Yanni calling...
(Answered)
"Hello? Yanni? Bakit?"
"Omg be wala na kayo ni gray?!"
Mejo kinakabahan ako sa mga sandaling ito."Uh bakit be?"
"Si gray nakita ko siya! May backride na babae kulot be! Wala na kayo!? Nagulat nga ako eh!"Literal na gumuho ang mundo ko. Tumigil ang ihip ng hangin wala akong ibang narinig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kundi,
"Hahahaha oo yanni wala na kame pabayaan mo na yun"
Napaisip ako kung ano ba ang ginawa kong mali at tila parang ang mundo na ito napakaunfair saakin. Walang luhang tumulo pero ang loob ko daig pa ng manila sa kagulo nito, lalong lalo na ang isip ko. Binaba ko na ang phone at napaupo nalang. Tulala lang ako habang umiinom ng tubig .hindi ko alam kung paano ko ito sisimulang tanggapin dahil hindi magawang buksan ng tengat isipan ko ang aking mga narinig mula sa kaibigan ko.
"Huy? Paoline?"
May kumatok sabay bukas ng pinto, si kuya ryle lang pala.
"O kuya bakit?"
"Wala ayos ka lang ba?"
"Oo kuya"Hindi ako okay. Gusto ko ipagsigawan sa buong mundo na gusto ko ng mamatay gusto ko ng mawala sa mundong ito. AYAW KO NA! Ngumit akoy ngumiti kay kuya ryle.
"Nako pao ha! Alam ko yan ano ba problema mo?"
Napatigil ako ng mga ilang sandali.
"Kuya kasi may iba na siya"
"Huh? Sinong may iba??"
"Hindi ko maintindihan eh pwede mo ikwento pano nagsimula? At sinong iba?"
"Si gray may iba na! "