Kabanata 1

90 5 1
                                    

Hi Guyss! Please support niyo po ang first story ko. Sana po magenjoy kayo! Sorry po kung maikli lang ILOVEYOU :**

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naranasan mo na bang mainlove sa taong mahal na mahal mo pero sinasaktan ka? O sa taong hindi mo mahal pero nasasaktan mo?

 Nakipag high five si Ivan sa mga kabarkada niya habang sinusundan ko sila.

"Dude! kumusta na? sa tingin ko hindi ako makakasama sainyo mamaya sa Prime. May lakad kami ng GF ko, alam mo naman hahaha"  saan kaya sila pupunta? magba-bar na naman kaya sila? Napapansin ko napapadalas ang paglabas nila ah.

"Ah osige dude next time na lang" ani Ivan

Papunta na ako sa next class ko ng makabungguan ko sa daan si Ivan. Ang galing talaga ni Lord!

"Ayyy!" sambit ko

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?!"  Grabe madinig ko pa lang ang mala-anghel niyang boses naghaharumentado nako.

"o-kay lang a-ko"

Ako nga pala si Samuela Sanchez they call me Sam, 4th year college na ako pero wala sa isip ko ang pag bo-boyfriend kung hindi naman si Ivan ang magiging kasintahan ko. Bwahahaha! Matangkad, may maputing balat pero sabi nila hindi ako kagandahan, pero sabi naman ni Mommy ako ang pinaka magandang babae sa balat ng planet earth naniniwala ako doon, kasi si Mommy ang nagsabi. Kung tatanungin niyo ako kung ano ang tunay na pangalan ni Ivan hindi ko sasabihin! hahaha joke. Siya si Steven Ivan Tomas siya lang naman ang may ari ng Prime Upscale Club ang isa sa pinaka magandang bar dito sa Manila. Madami din business ang family nila, hindi mo maikakailang mayaman sila. Gwapo, matangkad, matalino. At specially ang kanyang tinitiliang sparkling abs! Lahat na ata ng kagwapuhan nasa kanya. Kaya siguro nainlove ako ng ganito sakanya.

Kinuha niya ang mga libro at ibang gamit ko at ibinigay sa akin.

"Sorry talaga Miss, nagmamadali kasi ako, see you around" at madaling lumakad paalis.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Oh my baby Ivan sana maging tayo, o hanggang panaginip lang kita? Wag naman sana. Mabilis akong tumayo at sinundan siya paalis. Twelve years ko na siyang ini-stalk pero habang sinusundan ko siya lalo akong nasasaktan sa mga nakikita ko.

"Ivaaaann!" Sigaw ko sa kanya

"Ikaw na naman?! Diba nagsorry na ako sayo Miss? Hindi ko talaga sinasad-" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Hindi kita sinundan para diyan" ani ko.

"oh bakit mo ako sinundan?"

"Ka-si a-no pwe-de ba ki-tang ano maayang lu-mabas?" nabunutan ng tinik ang aking lalamunan

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ako makikipag-date sayo ang kulet kulet mo naman!" aniya at mabilis umalis.

Umuwi ako sa bahay ng wala sa sarili, lahat ng madaanan ko hindi ko pinapansin.

Pagdating sa bahay.

"O anak nandito ka na pala, bakit ganyan ang muka mo? Mukang namatayan?"  at niyakap ako ni mommy. Thankful ako kasi binigyan ako ni Lord ng maalagain, mabait, at higit sa lahat supportive na mommy. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang aking Daddy, sumakabilang bahay na. Inaamin ko galit na galit ako sa kanya noong mga panahong iniwan niya kami pero wala akong magagawa tatay ko pa rin siya eh.

Hindi na napigilang bumuhos ang mga nagbabadya kong luha kanina pa.

"Mommy si Ivan" humagulgol na ako

"Hayaan mo na yun anak, lahat naman ng nagmamahal nasasaktan, tulad ko mahal na mahal ko ang daddy mo at ng iwan nya tayo halos magpakamatay na ako sa sobrang sakit pero heto ako ngayon unti-unting bumabangon kaya makakayanan mo din yan." alam na alam ni Mommy ang sasabihin ko.

"Pero Mommy sobra na eh! Pero bakit ganon kahit ilang beses na ako nagpakatanga dahil sa kanya pinagpapatuloy ko pa rin ang katangahan ko." 

"Alam mo anak kung bakit nasasaktan kana ay hindi mo pa din makuhang tumigil? kasi nga mahal mo yung tao. Hindi mo mapipigilan ang feelings ng isang tao."

I'm Still Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon