Chapter 2: Weird
Fenella Daphne Santiago
Ilang minuto na akong nakatayo at nakapikit ang mata pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nararamdamang sakit sa katawan ko. Para akong lumulutang. Ano yun, patay agad?
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!"
Unti unti kong idinilat yung mata ko at nakita kong may kotseng nakahinto ilang inches mula sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Akala ko talaga mamamatay na ako! Buti nalang nakapagpreno pa siya.
"Ano ba?! Sasagasaan na kita kapag di ka pa umalis!"
Napatingin ako sa lalaking kanina pa sumisigaw. Yung may-ari ng kotse. Kanina pa pala ako nakatulala sa sasakyan niya. "Sorry." Sabi ko nalang at umalis sa gitna ng kalsada.
Inirapan naman ako nung lalaki at pinaharurot niya na yung sasakyan niya. What the! Ang sungit ah! Nag sorry na nga ako tapos iirapan pa niya ako. Bakla pala siya, e!
"Fen!" Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko yung boses ni Cheyenne. Nakita ko naman siyang tumatakbo papunta sakin. Dinamba niya pa ako ng yakap. "Hindi ka nag iingat!" Sabi niya at binatukan ako.
Wow. Amazona talaga. Pagkatapos akong yakapin babatukan ako? Ang galing.
"E, ikaw? Saan ka galing, ha? Kanina pa kita hinahanap!" Sabi ko at ginantihan siya ng batok. Aba, hindi lang siya ang may karapatang mambatok.
"Edi sa school, saan pa ba? Ikaw nga kanina ko pa tinetext, hindi ka manlang nagrereply!" Sabi niya.
Sa school? Napalingon ako sa school at nakita ko ngang maraming estudyante ang labas masok. Ngayon ko lang din napansin na hindi na madilim yung langit na para bang maaga pa. Well, maaga pa talaga! 8:30 palang sa relo ko. What the hell?!
Bakit maaga pa? Kanina lang alas sais na ng hapon nung mabubunggo na ako and then pumikit lang ako tapos pagmulat ko maga na? Anong kalokohan 'to?
Tiningnan ko rin yung phone ko at tama nga siya. May 13 unread messages ako na galing sakanya lahat maliban sa isa na galing kay Miggy? Who the hell is Miggy?!
"Sabihin mo nga sa akin, Che. Nananaginip pa ba ako?" Mahinang sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa text message nung may pangalan na Miggy sa phone ko. Ni wala nga akong kilalang Miggy at wala akong natatandaan na sinave ko yung number niya sa phone ko.
Nagulat ako nung bigla akong sampalin ni Cheyenne. "Aray! Ano ba?!" Inis ko sabi kay Cheyenne. Bigla bigla ba namang nananampal!
"Sabi mo sabihin ko sayo kung nananaginip ka o hindi?" Inosenting sabi niya.
"Sabi ko sabihin hindi sampalin!"
"Oo nga. E baka kasi hindi ka maniwala kaya sinampal na kita." Katwiran niya pa. "At least ngayon alam mo nang hindi diba?" Sabay tawa niya.
Sa awa ng Diyos, hindi pa ako nababaliw kagaya niya.
Pero hindi nga ba? Baka naman nababaliw na nga ako kaya kung ano anong weird na bagay ang nangyayari sakin.
"Oy, male-late na tayo. Sabihin mo lang kung gusto mong mag cutting, go ako diyan."
"Gaga! Kaylan ka pa natutong magcutting? Tara na nga!" Sabi ko at hinila ko na siya papasok ng university.
Bago pa man kami makapasok sa room ay may tumawag na sa pangalan ko.
"Fenella Daphne Santiago!"
Paglingon ko sa likod ay isang lalaking hindi ko kilala ang nandoon tapos wala nang ibang estudyante. Don't tell me, siya yung tumawag sa pangalan ko? Paano naman niya ako nakilala?
BINABASA MO ANG
Into The Book
خيال (فانتازيا)[SLOW UPDATE] I'm still studying. I hope you understand. READ AT YOUR OWN RISK.