Isang tula, Para Sa Ating Dalawa

13 1 0
                                    


Alam mo ba?
Gumawa na naman ako'ng tula.
Gumawa na naman ako ng tula, hindi para sa akin,
Kundi para sa'ting dalawa.

Naalala ko yung panahon na,
Sabi mo ako lang,
Na ako lang ang mamahalin mo hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Sobrang saya ko,
Ito na yata ang buhay na pinapantasya ko.
Ikaw ang hari at ako ang reynang nasa palasyo,
Nabubuhay ng masaya sa salitang TAYO.

Magkasamang sumasayaw sa ibabaw ng alapaap,
Sumasabay sa musika at himno ng dagat.
Tanging tunog lang ng mga kuliglig,
At tila tambol na nagmumula sa aking dibdib ang maririnig.

Mahal, wala na akong mahihiling pa,
T'wing kasama ka, buhay ko'y protektado na.
Binaliktad mo ang mundo ko,
Lahat ay namumukod-tangi at umiikot sayo.

Pero bigla akong pinitik ng reyalidad,
Nasa paraiso tayo noon pero isang dipa ang pagitan.
Di ko alam ang patutunguhan ng usapan,
Basta't ang alam ko lang ay kailangan mo na akong layuan.

Humakbang ka palayo,
Kasabay ng mga luha kong namumuo.
Di ka nagpatinag at tuluyang lumayo,
Di kita maabutan kahit anong gawin kong pagtakbo.

Mahal, para saan?
Mahal, bakit mo 'to ginagawa?
Mahal, anong dahilan?
Mahal, 'wag mo akong iwan.

Maraming tanong ang gumugulo sa isip,
Pero ni isa ay wala akong masambit.
Kung isa itong panaginip,
Ayoko nang maidlip.. Oo. Ayoko na.

Mabuti pa ang TULA may TUGMA
Mabuti pa ang NOBELA madalas nagtatapos sa MASAYA
Mabuti pa ang FAIRY TALES may HAPPY ENDING
Mabuti pa ang KANTA may MAGANDANG TONO sa huli. Bakit?
Bakit sa atin WALA?
Wala nga yata kasi akong pinanghahawakang titulo,
Na ika'y akin lang at ako nama'y sayo.

Bakit?
Bakit bigla kang nagbago?
Bakit bigla kang umiwas nang hindi ko batid.
Bakit mahal, anong nangyari?
Diba't sabi mo, sa piling ko'y ikaw ay ma-swerte?

Ilang tasa ng kape ang iniinom ko gabi-gabi,
Para lang magising sa katotohanang wala ka na sa aking tabi.
Ilang hampas ang ginawa ko upang maramdaman,
Kung kinakaya ko pa ba o kinain na ako ng kamanhiran.

Nagkamali ako,
Naging tanga ako..
Dahil ginawa kong mundo,
Ang alam kong tao.

Tila gumuho ang paligid,
Ramdam ko ang pagyanig,
Ang sakit,
Ang bigat na dulot nito.

Parang isang malakas na buhawi,
Ang tumama sa puso ko na tila minanhid na ng hapdi.
Sinabayan ng malakas na ulan,
Nagwawalang bagyo, patak ng tubig mula sa mga mata kong ayaw tumahan, mahal..

Gusto kong marinig ang totoo..

Mahal, mahal mo pa ba ako?
Minamahal mo pa ba ako?
Minahal mo nga ba ako?
O hindi mo lang talaga sineryoso?

Hindi talaga mawala sa isipan ko ang mga tanong na naghahanap ng kaukulang sagot mula sa'yo!

Bago pa man ako makapagsalita ay iniwan mo ako,
Nang iwan mo ako ay biglang sumiklab ang apoy,
Pilit akong sumisigaw ng panaghoy,
Pero lalo lang itong lumalakas na tila sinisigaan ng kahoy.

Nagtatangis ito,
Patuloy na nagliliyab at nabiktima ako.
Ang hapdi, ang kirot, ang sakit..
Pati ang puso kong sawi ay tinusta nito.

Pero bumangon ako,
Para patayin ang apoy,
Na ikaw ang gumawa,
Na ikaw ang lumikha,
Na ikaw ang nagumpisa.

Ikaw, ikaw ang bumuhay nito,
Papatayin ko na ang apoy gamit ang luha kong bumubugso.

Napakahirap gumawa ng ilang dosenang tula,
Na may masaya ka kahit hindi naman talaga.

Tatapusin ko na ngayon,
Ang maling pag-ibig, sa maling panahon.

Ang "Isang tula para sa 'ting dalawa" ay babaguhin ko na.

Itong tula, na para sa ating dalawa,
Ngunit ngayo'y nag-iisa, dahil nang-iwan ka.

-----------

Entry ko dapat 'to for the Spoken Poetry night kaso di ko mahanap no'n sa draft. Xoxad haha. But happy nai-publish ko na haha. Aylabet!

Inside The Cupboard (Poetry)Where stories live. Discover now