Pababa na ako ng hagdan ng mahagip ng pangingin ko ang lalaking nasa dining area kasama sina Mama at Papa.
Really? Umagang-umaga nambibwisit talaga eh.
Nang makarating ako ay agad nilang ibinaling ang atensyon nilang tatlo sa akin. Inaya na ako ni Papa na umupo na agad ko namang ginawa.
I started eating when Mama spoke up. "Anak.... Kristoff wants you to accompany him later-- where is it again Kristoff?"
The manipulative asshole is at it again. At eto namang si mama ay nagpapamanipula.
Ngumisi lang at gago sabay lipat ng tingin patungo sa akin, he's teasing me. And i'm going to make him pay for this. Not now, but soon.
"Ah. Sa may mall lang po, tita. I need to buy something and would need Lena's help."
Bago pa ako makapagsalita ay inanunsyo na ni Papa na mauna na siya, at sumunod naman si Mama. I felt them placing kisses on my cheeks at hinintay na makaalis sila bago pinatamaan ng matatalim na tingin si Kristoff.
"Asshole. As if sasama ako sayo mamaya.."
"Di kita pinipilit, princess. I just can tell tita--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinenyasan ko na siyang huminto. I get it, I don't always get a choice. I hate this.
Di ko nalang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa school.
Binabati siya ng mga kakilala habang ako naman ay parang wala lang. It's like an unspoken rule. The moment ay stepped in this institution ay alam na nang lahat kung saan sila lulugar pag nandon ako. I've always hated attention, and i'm glad that they know how to respect it.
Uwian na nung naisipan kung umakyat sa roofdeck ng school. Why? Because I want to and it's peaceful. And I think it's the right decision na agad ko namang pinagsisihan ng makita ko ang kapatid ni Kristoff na may kahalikan. Aidhen Kharlos dela Vega. God. I've always liked his brother between the both of them kaya lang ay playboy ito. Sana naman ay di ito magka-STD sa pinaggagawa niyang kalokohan.
Tumikhim nang malakas para mapansin nilang may tao. Nagtigil ang dalawa at ngumisi si Aidhen ng makita ako, sinenyasan niya ang babae na halata mong inis na inis pero sinunod naman niya ito.
"Fancy seeing you here, Miss Llamanzano... My brother not treating you well so you've come looking for me?"
I raised an eyebrow and scoffed. Anong tingin niya sakin? "Sorry to burst your bubble, Aidhen but I came here to have a peace of mind, pero pinagsisihan ko na iyon..."
"Oh, come on, Lena.. or should I call you sister in law? Am I that bad?" Tumawa siya.
"Stop calling me that..." Inis kung sambit bago ko siya tinalikuran at nagsimula nang bumaba. I know, i'm over-reacting. Alam ko, di ko lang mapigilan.
Nasa last step na ako ng nagtama ang aking noo sa isang malapad na dibdib. This intoxicating smell. Di ko na nilingon dahil alam ko kung sino yun.
"Aidhen.... What were you doing?" Nakita ko ang pag igtin ng kanyang mga bagang at ang paglalim ng kanyang hininga.
"Wala, kuya.... Just saw her upstairs and thought that she might want some company..." Nilagpasan niya kaming dalawa. I always knew that Aidhen hated the fact that we're both engaged. Di niya iyon tinago simula nung mag eighteen ako at inanunsyo iyon.
I like to think that he's just protective of Kristoff.
BINABASA MO ANG
Everything
Teen FictionHelena is in a world where choosing for her is scarce, she can have what she wants to have except for her own life.