V.

45 6 0
                                    


Tuloy-tuloy pa rin ang panayam. As expected, karamihan sa mga nakausap ko ay mayroong attitude problem. Isang estudyante na lang ang aking kakausapin at matatapos ko na. 



I massaged my temple, nakakapagod din palang mag paka-bitch. Parang hindi ko nga nakilala 'yung sarili ko kanina. Pero sa tingin ko, tama naman ang aking ginawa. Para din naman iyon sa mga bata. 



Samu't saring mga bata ang aking mga naka-usap kanina. Nariyan ang mga lalaking malilibog, na kung makatingin ay akala mo hinuhubaran ka na. May mga babae namang ubod ng taray, pero ayun nasindak din. Mga maaarte at mayayabang, pero kapag kinalaban mo naman, matatakot din. Ganiyan naman ang mga bata, akala mo kung sinong malakas. Marami pa silang kakaining bigas, gosh!



"Ma'am." At bumukas ang pinto. Agad akong napatingin sa pinaroroonan ng nag-salita. 



Dire-diretsong pumasok ang aking sekretarya. Kasunod nito ang isang lalaking batid ko ay tutungtong sa ika pitong baitang.



Yumuko ito nang bahagya at umupo sa upuan na nasa harapan ng aking lamesa. A good guy? Finally.


"Good afternoon, kid," Bati ko sa kaniya. Nahihiya itong ngumiti at bumati rin pabalik.


Hindi ko naiwasang mapatingin sa kaniyang itsura. His faded black hair fits his facial features. His pointed nose and red lips, can make any girl have a crush on him. His deep brown eyes reminded of Riether's. Parang siyang pinabatang Riether.


Hindi ko na naiwasang hindi tumingin sa kaniyang pangalan. His name made my jaw drop for a second. Javier Winston. And Winston is Riether's surname. What a coincidence.


Naging maayos naman ang pag-uusap namin. Tinanong kung bakit ganyan, ganito. At sa sobrang kati ng dila ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.


"By any chance, are you related to a guy named, Reither Winston?"


Nakangiti siyang tumango at saka nagsalita. "Of course, Ma'am. He's my step-brother."


His words brought me into a mild awe. I can't believe it, mayroon palang kapatid si Riether? Wala naman siyang nakwento sa akin noon.


"Why? Do you know him po?" Javier asked.


I nodded. "Yes. He's my brother's best friend. Oh, please send my regards to him."


Nginitian naman ako ng bata at nagpaalam na. Hinintay ko siyang makalabas, kasama ang aking sekretarya bago ko pinahinga ang aking sarili sa desk. Huminga ako ng malalim at saka napa-isip.


Kung step-brother ni Javier si Riether, edi may bagong asawa na pala si tito? Ang daming talagang nabago sa mga nagdaan na mga taon.



*


Five Steps Ahead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon