[5th]: Isle

60 4 2
                                    

Fifth Chapter

Isle

“Sinabi ko na sa inyong hindi ako magnanakaw!”

Sinundan ko agad ang sigaw sa kusina at naabutan ko si Leni na may hawak na walis tambo at akmang ihahampas sa nakataling lalaki na nakaupo sa sahig. Pinalilibutan siya ng tatlo naming kasambahay na may kanya-kanyang hawak na panghampas.

“Leni, wag!”

Napatingin silang lahat sa akin at agad naman nitong ibinaba ang walis.

Tiningnan ko ang lalaki. Gulu-gulo ang buhok nito na parang sinabunutan ng sampung aswang tapos punit-punit pa ang puting damit nito na ngayon ay halos magkulay brown na dahil sa dumi. Marahil ay kanina pa siya hinahampas ng kung anong maduming bagay. Nakatali din ang kamay nito sa likod na napansin kong isa palang straw nang lumapit ako. Hindi ko alam kung matatawa ba o maaawa ako dito.

“Akala ko ba binugbog niyo siya?” Natatawang tanong ko.

“Oo nga po, Ma’am. Kulang pa po ba?” Sagot ni Rosa. ‘Yung isa naming kasambahay.

“What the hell?!” Singhal ng lalaki sa akin.

“No. Mas mukha kasi siyang ginahasa.” Humalakhak ako. Hindi ko na talaga mapigilan ang pagtawa.

“Naku, Ma’am. Muntik na nga e. Gwapo sana kaso magnanakaw pala.” Sabi ni Leni na lalong nakapagpatawa sa akin.

“Hindi siya magnanakaw. Kilala ko siya. Hahaha. Pfft.”

“Ay, sorry po.” Yumuko ang tatlo pati si Manang na may hawak namang sandok. Siguro ay nagluluto ito kanina nang naganap ang nangyari.

“Stop laughing your ass and free me!” Sigaw sa akin ng lalaki.

“HAHAHAHAHAHA. Grabe…Pfft. Wait lang. HAHAHAHAHAHA. S-Sorry… hindi ko lang talaga mapigilan.” Pinunasan ko ang gilid ng mga mata ko dahil umiiyak na ako sa kakatawa.

Kinalagan ko siya mula sa pagkakatali nito. Galit siyang tumayo at agad namang nagtago ang tatlong kasambahay sa likod ko. Ang tangkad kasi kaya nakakatakot. Parang siyang grizzly bear na mangangain. Yikes.

“Siguro inutusan mo silang bugbugin ako, ano?!” Galit na sigaw nito sa mukha ko kaya naman napapikit ako.

“Wag kang sumigaw, ‘di ako bingi! Hindi ko sila inutusan. Dapat nga magpasalamat ka pa kasi pinigilan ko sila. Psh. Teka, ano ba kasing nangyari?”

“Kasi hija, nahuli ko siya na kumukuha ng pagkain sa ref kaya akala ko ay magnanakaw. Nagsisigaw ako at pinagtulungan namin siya.” Sagot ni Manang sa likod ko.

“Kasalanan mo naman pala! E bakit hindi mo sila pinigilan?” Tanong ko sa lalaki.

“You really think I can hurt an old woman? Argh!” Napasabunot siya sa buhok. Hindi ko naman sinabing saktan niya, sabi ko ‘pigilan’ pero infainess, may tinatago pala ‘tong gentleness. “I’m just hungry that time. Kasalanan mo ito kasi hindi mo ako binigyan ng pagkain!”

“Duh! Nasa school ako for Pete’s sake! Alangan namang umuwi ako dito para lang dalhan ka ng pagkain sa kwarto mo. Edi sana bumili ka na lang ng pagkain sa labas!”

“Ma’am, dito siya nakatira?” Sabat ni Rosa.

OMG. I almost forgot. Dapat pala hindi nila ito nakikita ngayon!

“Sinong dito nakatira?”

Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Peter na ngayon ay nakatingin sa lalaki.

Perfect CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon