Kasi nga mahal ko pa

27 4 5
                                    

"Kasi nga mahal ko pa"

Kasi nga mahal ko pa ang dating minahal si ako,
Kasi nga mahal ko pa ang lalaking nagpapatibok ng puso ko... hanggang ngayon.

Kasi nga mahal pa kita.

Siguro nga mahal pa ang halaga ko noon,
Pero ngayon mura na lang ba kaya itinapon?

Gano'n? Gano'n na lang ba kadali limutin ang lahat?
Hindi. Hinding hindi.

Kasi nga mahal pa kita, kaya gusto kong ibalik yung "tayo",
Yung nagmamahalan ng totoo,
Yung may 'ikaw' pa at 'ako',
Yung masayang halakhakan ng todo,
Pero yung gusto ko, nasapawan ng pagpapakagago.

E anong magagawa ko? Mahal pa rin kita,
Sobrang sakit 'pag nakikita kang masaya sa kaniya,
Ako naman itong si tanga, umaasa.

Sabi nila..
"YUNG ASAWA NGA NAAAGAW, GIRLFRIEND PA KAYA?"

E P*tang*na, mahirap kunin ang atensyon niya,
Yung puso pa kaya na pagmamay-ari na ng iba?
Kaya heto ako nakatingin kahit masakit na.

Take two! Ay NO, take million na ata yung salitang "masakit na",
Kasi ako itong si tanga patuloy pa ring umaasa,
Nagbabakasakaling bumalik ka sa 'kin tulad ng una,
Nagbabakasakaling makuha muli ang ngiti na para sa iba na.

Para akong sinasaksak ng maraming beses,
Umiiyak hanggang sa mawalan na ako ng boses.

Lahat ginawa ko na, maniwala ka,
Kalimutan, 'wag umasa, 'wag magpaka-tanga,
Pero ano ba? Wala e, Aaminin ko 'di ko kaya,

Tumingin ako sa kung saan, ikaw ang nakikita ng mata,
Sa bawat pagpikit, imahe mo ang nakikita.

Pero sige, pipilitin kong maging masaya,
Kasi nga mahal kita't ayaw ko nang maka-abala pa.
Salamat sa lahat at ipinauubaya na kita sa kaniya,

Kasi nga mahal ko pa, kaya okay na sa 'king maging masaya ka kahit sa piling ng iba.

Inside The Cupboard (Poetry)Where stories live. Discover now