Chapter 1: Meeting Luke

12 0 0
                                    

Dahil sa malamig na klima, nagising ako ng maaga. Okay na din kasi atleast maaga akong makakapasok sa school lalo’t 7:30 am ang start ng first subject ko. English subject yun at honestly, one of my favorite subject yun. Hindi naman ako kagalingan sa English it is just happened na nae-enjoy ko ito. Plus, kaklase ko dito ang marahil pinakamabait at pinakamagandang babae sa mundo; based sa point of view ko.

Siya si Hazel Lou De Vera. Isang transferee from Laguna province. Matalino siya, mabait, maganda, cute, maaasahan at sexy. I don’t know other aspects of her. Dalawang subjects ko lang naman siya nakakasama. Tuwing English at Biological Science lang.

Swerte ko nalang kung makatabi ko siya sa upuan kasi halos late na lagi ako makapasok sa klase. Kaya good vibes ako ngayon dahil may big chance na magkatabi kami ni Halo sa upuan. “Halo” short term ko para sa Hazel Lou; okay naman di ba? Angel lang ang dating.

By the way, I’m Luke Villegas. 18 years old and absolutely adorable. Sa mga mata nga lang ng mga kapamilya ko. I’m studying accountancy sa isang public university. Bakit nga ba accountancy ang napili ko? Dahil kasi malaki ang sweldo ng mga accountant lalo na kapag CPA ka na. Galing ako sa average family. 2 ang kuya ko at isang kapatid na babae na ewan ko ba, magiging tomboy pa yata. Well, okay lang din sa akin yun. Wala namang masama sa pagiging Tomboy. Hindi naman sila nakakadagdag sa polusyon sa Maynila. Hindi naman sila ang sanhi ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa. So, walang problema sa kanila, yung mga taong nanghuhusga ang may problema.

Isang elementary math teacher ang Mama ko while my father is a certified musician. Kay Papa ko nga namana yung pagkahilig maggitara at syempre kumanta. Sa kasamaang palad nga lang, hindi na nakakakanta sa mga gig si Papa. Nastroke kasi siya dati at ngayon paralyze na yung lower part ng katawan niya. Nakakaawa si Papa nung mga unang buwan ng pagkalumpo niya. He even reject to play guitar.  Maybe, he is still painful about what happen. That’s the reason why now, bawal makakita or makarinig si Papa ng naggigitara or kumakanta. I know it is kind a pathetic pero hindi ko din masisisi si Papa dahil bumagsak yung self-esteem nya nung nalumpo siya. We’re just hoping that every single day, he will be fine. At hindi na bitter sa music.

Makulit ako sabi ng mga kabarkada ko. Hindi naman ako yung joker pero napapatawa ko din sila. Seryoso ako lalo na sa mga bagay na mahalaga talaga like family, study and music.

I don’t plan at all. Minsan kasi mas nagiging masaya at unforgettable yung mga palpak na event sa buhay natin. Kaya nga siguro lagi akong nano-nominate bilang class president nung high school ako kasi nakikitaan nila ako ng leadership skills….  Na hindi ko naman nakikita sa sarili ko hahaha

Bago ako bumaba sa kusina, naligo na muna ako. Dahil medyo malamig ang panahon, naisipan kong suotin ay yung denim pants ko at plain brown shirt plus yung black denim polo shirt ko. Wala kasing uniform sa university na pinag-aaralan ko. Free talaga ang mga estudyante kung anong gusto nilang suotin sa campus. Pero hindi naman lahat ng damit ko ay branded, yung iba ay galing lang din sa divisoria. Maganda na, mura pa. Minsan nga dito kami ng mga kabarkada ko bumibili ng damit para makatipid lalo na kapag final examination na.

One thing na natutunan ko sa buhay ko “Maging madiskarte sa buhay lalo’t hindi ka naman ipinanganak na may gintong hamon na nakahain” Siguro alam nyo na yung tinutukoy ko.

“Ma, Pa alis na po ako”

“Napaaga yata gising mo Luke” tanong ni Papa sa akin

“Pinasukan po kasi ng lamig ang mga buto ko kaya nagising ng maaga” natatawa kong sagot kay Papa

“Sus! Aging-aga ang korny mo Luke!” tss, pag-eepal ng kuya ko

Siya si Caleb Joe Villegas. Syempre magkatulad kami ng last name. 20 years old na siya at sobrang kulit nyan. Kasundo ko naman siya pero likas na yata sa mga magkakapatid ang pag-aasaran at pag-aaway. Fourth year college na siya and he is taking up Aeronautical Engineering. Ang astig ng course niya. Pasalamat siya dahil nakuha siyang scholar sa school na pinapasukan niya. I won’t deny na matalino at masipag din naman si Caleb. Actually, I don’t call him Kuya. Medyo baduy kasi para sa akin lalo’t konti lang naman yung age gap namin.

Wherever You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon