Chapter 1: Swallowed
Fenella Daphne Santiago
"Nasaan na ba kasi 'yun?" Naiinis na sabi ko sa sarili ko. Kanina pa ako naghahanap pero hindi ko pa rin makita yung sinasabing libro ni Cheyenne.
Actually, wala talaga akong ideya kung ano ang itsura ng librong sinasabi niya. Basta tinext niya lang ako na may nakuha siyang libro sa tapat ng apartment namin. May kumatok daw sa pinto pero nung buksan niya ay yung libro nalang ang nakita niya.
Nagtataka nga ako kung sino ang nagbigay, e. Inisip ko nalang na baka isa sa mga fans ng babaeng yon. Sikat din kasi sa school yon, e. Ikaw ba naman ang sobrang tapang na pati yata mga lalaki sa school ay takot sa kanya. Amazona ang babaeng yon, e. Kaya siguro wala pa ring nagiging boyfriend hanggang ngayon.
"Ay gagamba!" Napaatras ako sa kinatatayuan ko nung biglang may lumabas na gagamba sa isang kahon na may mga libro. Hindi naman ako takot sa gagamba pero ang laki kasi ng isang 'to! Kasing laki yata siya ng kamay ko. Teka, bakit ang laki nito?
Nakahinto lang siya sa tabi ng kahon at parang naistatwa na siya don. Buhay pa kaya 'to? Ayoko namang hawakan dahil baka kagatin ako. Pero nangangagat ba ang gagamba?
Nevermind. Ayoko pa rin. Ang laki kaya niya.
Umalis ako para kumuha ng walis at dustpan kaso pagbalik ko, wala na yung gagamba. Aalis rin pala hindi pa kanina. Edi sana hindi ako napagod sa pagkuha ng walis at dustpan!
Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa kama. Ayoko nang maghanap! Nakakapagod. Ang liit lang naman ng apartment namin pero hindi ko pa rin makita yung libro! Baka mamaya dala naman pala ng bruha na yon tapos hindi niya lang alam. Pinagod pa ako.
Biglang tumunog yung tiyan ko kaya automatic na napatingin ako sa orasan na nakasabit sa wall malapit sa pinto. Malapit na palang mag ala una. May pasok pa ako ng 2:30 kaya kailangan ko nang maggayak.
Tumunog yung phone ko at nang tingnan ko kung sino yung nagtext ay si Cheyenne lang pala.
From: Cheche
Nahanap mo ba, bes? Ang weird lang kasi talaga nung book.
'Yan lang yung text niya. Hindi ko nalang nireplyan dahil magkikita rin naman kami mamaya. Sasabihin ko nalang na hindi ko talaga mahanap which is true naman. Ang kalat na nga lalo sa apartment namin, e. Nagulo yung ayos dahil sa paghahanap ko nung pesteng libro na yon. Sabi niya nasa ibabaw lang ng bed niya e wala naman! Ano yon, naglakad?
Walking distance lang ang school at apartment namin pero nag tricycle na rin ako dahil malapit nang mag time. Pagdating ko sa classroom ay marami na rin ang estudyante. Pero wala si Cheyenne. Nasaan na naman kaya 'yon?
Naupo nalang ako sa pwesto ko at hinintay siya. Wala din naman kasi akong masyadong ka-close dito. Kung famous si Cheyenne, ako naman isang nobody. As in, wala akong kaibigan maliban kay Cheyenne. Di ko nga alam kung kilala ako ng mga kaklase ko, e.
Ilang minuto lang ay nagsipasukan na yung iba naming kaklase kasunod si ma'am Beverly na nakasimangot. Pero wala pa rin si Cheyenne. Magka-cutting ba siya? Pero hindi naman niya ugaling lumiban sa klase maliban nalang kung importante talaga. Ano kayang nangyari?
Nagdidiscuss si ma'am pero yung utak ko lumilipad. Wala akong naiintindihan sa lesson dahil nag aalala ako kay Cheyenne. Pano kung may masamang nangyari sakanya? Pero wag naman sana.
Hindi na ako nakatiis kaya nagpaalam na ako sa teacher namin na mag c-cr. Bahala na. Mamaya ko nalang babalikan ang bag ko. Ang importante makita ko si Cheyenne.
Habang naglalakad ay tinry ko siyang tawagan pero walang sumasagot sa phone niya. Mas lalo akong kinabahan kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Baka naman nakipag date lang siya tapos oa lang ako?
