[6th]: Shopping

81 4 3
                                    

Sixth Chapter

Shopping

Kanina pa ako kinakabahan at hindi ko inaalis ang tingin ko sa pintuan. Hinihintay ko ang pagdating niya. Hindi kasi ito pumasok sa first subject namin kung saan ay classmate ko din siya. Hindi nga ako masyadong nakatulog kagabi dahil madami akong iniisip. Paano kung nabasa niya ‘yung likod ng notebook ko? WAAAAHHHH! Sobrang nakakahiya talaga! Tapos dagdag mo pa ‘yung walanghiyang si Isle na iniisip ko kung paano siya papalayasin. Hays. Mukhang mahihirapan ako sa isang ‘yun.

Napatayo ako sa upuan ko sa pag-aakalang si Brix ang pumasok pero ang bumungad sa akin ay ang pamumukha nina Miley at Katy na parehong naka-crossed arms at nakataas ang kilay.

“Bakit hindi ka pumasok kahapon sa last class?” Nilapit ni Miley ang mukha niya sa akin kaya halos maduling na ako sa pagtingin sa kanya.

Hindi ko na kasi napasukan ‘yung English subject namin dahil nga sa nangyari kahapon. Tapos ‘di ko pa nakuha ‘yung notebook ko nang dahil lang sa Isle na iyon.

“Kasi--“

“Sinong ka-date mo?” Ganun din si Katy sa kabilang side.

“Wala--“

“Saan kayo nag-date?”

“Huh--“

“Anong kinain niyo?”

“Teka--“

“Bakit ‘di mo sa amin sinabi?”

“Anong--“

“We deserve an explanation. We deserve an acceptable reason.” Lalo pa akong naduling nang itapat ni Miley ang hintuturo niya sa ilong ko habang sinasabi ito.

“Papa P, ikaw ba ‘yan?” Ani Katy.

“TEKA NGA!  Pwede bang tumahimik muna kayong dalawa at patapusin niyo akong magsalita? Paano ako makakapag-explain kung sabat kayo ng sabat sa tuwing magsasalita ako?” Nagulat naman sila. Duh! Napapagod na kaya akong magpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa. Ang sakit sa leeg.

“Kay.” Sabay nilang sinabi at umupo sa tabi ko.

“Hindi ako nakipag-date, okay? Wagas makatanong? Hindi ako pumasok kahapon kasi…” Hindi ko pala pwedeng sabihin sa kanila. I know that they are my bestfriends pero ayoko kasing may ibang makaalam tungkol sa sitwasyon sa bahay. Siguro ay sasabihin ko din sa kanila pero hindi ngayon. “Kasi ano… naiwan ko kasi kahapon ‘yung notebook ko sa desk ni Brix. Doon pa naman nakasulat ‘yung FLAMES HOPE namin. Tapos sakto namang may tumawag sa akin dahil may emergency daw sa bahay kaya umuwi ako. Pasensiya kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo.”

“Nakuha mo ba ‘yung notebook mo kay Fafa Brix?” Ugh. Miley again with the ‘Fafa’ thing.

“’Yun na nga e. Hindi ko nakuha sa kanya. Paano kung mabasa niya ‘yun?” Halos naiiyak kong tanong sa kanilang dalawa.

“Grabe, nakakahiya kapag nabasa niya ‘yun. Tsk tsk.” Komento ni Miley.

“Oo nga, kung ako, hindi na siguro ako makakapasok sa subjects na magkaklase kami pagkatapos.” Sabi naman ni Katy.

“Naiimagine ko na ngayon ang iritadong mukha ni Fafa Brix.”

“Oh my. Ako din!”

WAAAAAAHHHHHHHH! Pati ako naiimagine ko na din! I popped their balloons above their heads. They were supposed to give some encouraging words para mabawasan ang kaba ko. Pero parang lalo lang nilang dinagdagan. Bestfriends. =_____=

“THANK YOU HA. THANK YOU FOR THE MOST ENCOURAGING WORDS EVER.” Sarkastiko kong sinabi. Caps lock pa para ramdam nila.

“You’re welcome.” Sabay pa nilang sinabi. t(-___- )t

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon