingin ko si Joey. Hanggang sa ma-SPOTan ko ang pinakadakilang demoyong yelo sa lahat.

Nakatingin sakin, NakaPOKER face at inirapan ako.

LUCAS MENDEZ. 

Seduce the ICE PRINCE?! -ONGOING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon