>.< {2} >.<

437 7 0
                                    

"DEEDEE NABABALIW KA NA BA ???????????????????"

Malakas na sigaw saken ng best friend kong si Clara Pascual.  Syete oh, parang mic ang lalamunan.

"Nababaliw ka dyan, seryoso ako no!"

"Seryoso din ako, deedee.  Balak mo takasan yang kasal mo?"

"Oo, Cla.  Samahan mo ko ah."

"Ewan ko sayoo."

Yaah.  I've decided.  Di ako papayag sa gusto nila.  Di ako magpapakasal to some guy na di ko pa nakikita ever para lang sa pera.  Never.  Di ako mababaw.

"Pano mo ba gusto takasan yan? Napaka-imposible mo naman kasee eh." --> Cla.

"Private Jet.  Sa Kips.  Diba? Haha."

May private jet kase ako, regalo nila mama nung 1st year pa lang ako.  Minsan ko lang yun magamit eh, tuwing mag-o-out-of-town lang ako.  Sometimes I hate it when they go overboard with being rich.  Pero since rags-to-riches ang drama ng mga magulang ko, they tend to enjoy life with money na.

"Sa Kips?"

"Oo.  Dbuh dbuh?"  =)))

May private island din ako.  Pero eto, kame  lang ni Clara nakakaalam.  Haha, so much for going overboard :D  Katulong yung suitor ko date na 'of-age' na (meaning 18 na sya non) na si Kuya Austin, nabili namin yung maliit na island sa bandang taas ng Palawan.  Ginamit ko yung savings ko para dun ^^  Aish, pero since mayaman nga kame, at malaki .. MALAKING MALAKI .. ang allowance ko, yakang-yaka ko bumili ng mga bahay, kotse, condo's.. anytime.

Kips nga pala pangalan ng island =)

"Hhmm.. sabagay, di alam ng parents mo yung tungkol sa private island mo.."

Maliit lang yung Kips, mga siguro limang villa lang ang magkakasya.  Pero savings ko yun kaya super proud ako dun.

Pero may malapit na island din don, yung Batong Araw (yaah, weird name for an island, right? haha).  After non, palawan na.  Edi bale yung Kips, tas yuung Batong Araw, tas yung palawan.

Sa Kips, isang malaking villa lang meron, yung rest house ko.  Regalo yun ni Kuya Austin after nya ko tulungan mabili yung Kips.  Ooyt di ako maggagamit ah, di lang talaga kame talo ni Kuya ^^  

Pero, di pa ko nakakapunta sa Batong Araw..  Alam ko lang maliit na town yun eh.

"Uy Deedee!"

"O? Sori, sori.."

Kinakausap pala ko ni Clara.

"Pano pera mo?  Pagkain?  Damit?  Pag-aaral?  Di ka pwedeng magtago na lang habambuhay no.  Mag-aala-ermitanyo ka na nun."

"Syempre planado ko na no.  Covered na lahat ng worries mo, kulang na lang ang permission mong samahan ako.  Tsaka, saglit lang naman tayo magtatago, hanggang marealize lang nila na di dapat nila nilalako yung anak nila kung kani-kanino~"

Pagkaen?  Damit?  Sagana yan.  Of course yan ang inuna kong intindihin.  

Wala ng pamilya si Clara kaya wala ng magiging problema sa kanya.  Ang guardian lang nya ay yung tito nyang artista, na halos wala din namang pake sa mga ginagawa nya.  Kaya siguro kame naging magbestfriend- mga sawi sa pamilya =))

"Sigurado ako okey lang kay tito piolo, pero nag-aalangan ak--"

"Wag ka ng mag-alangan, please! Ako bahala sayo!  Kelan pa ba kita nilaglag?"

Ha.  Cool no, tito ng best friend kong si Clara Pascual si Piolo~

=)

Marriage Contract (ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon