Forbidden Love 7

8.9K 104 13
                                        

ARA P.O.V

NAGMAMADALI na akong bumaba ng hagdan kasi late na naman ako. Nalabasan ko sina Tita na nasa terrace at nagkakape. "Nagmamadali ka na naman," puna sa akin ni Tita.

Eh kasi ang anak niyo po, ayaw akong tantanan kagabi. "Ta, To alis na po ako."

"Magpahatid ka na sa driver."

"Opo." Sabay labas ko na. Sakto naman na andiyan na ang driver nina Tita. Pasakay na sana ako nang bigla akong tawagin ni Kuya. Napatingala ako sa second floor ng mansiyon, halatang bagong gising pa siya, gulo-gulo pa kasi ang buhok niya at naka-boxer pa siya.

"Po?"

"May nakalimutan ka.

"Po? Wala..." Nalaglag ang balikat ko, tumaas naman ang kilay niya. Aish! Nakalimutan kong daanan siya! Tumakbo nalang ako ulit papasok.

"Ang bata mo pa pero makakalimutan ka na agad," komento ulit ni Tita. Ang anak niyo po kasi sobrang landi! Sinalubong niya ako sa hagdan at agad na hinalikan. Isinandal niya ako sa pinto ng guest room at marahas na sinakop ang mga labi ko.

"Ano ba Kuya?!" Reklamo ko. Sakit sa bibig eh.

"That's for forgetting your routine."

Umirap lang ako at bumaba na. Dapat kasi maaga akong nagigising eh. Buti nalang at mabilis magpatakbo si Manong Caloy.









ARA P.O.V

"LATE ka na naman." Salubong sa akin ni Danna. Nangunot ang noo ko nang abutan niya ako ng papel.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Christmas activity natin before Christmas vacation. Gift giving sa Barotac Nuevo."

"Bakit ang layo?" tanong ko kasi pinakadulo na din 'yun ng Santavera at liblib pa ang lugar.

"Abay malay ko sa school natin, welcome daw volunteers."

Napatango nalang ako, sa makalawa na.

"Ano? Join ka?"

"Kung papayagan ni Tita. Magpapaalam pa ako."

"Isama mo na din si Kuya Jeff para masaya. Di ba sundalo siya, sure akong marami siyang maitutulong."

"Di pwede." Sagot ko. Sasakit lang yung ulo ko kapag kasama ko siya. Dumating na din ang instructor namin na magpapaliwanag sa amin sa gaganaping gift giving activity.




ARA P.O.V

"NO." Palag ko agad kay Kuya nang sabihin niyang sasama daw siya sa Barotac Nuevo. Nadinig kasi niya kanina na nagpaalam ako kina Tito at Tita. Pinayagan naman nila ako , ang problema ko ngayon ay si Kuya.

"Ano ba kasing problema ha? Eh sasama lang naman ako. Tutulong din ako. Tatawagan ko ang school niyo para makasama ako."

"Hindi nga pwede, ano ka ba naman Kuya? School activities 'to oh tapos sasama ka?"

"Siguro may tinatago ka sa akin no? Bakit parang ayaw na ayaw mo akong sumama?"

"Eh kasi makulit ka! Alam kong pagdating natin dun, di din naman ako makakapag-concentrate kasi mangungulit ka na naman! At mapapagod ako sa kakapanimbang sayo!"

"I'll behave."

"Still a no. Please Kuya, dito ka nalang."

"Sasama ako. Para mabantayan kita. Saka anong gagawin ko dito habang wala ka ha?"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon