Magbibilang Ako

14 1 0
                                    

ISA isahin natin ang mga letra,

Hanggang mabuo ang DALAWANG salitang 'mahal kita'.

Magbibilang ako...

Hanggang TATLO, hihintayin na habulin mo ako sa aking pagtakbo,

Pero, APAT! Hinintay kita, akala ko sa pangatlo kong hakbang ay susuklian mo ito ng sapat!

At higit pa sa LIMANG hakbang ang gagawin mo,

Para sabihin ang ANIM na salitang 'patawad irog, mahal na mahal kita'.

Ngunit higit sa sa PITONG luha ang umagos sa mukha ko no'ng sabihin mong 'patawad, hindi na kita mahal'.

Nagsisi akong pinihit ko ang numerong WALO,
Para maging walang hanggan ang simbolo ng ikaw at ako.

Lagpas pa sa SIYAM na beses kong ininda ang sakit ng puso...
Ngunit, kung dumatal man ang araw na humingi ka ng tawad,

Higit pa sa SAMPO ng pagsuko ang gagawin ko.

Magbibilang muli ako,

Hindi sugat ng puso kung hindi hakbang papalayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside The Cupboard (Poetry)Where stories live. Discover now