One week after that disgusting tragedy clashed into my life. After knowing, that Halo was dating Michael for a month now. All of a sudden, my life crash into the heart of ocean with scary sharks. Still hoping that a mermaid will save me and relief my stone heart.
Akala ko kasi wala pa siyang balak magpaligaw???
Paano ko nga ba nalaman yun eh minsan ko lang siya makausap..... I don't think I need to trash everything for her... I think it is a better idea kung kalimutan ko nalang siya. I just need to back off and shut this shitty heart of mine.
Ang tanga-tanga ko kasi! Napaka-immature ko para isipin na ayaw niya pang magpaligaw. College na kami! Takte! she's not my first love but honestly, kay Halo ko lang ito naramdaman.
Kahit na ang lakas ng loob kong iwasan siya........
Kahit na ang tapang kong dedmahin siya.....
Siya pa din ang tinitibok ng puso ko......
Mali! Mali ang lahat! Ganito pala ang feeling ng one-sided love. Ang hirap at sobrang sakit. Knowing na masasaktan ka talaga pero ipinagpatuloy mo pa din siyang mahalin kahit sa anino lang niya.
Siguro totoo nga na kapag mahal mo ang isang tao, lahat gagawin mo. Kahit ika-tanga mo pa ito...
"Bro, pumunta tayo dito sa Mall para magsaya hindi para magsenti ka dyan" biro sa akin ni Neil
"Ganyan kasi Neil kapag brokenhearted ang isang tao" dagdag pa ni Clifford
"HAHAAHAHAAHAH" sabay na pagtawa ng mga lintik kong mga kaibigan
"Bakit ka kasi nainlove ng sobra sa taong hindi mo man lang alam ang phone number. Bro, you need to move on no matter what you think, it is better to move on" seryosong sabi ni Clifford
"Alam ko! Huwag nyo ng ipagduldulan sa akin na tanga ako. I am stupid man!" pagda-drama ko
"Dude, let just eat okay. Order na ako ha" -Neil
"Dude, wag mong kalimutang i-order yung foods for brokenhearted" biro ni Clifford
"HAHA sige Clifford" sagot ni Neil
I am grateful na kahit sawi ako sa pag-ibig may mga kaibigan pa din akong masasandalan at mapagkukunan ng kahit konting ngiti.
"TA-DA! Para sayo ito Luke" sabay tawa ng dalawang tukmol
Paano ba naman parang last supper ko na ito ah. They bought me a roasted duck, spareribs, 8 pieces of siomai, mint chocolate flavored ice cream plus another cookies and cream ice cream with red tea. Idagdag mo pa yung rice na inorder nila.
"What the hell is this? Puro kayo kalokohan! Hindi ko kayang ubusin to! I-compare nyo yung roasted duck nyo at isang red tea with ice cream sa bunch of foods na inorder nyo para sa akin" naiinis kong sabi
"Sus! Kaya mo yan! Idaan mo nalang sa pagkaen ang saaaaaakiitttt na nararamdaman mo"
Tsaka tumawa si Clifford at Neil. Wala na akong magawa kundi magsimulang kainin yung treat nila sa akin. I know eating can reduce what I'm suffering for right now but it will never change the fact that I'm broken; really broken.
After ng maala last supper ko kanina. Nagpunta kami ng arcade zone para naman atleast magka-joy daw ang aura ko. Well, they are right for that. Playing makes me a little happy and quite fine. We spent 5 consecutive hours on Arcade Zone. We shoot, we fight, we collected prizes.
~~~~~~~~~~
Nandito ako sa taas ng bubong namin. Nagging Masaya ako kanina sa Mall kasama si Clifford at Neil kaso pagbalik sa bahay. Ito bumalik din yung sakit na nararamdaman ko. lalo na nung makita ko yung ballpen na hiniram ko last last month kay Halo. Hiniram ko para akin nalang. Wala akong plano ibalik kaso ngayon, parang nagdadalawang isip ako kung ibabalik ko pa ba or hindi na.
"Ganda ng mga bituin no" nagulat ako ng may nagsalita
Pag-angat ko ng aking mukha (nakahiga kasi ako), si Caleb pala. May problema din kaya si Caleb kaya siya nandito??
"Ang ganda nga nila pagmasdan. Kumikinang nap arang may sariling buhay talaga. Kaso hanggang tingin lang tayo sa mga stars. We cannot hold it nor feel it"
"May problema ka ba Luke? You can talk it to me. kahit na lagi tayong nag-aaway, I'm still your brother"
Nagulat ako sa narinig galing kay Caleb. Ang drama kasi plus ang korny talaga. Minsan lang maging ganito si Caleb kaya ite-treasure ko talaga. Hindi ko kailangan itago ang problema ko sa kanya. After all, he is my brother.
"Ganito kasi Caleb, I fall in love with special someone. Actually, I fall in love pretty hard for her. But sadly, I knew that she's dating someone else. Someone that she can hold on to. Ang tanga ko kasi dahil hindi ko agad ipinagtapat yung nararamdaman ko para sa kanya. Naunahan tuloy ako sa kanya. She looks so perfect even I know that no one is perfect at all. I'm such a jerk! No! I'm more than a jerk! Caleb, mahirap pala ma-in love ng sobra sobra. You can't resist her even she already broke you"
Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko. Kaya, kunwaring tumayo ako sabay punas ng aking mga mata. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko kanina. Sa oras na yun, humiga na din sa tabi ko si Caleb at sabay naming tinitigan ang mga bituin sa kalangitan.
"Ganyan talaga kapag nagmamahal Luke. Pwede kang masaktan, pwede kang maging Masaya. Hindi naman totoo yung mga fairy tales na kapag nagmamahal yung isang tao ng todo-todo ay magkakaroon siya ng happy ending. Syempre, dapat mutual yung feelings ng isang couple. Luke, sometimes you need to learn how to moved on. Pero hindi ka makakamove on kung wala kang courage para i-let go siya. Life is too short. Make sense on it, Luke. Bata ka pa, what if trials lang yan para in the future, mas strong ka na and capable ka ng magcontrol ng mga ganitong situation. You will not know the true meaning of love if you will just use your feelings as your reason. Kung may mahal siyang iba, so be it! Hindi mo kailangang itali ang sarili mo sa taong wala namang commitment para sayo"
"Caleb, masakit din kasing isipin na for all this times, sarili ko lang ang dapat sisihin. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang nagbigay ng hope sa sarili ko kahit hindi ko alam ang tunay na mangyayari. Life is all about choices. I chose her because I saw something to her that is nobody can have. I'm not obsess to her, I'm frustrated to myself. Hindi man lang ako nakakuha ng time para sabihin sa kanyang mahal ko siya. Hindi ko man lang siya naipaglaban.... Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal"
I almost start to cry but I refuse to. Why? Mababatukan lang ako ni Caleb kapag umiyak ako. Hindi agad nagresponse si Caleb sa sinabi ko bagkus ginulo niya ang buhok ko.
Maya-maya pa'y muli siyang nagsalita......
"Kahit gaano mo siya kamahal kung nasasaktan ka naman. Please, Luke itigil mo nalang. Mas pahihirapan mo ang sarili mo kung patuloy mong ia-attach ang sarili mo sa kanya. Pero kung determinado ka, wala pa naman siyang boyfriend di ba?"
"Nangliligaw palang Caleb" sagot ko
"Dahil wala pa, try mong ipaglaban ang nararamdaman mo. Patunayan mo sa kanyang mahal mo siya. Ipakita mo, iparamdam mo at ang pinakamahalaga, ipagtapat mong mahal mo siya. Atleast, ano mang mangyari nagawa ang lahat para sa kanya. Nalaman niyang minahal mo siya"
"Sa tingin ko, mahal na mahal mo talaga yang girl na yan. And I know, you already feel the pain of loving wrong person. Put into your mind that "That's the thing about Pain. It demands to be felt". Yan yung sinabi ni Augustus Waters na tama naman di ba? Once na masaktan ka, mararamdam mo talaga iyon ng paulit-ulit. Ang mahalaga lang ay sa bawat araw na nararamdaman mo ang sakit, sana'y natututo ka at naniniwalang magiging masaya ka ulit" dagdag ni Caleb
Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko matapos marinig ang side ni Caleb. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil tuwing nangangailangan ako, lagi siyang nandyan para suportahan o alalayan ako. Ngayon, hindi lang tungkol sa pag-ibig ang natutunan ko. Napatunayan ko din na sa bawat problema, may isang kapatid ka o kapamilyang masasandalan.
Life is all about choices.....
Tomorrow is my choice J
A/N: Hopefully you get along with the story HAHAHA