[1st]: The Accident

172 7 4
                                    

Hi! Salamat at napadpad ka dito sa istorya ko. I appreciate it kahit tinititigan mo lang but I'll appreciate more if you read it and leave a feedback after every chapter. The vote button is always free on the right side in case you like the story. Feel free to comment. I'll appreciate it a lot. :)

WARNING: Tententententen. Ang istoryang ito ay maaaring maglaman ng maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror pero 'di naman nakadroga. Slight lang. Bawal sa bata, tulog na. LOL. (I heard this from a gag show. Credits. XD) Wag po KJ. Meron po kasing mga scenes na medyo OA. (Naalala ko si KJ at OA sa TBND ni Ate Mia-ScribblerMia. Idol. :)) Seryosohin niyo po itong warning kahit medyo nakahithit ng katol ang author. 

This is a work of fiction. All names, character, businesses, places, events and incidents used are purely fiction and part of author's imagination. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the publisher.

Hindi po ako pro so don't expect much from me but I'll try my best para maging maayos ang kalabasan ng istoryang ito. Sana mapasaya kayo ng mga imahinasyon ko na hindi ako pinapatulog dahilan para maisulat ko ito. Kung may wrong grammar, wag po magpanic. Kalma lang at sabihin sa akin ang mali para maayos ko. 

Thank you. :)

 ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

First Chapter

The Accident

*SCREEEEEEECCHHHHHHHHH!!!*

SHT. Nakapatay ba ako? Napatay ko ba siya?

Dali-dali akong lumabas ng kotse at tiningnan ang lalaki na kanina ay tumatakbo at ngayon ay nakalupasay na sa semento sa harap ng kotse ko. May dugo ang labi at ulo nito. Itinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya pero wala akong narinig na tibok. Hala! Nakapatay nga yata ako! WAAAAAAHHHHHH! Ayokong makulong!

Ano nang gagawin ko? Sabay nang tumutulo ang luha at uhog ko. Buti na lang madilim ang daan kung saan ko siya nabangga. Dahil na rin siguro sa sobrang kaba ay nabuhat ko ang lalaki at naipasok sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin, sa morgue ba o sa sementeryo na? Sa sobrang kaba ko ay naituwid ko na ang pagd-drive ko ng kotse kahit hindi pa ako nakakakuha ng lisensya at pangatlong take ko na ng driving lesson. Nadaanan ko ang isang hospital. OO! TAMA! Sa hospital ko siya dapat dalhin! O sa sementeryo na talaga?

Agad naman isinugod sa emergency room ang pasyente pero pinigilan nila akong pumasok. Pina-fill up ako ng kung anong slip at matamang naghintay sa labas ng kwarto. Kinagat ko ang kuko ko na habit ko kapag kinakabahan ako.

Buhay pa kaya siya? Sana buhay pa siya kung hindi sa kulungan ang tuloy ko nito! WAAAAAHHHHH! Ayoko dun, puro kriminal ang nandun at hindi ako isang kriminal! Hindi ko naman sinasadya eh!

Kanina pa ako umiiyak sa sobrang takot. Lumabas ang doktor mula sa emergency room at napatayo naman ako bigla.

“D-Dok? A-Ano pong nangyari? Buhay pa ba siya?”

Perfect CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon