Room 626

85 5 4
                                    

CHAPTER 2: Room 626

“Comfort is your biggest trap and coming out of comfort zone is your biggest challenge.” 

-Manoj Arora

*  *  *

12:05 PM. Tap. Tap. Tap. Tingin sa oras. 12: 06. Tap. Tap. Tap.

Nag-oovertime na si teacher.

Tinatapik-tapik ko ang mesa habang nakapatong ang mapupula kong pisngi sa palad ko. Tinignan ko ulit yung oras sa relo ko. 12:07. Pitong minuto na ang nakakalipas nung nag-ring yung bell at hanggang ngayon ‘di pa rin kami pinapa-lunch ng aming guro na tila’y ayaw pa niyang tumigil sa pagtatalakay niya na wala naman talaga dapat italakay dahil first day pa lang naman ng school.

 Yung iba sa clasrooom nakanganga na lang na halos tumulo na ang kanilang laway at napipilitang mag-oo sa mga sinasabi ni teacher, yung iba naman natutulog na lang dahil ‘di nila kinaya ang discussion at ang sikat ng araw na nakababad sa buong classroom, at yung ibang gutom na gutom na pasimple na lang kumakain ng patago - katulad na nga lang ng katabi ko dito. At dahil crush niya yung katabi niya, pasikretong binigyan ni Abby ng tsitsirya si Rico na nananahimik lang na nagsusulat. Pasimple moves. Pero samantalang ako ‘di binigyan, ‘di ba ako ang first friend niya?

Oo nga pala, acquaintances lang ang turing ko sa kanya.

“Uy Myrtle, gusto mo?” Nag-alok siya sa akin ng napakalaking tsitsirya na kasya na para sa limang tao. Buti napansin niyang may katabi siya dito sa kaliwa na nangangailangan rin ng pagkain. Pasalamat siya yung sa harapan namin puro matatangkad, kundi malamang kitang-kita na sa harapan yung kinakain niya at mabistado siya.

Dahil sa gutom na rin ako, ‘di ko na kayang tumanggi pa. Kumuha na kaagad ako ng sangkatutak na chips na parang patay-gutom lang at tinakpan ko ang bibig ko ng panyo habang nilalamon ko ang kinakain ko para di ako makita ni teacher. Ganito ang feeling kapag gutom ako sa classroom.

“So dito na magtatapos ang ating discussion…” Hay salamat, after 626,626,626 light years natapos na rin ang klase. Kapag si Ms. Gonzales talaga ang nagtuturo, todo daldal niyan na walang makakapigil sa kanya. Kaya hinahayaan na lang naming siya magturo kahit ‘di kami nagkikinig.

“So, anong oras na class?” Tignan mo, mismong oras ‘di niya alam. Paano naman kasi, daldal lang siya ng daldal na wala namang patutunguhan yung mga sinasabi niya. Hay, ‘di lang mga estudyante ang pinoproblema ko. Nakakadagdag rin ng sakit sa ulo yung mga teachers.

“12:15 na po.” Sumagot yung isang nerd kong kaklase.

“AY GANUN?! HALA, SORRY. SIGE. PWEDE NA KAYONG MAGLUNCH NGAYON.” Kinuha na niya ang mga gamit niya at umalis na sa classroom na hindi man lang nagpaalam sa amin. Wow.

Nagsitayuan na ang lahat at dali-dali silang lumabas sa classroom. Habang ako, nakaupo pa rin. Tama na kasi sa akin yung mga nakain kong chips kanina dahil sobrang dami kong nakain. Takaw much.

“So, saan ang punta natin ngayon?” Kinalabit ako ni Abby na kinagulat ko. Paano naman kasi, feeling kasi ni girl close na kami agad, eh nagkakilala lang kami sa hallway kanina kaibigan agad? Hindi ba pwedeng kakilala lang muna? Ang sama ko, nakinabang naman ako sa pagkain niya pero ayoko talagang sumama.

“Ayokong sumama.” Sa room 626 ang punta ko.

“Sige na, sa canteen na lang tayo tumambay. Sama natin yung mga kaklase natin, ah!”

Sorry, pero mas gusto ko pang isubsob ang mukha ko sa aspalto kaysa sa sumama sa mga mapanupil na nilalang na ‘yan. “No, thanks.”

“Bakit? Sama rin natin si Rico para mas exciting!” Idiniin niya talaga yung pangalan ng crush niya.

Stuck by the MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon