Amara's p.o.v.
Lumabas ako para bumili ng makakakain namin, tanghaling tapat ngayon pero nangilabot ako nung mapatingin ako sa kalangitan… madilim ito at natatakpan ng ulam ang araw..
Pumasok nalang muli ako sa kwarto, hindi ko alam pero may masama akong kutob..
Napatingin ako kay Madison… biglang naging itim ang mga mata neto, may vision nanaman siya..
"Kailangan na nating tumakas.." sabi nito atsaka inimpake agad ang mga gamit niya, hindi na kami nagtanong pa inayos na rin namin ang mga gamit namin..
Lumabas ako at kinatok ko na rin sila.. sinabi ko na kailangan na naming umalis.. sumang ayon naman sila at nag impake din..
Habang naglalakad kami, biglang huminto si Mack (Mackenzie for short) sa paglalakad… namumutla siya at parang kinakapos ng hininga..
"Ayos ka lang ba?" Lumapit ako dito at inalalayan siya sa paglalakad..
"May sumusunod sa atin." Sabi nito sa amin.. Nagkatinginan naman kami lahat..
"M-mag teleport nalang tayo pabalik ng academy.." natatakot si Ellie, pero pinilit niya parin itong sabihin habang nakakapit sa tshirt ng kuya niya..
Tumango kami sa suggestion niya at naghawak hawak kami ng kamay..
Ellie's p.o.v.
Nandito na kami ngayon sa forest papuntang academy, hindi kasi pwedeng basta basta nalang makapasok, napaka lakad at kapal ng barrier na humaharang dito..
Habang naglalakad kami, napapadalas ang paghinto ni Madison, nagiging itim din ang mata nito, sabi nila nagkaka vision daw siya kaya ganun, pero ayaw niya naman sabihin sa amin kung ano… ang laging sinasabi niya ay bilisan na namin..
Nang makalapit na kami sa gate ng academy, nanlambot ang tuhod ko ng makitang sira sira na ito, maraming mga guards ang nakabulagta sa lupa, naliligo sa kanilang mga dugo..
Inalalayan naman ako papasok ni Kuya.. naunang pumasok sila Amara, nahuli kami ni kuya..
Parang tinaga yung puso ko ng makarating kami sa ground, madami nang estudyante ang napatay at naliligo sa kanilang mga dugo..
Nilinga linga ko pa ang ulo ko ng makitang kinakalaban na nila Amara ang babaeng..
Wait...
"Mommy?" Sabay naming sabi ni kuya, napatingin naman sa akin si mommy atsaka lumapit..
"Nandito na pala ang anak ko.." sabi nito habang nakangisi..
"Mommy anong kaguluhan ito?" Tanong ko dito..
"Ethan, dalhin mo nga iyan sa karwahe.." utos niya kay Kuya..
"Cge po, ma." Sabi ni kuya atsaka ako hinawakan ng mahigpit sa braso..
"Ahh, kuya.. arghh.. dahan dahan.." reklamo ko dito kasi nasasaktan na ako..
"Huwag mo na ako makuya kuya jan! Hindi kita kapatid.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya..
Nangmakarating kami sa karwahe agad niya akong kinulong dito..
Sinarado niya ang pinto at bintana saka niya ito nilock, walang liwanag ang pumapasok dito ngayon, kaya madilim...
Bigla namang kumirot yung likod ko..
Kinapa kapa ko ito, bakit parang namaga? Teka ito yung tattoo ka? Arggghh!..
Nagpagulong gulong ako para maalis yung sakit pero mas naging worst pa yata?
Mga ilang minuto ko tiniis yung sakit at kinapa ko ulit yung likod ko… bakit wala na? Asan na iyon?
"Mahal na prinsesa.." pagtawag sakin, hindi ko makita kasi nga madilim diba?
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong, hindi ko kayang magmatapang ngayon, takot kasi ako sa dilim diba? I hate darkness..
"Dumating na ang takdang oras.." iyon yung sabi niya atsaka umilaw ang mga mata nito, nakakatakot tignan pero bakit hindi ako natakot? Nilapitan ko pa ito..
"Ikaw… ikaw yung dragon na nasa likod ko.." sabi ko sa kaniya..
"Ako nga.." maikli niyang tugon..
"Bakit? Bakit ka nabuhay?" Takang tanong ko. Nakakagulat kasi, nung una bigla bigla nalang nagkaroon ng dragon sa likod ko ngayon bigla bigla naman itong nabuhay at nawala sa likod ko..
"Sapagkat dumating na ang takdang panahon. Ika-18 na kaarawan mo ngayon prinsesa.." nagulat naman ako sa sinabi niya.. teka? Oo nga ano? How can I forgot my own birthday? Tsss
"Kailangan mo kalabanin ang kasamaan.." sabi nito sa akin..
"Pero..." hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko bigla nya nalang ako inilabas sa karwahe..
"Ikaw anv pinaka malakas Prinsesa Chesa.." iyon lang ang sinabi niya atsaka siya biglang nawala..
BINABASA MO ANG
Life Of Being A Princess
ФэнтезиThis is going to be a short story... No more cold hearted person that would stay as it is.. No secrets that will stay as a secret.. No promises will always be broken.. And no one will ever forget this.. Have fun reading!