"Di nga kaya?" Bulong ko sa sarili ko at medyo bumabagal na rin ang lakad ko. Ang oa ko nga yata.
Bumalik nalang ako sa room. Pagliko ko sa hallway ay nakita ko si Cheyenne na naglalakad. Nakatalikod siya sakin at papunta siyang classroom.
"Cheche!" Tawag ko sakanya pero hindi niya ako nilingon. Hindi ba niya ako narinig? Ang lakas na nga ng boses ko, e.
Nakapasok na siya sa room kaya sumunod nalang rin ako. Pero laking gulat ko nung wala akong nadatnan na kaklase ko sa room. Si ma'am Beverly lang ang nag iisang tao na nandoon at mukhang paalis na rin siya dahil nagliligpit na siya ng gamit.
"Oh, miss Santiago. What took you so long? The class is over." Nagtatakang tanong nito sakin. Hindi na rin siya nakasimangot tulad kanina.
"Sorry po, ma'am. Sumakit po kasi ang tiyan ko." Sabi ko nalang. Jusko. Lagot talaga sakin si Cheyenne. Nakapagsinungaling pa ako ng di oras.
Pero speaking of Cheyenne, nasaan na siya? Nakita ko siyang pumasok dito pero wala naman siya.
"Ma'am? Have you seen Cheyenne? I saw her entered to this room." Tanong ko sa teacher namin na mukhang palabas na ng kwarto.
"Not everything you see is real, miss Santiago." Sagot niya sakin at iniwan niya na akong nagtataka sa sagot niya.
Anong ibig niyang sabihin? Mali yung nakita ko? Pero alam kong si Cheyenne yun! Ako pa ba? E kahit dulo lang ng buhok ni Cheyenne makikilala ko pa rin siya. Ang tagal na naming magkakilala.
Ah ewan! Tatawagan ko nalang siya ulit mamaya. Baka nakipag date nga lang yung babae na 'yon. Kinuha ko nalang yung bag ko at lumabas na ng room. Dapat pala hindi nalang ako pumasok. Wala din naman akong napala.
Palabas na ako ng gate nung makita ko na naman si Cheyenne na naglalakad palabas ng school. Hindi ko na siya tinawag at tumakbo nalang ako para lapitan siya kaso ang bilis niyang nakaliko paglabas niya ng gate.
Nang makalabas naman ako ng gate ay hindi ko na naman siya makita. Halos wala na ngang katao tao sa labas ng gate dahil alas sais na rin ng hapon. Kanina pa uwian. Tumambay pa kasi ako sa School Garden.
Nagkibit balikat nalang ako at naglakad na. Baka sumakay na yon ng tricycle pauwi. Hindi manlang ako hinintay. Bruha talaga.
Patawid na ako nung biglang nag ring yung phone ko. Si cheyenne tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello? Che?"
"Fen, nasaan ka? Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Nag aalala ang boses niya.
Weird. Bakit siya nag aalala? Tsaka parang naririnig ko yung boses niya pero hindi sa phone.
"Ayos lang ako. Bakit? Nakauwi ka na ba?"
"Sigurado kang ayos ka lang? Hindi pa. Maaga pa kaya. Nasa school pa ako, no!" Sabi niya na agad kong ipinagtaka. Nasa school? Maaga pa? What the heck?
Lumingon lingon din ako sa paligid dahil parang naririnig ko talaga yung boses niya. Para malapit lang siya sakin pero wala naman siya. Wala na ring katao tao maliban sa mga sasakyang dumadaan.
"Anong maaga? Nahihibang ka ba. Alas sais na kaya ng hapon! Tsaka bakit ba tanong ka ng tanong kung ayos lang ako?" Naiinis na sabi ko. Malaman ko lang talagang pinagtitripan niya ako, naku!
Patawid na ako nung sumagot siya. "May nagsabi kasi sakin na nasagasaan ka raw." Sagot niya at para totoo yung sinasabi nilang nagdidilang anghel dahil paglingon ko sa kanan ko ay may sasakyang mabilis na papunta sa gawi ko.
Halos isang ruler nalang yata yung layo nung kotse kaya napapikit nalang ako, pero bago yun.
I saw myself being swallowed by a light coming from my shoulder bag.
---

BINABASA MO ANG
Into The Book
Fantasy[SLOW UPDATE] I'm still studying. I hope you understand. READ AT YOUR OWN RISK.