Ellie's p.o.v.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Teka, teka. Nasan ako? Hindi naman ito yung kwarto ko ahh? Masyadong malaki to.. atsaka bakit kulay black na? Ang gulo. Nasan ba talaga ako? Huhuhu baka pinamigay na ako ni mommy? Ayaw niya na sakin? Hala! Pano yun? Hindi ko kilala yung mga nandito baka may gawin silang masama sakin.. Naku! Help me Lord! Pleasseeeee!...
"Gising ka na pala hija.." Isang malumanay na boses ang galing sa isang... teka? Bakit may crown siya? Omo! Is She a Queen? Princess? Nah! Di naman totoo yun ei.
"Haha.. you're right I'm Queen Eleonore.. At totoo ang mga ito.. nandito ka ngayon sa Secret World.. The world were powers exist.." Sabi niya sakin habang papunta sa isang upuan malapit sa kama ko. I think parang study table ganern..
"A-ano po ginagawa ko d-dito? At p-paano ako napunta dito?" Pagtatanong ko dito kasi gulong gulo na talaga ako. Naku! Baka gawin nila akong servant? Marami pa akong pangarap ayoko pa! Huhuhu..
"Haha.. hindi ka namin gagawing servant anak.." sabi niya while giving me her sweetiest smile..
"Anak?" Gulong gulo na talaga ako eii.. anak? Hello si Mommy Rhea kaya ang mommy ko.. atsaka is she a mind reader? Bakit nababasa niya yung iniisip ko?
"Yes. You are my daughter. You are taken away here for your safety.." pagpapaliwanag niya sa akin..
"I don't understand.." pag aamin ko. Aba syempre! Kung magsisinungaling ako mahihirapan lang ako. Atsaka good girl to!
"Look, yung mommy Rhea mo, inalis ka dito for your safety.. 15 years ago, nagkaroon ng digmaan dito and you were only 2 years old, so, we decided na ilayo ka dito for your safety.." pagpapaliwanag niya sa akin.. tatango tango lang ako.. pilit kong iniintindi kahit mahirap intindihin..
"Kaya pala, hindi ganun kaganda trato sa akin ni mommy Rhea.." out of the blue kong nasabi.. nanlaki naman yung mata niya sa nasabi ko..
"A-ano? May masama ba siyang ginawa sayo?" Nag aalalang tanong niya habang kinikilatis ang mukha ko..
"Wala.. sadyang di lang talaga pantay ang trato niya. Pero ok na din yun atleast marunong Ako sa mga gawaing bahay.." Pagmamalaki ko sa kaniya..
"Ahh ganun ba, ohh sige anak magbihis ka na at igagala kita dito sa kaharian natin.." Masaya siyang lumabas ng kwarto..
Nanatili lang akong nakaupo sa gilid ng kama ko habang iniikot ko ang aking mata para maging pamilyar sa akin ang magiging kwarto ko..
Ilang minuto din ang nakalipas nagpasya na ako maligo, infairness may sariling banyo ang kwarto ko, at pak! May bathtub pa! Bongga!
Nang matapos ako maligo, dun ko lang napagtantong wala pala akong dalang damit so ano isusuot ko? Bobo ko no? Hmmm.. makakalkal nga sa closet baka may damit na kasya sa akin..
"Whooah!" Namangha ako sa dami ng gown na laman ng closet at lahat kasya sa akin. Meron rin namang dress so ayun nalang yung sinuot ko..
"Mahal na Prinsesa, pinapatawag na po kayo ng Mahal na Hari at Reyna.." Sabi ng isang servant..
Hindi naman ako nagpatagal pa at bumaba na ako.. malayo pa man ako ay natatanaw ko na ang mahabang lamesa at napakaraming pagkain..
"Maupo ka na hija.." sabi sa akin ng Hari, oh ni Daddy pala..
"Pag uusapan natin ang gaganapin sa 18th birthday mo anak!" Excited na pagsasabi sa akin ng Mahal na Reyna ohhh.. Mommy ko pala..
"Naku! Huwag na po.. sanay naman po ako na walang handa at hindi sini-celebrate ang birthday ko.." pag aamin ko, nakakahiya naman kasi eii, ngayon ko lang nalaman na sila pala yung totoong pamilya ko tas handaan agad?
"Hindi pwede." Maikling tugon ng lalaking nasa harapan ko. Hmmm. Gwapo infairness kaso masungit.
"Tama ang kuya mo anak. Dapat engrande!" Sabi ni Mommy habang pumapalakpak.. wala na akong nagawa pa, Hari at Reyna sila ei..
Makalipas ang ipang minuto natapos na kami kumain at mag usap about sa birthday ko. Ewan ko ba. One month pa naman excited lang.. napag usapan na rin namin na papasok daw ako sa isang academy, kasama ko daw si kuya para may mag bantay sa akin..
BINABASA MO ANG
Life Of Being A Princess
FantasyThis is going to be a short story... No more cold hearted person that would stay as it is.. No secrets that will stay as a secret.. No promises will always be broken.. And no one will ever forget this.. Have fun reading!