Unang Kabanata

40 1 0
                                    

"Rain, sabi ni Sir umpisahan mo na daw." Sigaw ni Jian na nasa harap ko lang naman. Loko talaga O. Hahahha. Ako naman, nandito sa harap nila at magdedeclame. Hihihi.

"Isang babae at malamang may lalaki" simula ko. Habang nagtawanan naman lahat ng kaklase ko. May mga nag sigawan at hiyawan pa.

"HOOOOOOO! IBANG KLASE TALAGA SI RAIN!" Di ko napigilan ang tawa ko e. Ang supportive talaga netong mga to.

"What's the title, Ms. Aguinaldo?" Tanong ni Sir.

"Isang Manloloko at Isang Biktima po, Sir" magalang kong sagot.

"May isang babae at malamang may lalaki

Nagkatagpo sa magulong oras at pangyayari

Payapa ang sitwasyon pero puso'y inaatake

Hindi nararapat sa isa't isa ang sabi sa mga sarili


Si babae na mula sa magandang eskwelahan

Namuhay ng magulo at may kulang

Inaakalang lahat ay magagawa ng pera lang

Lingid sa kaalamang ito pala ay hanggang akala lang



Samantalang si lalaki maganda ang katayuan

Sa eskwelahan mayroon siyang pakinabang

At pag nagmahal siya buo lang walang kulang

Pero lahat ng binigay niya ginamit lang at sinayang



Babaeng kung magkagusto sa lalaki oras-oras

Kung manggamit ng lalaki parang wala ng bukas

Ang galing niyang manloko walang ka-kupas-kupas

Pero lahat na ng ginagawa niya mayroon ng butas



Lalaking wagas kung mag mahal at walang pag-aalinlangan

Binigay ang lahat sa minahal na lapastangan

Kinuha sa kanya lahat ultimo di naman kailangan

Lahat ginawa pero lahat sinayang at si lalaki pinabayaan



Isang manloloko at isang biktima

Anong mangyayari pag nagtagpo ang dalawa

Isang manloloko at isang biktima

Anong gagawin pag pinagtagpo ng tadhana?"

When Manloloko Meets A VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon