Loner Problems

138 8 13
                                    

CHAPTER 1: Loner Problems

“Bullying builds character like nuclear waste creates superheroes. It's a rare occurrence and often does much more damage than endowment.”

-Zack W. Van

*  *  *

Bawat hakbang ko sa mataong lugar na ito ay parang isang mabigat na parusa ang nahatol sa akin. Napapalibutan ako ng mga mala-anghel na nilalang na ubod ng bait. Yung tipong wala ka namang ginagawa na masama sa kanila pero ikaw yung nagiging laruan nila, pagkatapos paglaruan iiwanan ka sa ere na gutay-gutay. Sila ang mga klase ng taong simula ulo hanggang paa ka nilang tinitignan, tapos hahanapin ang kapintasan mo kahit tinga mo pa sa ngipin at titirahin ka ng wagas na tagos sa puso mo. Tapos hindi pa nakuntento susundan ka pa nila kahit saang sulok ng daigdig ka pa pumunta para lang may matsismis tungkol sa’yo - kahit nagbabanyo ka pa para lang mabantayan ang kilos mo. Kapag kailangan nila ng tulong mo, nagiging maamong tupa sila pero kapag pinagbigyan mo ang hiling nila, “hu u” na lang sila sa’yo pagkatapos. Masyado silang bihasa sa pagbibigay ng puna sa’yo, pero di nila nakikita ang mga dumi nila sa katawan na mas malala pa kaysa sa’yo. Ganung katalas ang mga mata nila na kahit sarili nilang muta hindi nila nakikita dahil naka-focus lang silang magbigay ng mapanirang puri sa’yo.

Pintas dito, pintas doon. Husga dito, husga doon. Irap dito, irap doon. Babae man o lalaki, bakla man o tomboy, bata man o matanda, ‘di ka ligtas sa pang-aapi nila.

Lalong-lalo na ako.

“Baka uso namang  bilisan ang lakad para makadaan yung iba?”

“At mag-ingat ka rin sa nilalakaran mo. Baka mabangga nanaman ang napakamalapad mong noo sa poste. Apat na nga ang mata mo, eh.”

Tinira na kaagad ako ng dalawang cheap na babaeng ito sa likod ko. Baka uso rin namang magsalita ng “excuse me” in the first place, diba? At baka uso rin namang dumaan sa ibang direksyon dahil ang luwag-luwag ng daanan dito? Isang metro at kalahati yung daanan, teh. At hindi ako ganung kataba para i-occupy ko ang buong daanan dito. At ano ‘to, mall? Siksikan ang mga tao dahil sale? At baka namang may isang demonyo na tumulak sa akin noon kaya nabangga ako sa poste? Mga tao talaga. First day pa lang ng school ngayon binibiktima nanaman nila ako. Wala ako magagawa, easy to target ako eh.

“Ang kupad talaga, aabutin tayo ng 48 years bago makarating sa building!”

Lilingon sana ako sa kanila pero binangga kaagad ako ng isa at dire-diretso silang lumakad paalis sa akin na parang walang nangyari. Napadausdos ako ng konti pero buti na lang nabalanse ko sarili ko, kundi malamang sumemplang na ako at sumubsob ang mukha ko sa sahig. Uso kasi ang bastusan dito sa school kaya dapat masanay na ako na hindi edukado ang mga tao na nandito.

Kung tatanungin mo ko kung anong bagay ang pwede kong ihantulad sa sarili ko, ang magiging sagot ko ay “magnet”. Masyado kasi akong attractive sa mga laitero’t laitera kaya pinagpiyepiyestahan ako dito, at sumikat pa nga ako nang dahil dun. Okay lang sana kung sumikat ako dahil may great achievement akong ginawa, e’ hindi eh. Sumikat ako nang dahil sa pambubully. Salamat sa kanila, ngayon ay kinakailangan ko nang umiwas at magtago kapag may mga tao sa tabi-tabi. Pero sa sobrang dami ng populasyon sa BIG school na ‘to, hindi uubra ang pag-iiwas ko sa kanila. Bihira lang akong makatagpo ng mga matitinong estudyante dito, pero wala pa rin akong kaibigan. At wala akong balak magkaroon.

‘Di naman ako panget, ‘di rin naman ako ganung kaganda. ‘Di naman ako bobo, ‘di rin naman ako ganung katalino. ‘Di naman ako masamang nilalang, ‘di rin ako ganung ka-anghel. Pero bakit ganun?

#ForeverAlone.

* * *

Bago ako pumasok sa main building, pinakita ko muna sa masungit at mukhang antipatiko na guard yung i.d ko. Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa para ma-verify niya kung ako nga ang taong nakasuot ng eyeglasses, naka-brace, may side bangs at may long wavy hair sa i.d ko. Pagkatapos, ininspect niya  yung backpack ko na baka sakaling may dangerous weapon akong dala. Nung wala naman, binigay niya sa akin ang mga gamit ko at pinapasok na ako sa loob. Pero sa titig pa lang niya sa akin, alam kong ‘di pa rin siya kumpiyansa na wala akong dalang dangerous weapon o kung ano man. Ganyan ako hinuhusga ng mga tao dito.

Stuck by the MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon