Kilig akong umuwi sa bahay. Siyempre, kasama ko si Enrique. I don't know why.... siguro kasi sa kanya lang ako nagbubuhay prinsesa. Alam ninyo ba? Akala ko kanina gutom akong uuwi kaso nagyaya siya ng dinner date, so ayun, busog na busog ako.
Na-realize ko na kailangan mag-aral ako ng mabuti this year. At mag-aaply ako for scholarship next year sa St. Paul. gusto ko magkasama kami ng school. Pinakilala niya ako sa parents niya earlier today, grabe yung feeling, tapos ang dami kong nalaman.
Matagal na pala akong kilala ng parents niya, they know mom and dad, actually bestfriends daw si mommy at Tita Maine. Kaso tuwing may occasions di rin sila nagkikita. Si daddy kasi di naman pinapayagan si mommy umattend. Yung pamilya nga pala nila, ang tatahimik, kitang-kita ang pagiging mayaman.
Bukas na bukas nga pala, pwede na akong pumasok. Kinkabahan ako.
Anong oras na ba? 7:15 sabi ni Siri.
Ano naman na ang gagawin ko? Okay. Yung bagay na lang na nakalimutan ko dahil lately lagi akong may ka-chat.
Kinuha ko yung iPad ko. Binuksan ang Wattpad, for today magbabasa muna ko. May writer's block ang amateur writer ng bayan.
Here. Eto yung inaabangan ko laging story e. Compilation ng katangahan. 'Short Stories ng Tangang Writer XD- @bruisefixer'
Oh! May bago na pala siyang UD e. Sakto lang. Alam ninyo kasi, yung mga One Shots niya corny pero ang dami kasing hugot, to the point na tinatamaan ako sa mga linya niya. Halos lahat na yata ng klase ng lovelife naranasan ko na e.
Manligaw. Ligawan. Pag-agawan. LDR. Basta madami. Isa nga lang ang hindi, 'ma-reject' at hinding-hindi ko yun mararanasan.
"Walang Tayo" basa ko sa title.
Masayang ikaw at ako, nagkukulitan sa may tabing bangko. Masayang ikaw at ako sa harap ng pinto. Masayang ikaw at ako na lumalaban sa mundo. Masaya sana tayo kung ang oras nati'y nagtatagpo.
Oh shoot. LDR, para samin ni Mateo. Naalala ko pa yun, yung lumipat sila sa States pero di siya tumigil sa pagpapapansin sakin. E kinilig ako, hoy mga teh, effort yun ah...so ayun, nung kinilig ako MU na kami kaso nga lang nakakasawa. So sabi ko di ko keri. Goodbye na.
Tangan-tangan ang puso ko, madalas kang nasa malayo.
Taga malayo na talaga siya. Pero huhuhu T-T naapektuhan pa rin ako ng landian namin e. Sweet kasi yun at siyempre mapera, puro give lang siya ng give.
Hawak-hawak mo ang bote ng milagro, na nag-iisang dahilan ng pagtawa ko.
Yun nga lang, ang pinagkaiba namin netong sa gawa ni bruise ay....kahit sino kaya akong pasayahin. Basta marunong magpakilig.
Lulan ng aking puso pangalan mong walang kasing sarap pakinggan, eto yung pakiramdam na tuwing naiisip ka naaalala ko ang ulan. Ulan, na bumagsak habang nagkaklase si Ma'am, kaya hindi niya narinig ang mahinang paglalambingan.
Whooo. Ganyan kami ni Jeydon e. Haha haha yung ex - classmate ko.
Paglalambingang kay sarap sana kung makatotohanan.
Ouch. Pangarap lang pala niya yun. Yung sakin kasi, true.
Kaso nasa malayo ka nga pala at tanging puso ko ang tangan. At naalala kong Naiisip nga lang pala kita sa tabi ng bangko, umaasang nandiyan ka at habang may klase kinukulit ako. Papagalitan tayo't pagsasabihan na magseryoso, kundi bahala na tayo at isusumbong sa nanay ko.
Pero ang sagot mo sakin nakakatawa sabi mo bahala ka basta kuklitin kita.
Si Enrique ang ganito kung magsalita.
BINABASA MO ANG
When Manloloko Meets A Victim
RomanceSi Alyanna Rain Aguinaldo, a mischievous playgirl. Loves to run relationships by her own.... In short... gusto niya ng thrill. Ayaw sa mga patay na patay sa kanya dahil ang gusto niya ay yung siya mismo ang kukuha. Ayaw niya ng manliligaw sa kanya p...