I.

195 12 24
                                    

His name is Riether, the man I love the most. My ideal boyfriend. My life. 

I don't know why, when, and how I felt this—basta isang araw bigla ko na lang 'to naramdaman. No signs, no clues. I never thought of myself falling for him.What I hate about this world is being unfair. I know he's old enough, but I know I can satisfy him and make him feel loved. Alam ko sarili ko na kaya kong panindigan ang mga responsibilidad na aking papasukin. Hindi porke ang edad ko'y bata, hindi ko na kayang mag-isip na parang isang matanda. 

Palabas na ako ng paaralan nang mahagip ko ang kotse ni Reither na naka-park sa labas ng gate ng eskwelahan. Nakasandal siya sa sasakyan at nakatingin ng diretso sa akin. Siya ang taga-sundo ko kapag wala ang kuya ko, kaya hindi na rin ako nagulat. Ngumiti siya ng bahagya at saka kumaway. 

 I waved back smiling and started to walk toward him. He's wearing a simple blue polo that matches with his above the knee shorts. Simple, yet attractive. 



"How's your day, little girl?" Reither asked. My forehead creased. I'm not a little girl anymore.

"I'm not a girl anymore, Reither. I'm a woman," seryosong sambit ko sa kaniya.  Tumawa na naman siya ng bahagya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? 

"Yeah." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok naman ako sa loob ng sasakyan niya. "Hindi mo talaga ako tatawaging, Kuya man lang, eh 'no?" 

Paano kita tatawaging kuya, eh hindi naman kapatid turing ko sa iyo? Sabi ko sa sarili ko. "Why would I? Si Gino nga, hindi ko tinatawag na kuya." 

"Okay, little girl," natatawang asar niya. Pinalo ko siya sa braso kaya napaaray siya. Sinamaan ko siya ng tingin noong napalingon siya sa akin. Kahit kinikilig na ako, pinipilit kong maging normal sa harap niya. Ganito lang naman kami, mahilig mag-asaran. Kapatid ang turing niya sa akin, pero ako, nagte-take advantage na. Alam kong masama pero nagmamahal lang ako. 

"Joke lang. Tanda mo na nga eh." Napairap na lang ako sa sinabi ni Reither. Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon. Nakaka-stress ang Math, 'wag na siyang dumagdag. Tumingin na lang ako sa bintana. 



"What?!" Napalingon ako bigla sa sigaw ni Reither. Halong galit at pag-aalala ang tono ng boses niya. "Okay, I'll be there. Ihahatid ko lang si Tony sa kanila." Hindi ko na lang siya tinanong, baka lalong magalit.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay, nakita ko siyang hindi mapakali. "Tony, sorry kanina. Nagulat lang ako." Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. 

"Aba. Tigilan mo 'yang paggulo mo sa buhok ko, ang hirap kaya ayusin! Baka sipain ko 'yang pagkalalaki mo," Kalmado kong banta sa kaniya, pero halata mong iritado ako. Kahit na mahal ko siya, aba, nakakainis kaya. Tumawa na lang siya at tumango. Lumabas na ako sa kotse niya.

Pinaharurot na niya ang kotse niya. . . hinintay kong mawala sa pananaw ko ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng bahay. 

Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa bahay, sa sala, hanggang sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na ito. Ang daming nangyari.



"Hay!"Malakas na sigaw ko at saka inihiga ang sarili sa kamang malambot. Isa-isa kong kinuha ang mga libro ko at nagsimulang mag-basa. Inuna ko ang Karmic Hearts by Jhing Bautista. Yup, you read it right. Hindi academic books ang binabasa ko, kun'di novels. 

Nagbabasa lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Ara, kapatid ni Reither. Isang matalik na kaibigan. Na sa America siya ngayon, kaya hindi ko siya nakakasama sa paaralan.

06-23, Tuesday.



Hi, Tony! Guess what, nandito na ako sa Pilipinas. Tara kita tayo dito sa park, nandito ako ngayon. I'll wait for you.



Agad na nanlaki ang aking mga mata . Hindi ko na namalayan na nakatayo na ako pala ako. Nagbihis ako at nagmadaling lumabas ng kwarto ko. Nang marating ko ang gate, hinarang ako ng guard. Darn it!

"Uhmm, manong, pupunta lang ako sa park," pagpapaalam ko. 

"Hindi pwede, Ma'am. Iyon ang bilin ng iyong mga magulang." Kumunot na naman ang noo ko. Pero agad rin napalitan iyon ng ngisi nang may naisip akong paraan. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagscroll sa messages. Pinindot ko ang message ni mama noong nakaraang buwan. Pinakita ko ang nakalagay roon. Lumaki ang mata ni Manong at saka ako pinag-buksan ng gate. Tumakbo na ako palabas at tumawa ng tipid. Kung matalino ka, mas matalino ako. Paano ako nakalabas? Pinakita ko ang message ng aking ina. "Manong, pinayagan ko si Tony na makalabas." 



Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko ang parke. Nagtaka ako nang makita ang lugar na tahimik at walang tao. Kinabahan ako ngunit umatake ang kuryosidad. Pumasok ako sa loob at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa aking nakita. 

Nanlambot ang aking mga tuhod. Nanginig ang aking mga kamay. Hindi ko na namalayan na naguunahan na palang tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko malaman ang aking gagawin; sobrang sakit. 

Bakit kasi sa iyo pa ako nahulog?! Tumakbo na lang ako papalayo at hinayaan ang sarili kung saan man mapapadpad.



___________________________

I hope you'll support my story! Thank you and God bless us all! For more updates, add me on my Facebook account: Fourth WP (or just click the external link!)
Instagram and Twitter: soon!







Five Steps Ahead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon