Kabanata 2

64 4 1
                                    

Kinagabihan.

Mabilis akong nagbihis. Isang jeans at loose shirt lang ang aking sinuot. Hindi kasi ako masyadong palaayos sa aking sarili, at wala din akong time sa aking sarili lahat na kay Ivan lol. Isang dahilan na rin siguro yon kaya hindi ako magustuhan ni Ivan, walang taste. Ehem

"Hello Francis! On the way na ako jan gurl. Wag ka nang mag paganda jan ha!". Si Francis nga pala este Franchesca pag gabi. Nag-iisang true friend/bestfriend ko, siya yung lagi kong kasama sa pags-spy kay Ivan. Siya yung bestfriend na mapagkakatiwalaan. Yung tipong kapag may ginawa kang malaking kapalpakan go lang siya!

"Oo gurl, alam mo naman ako kahit na hindi mag-ayos maganda na ako sa paningin ng iba haha" aniya. Sanay na ako sa bestfriend ko, lagi siyang ganyan, kaya nga kapag na bo-broken hearted ako kay Ivan siya lagi ang nagco-comfort at nagpapatawa sa akin. 

Dumating ako sa bahay nila mga 6:30 pm. At dumiretso na sa loob. "Hello po Tita! Asan po si Francis?" Tanong ko sa mommy ni Francis este Franchesa.

"Nandoon siya sa kwarto niya, puntahan mo na lang, saan ba kayo pupunta hija?" 

"May ime-meet lang po sa labas Tita"

"Ah sige ingatan mo si Francis ha. Unika hija ko pa naman yon hehe" aniya. Pangalawa sa apat na magkakapatid si Francis. Puro lalaki ang mga kapatid niya sina Felix, Finn, at Frank. Si Francis lang ang bumigay sa kanilang lahat, kasi si Tita ang nagpalaki sa kanya dito sa Pilipinas.

"Hahaha opo Tita. Sige po Akyatin ko na po" at umakyat na ako sa kwarto.

"Franchescaaaa! Diba sabi ko sayo wag nang magpaganda? Bakit ang tagal tagal mo?!" sigaw ko at pumasok na sa kwarto niya.

"AHHHH! Manyak! Lumabas ka muna! Nagbibihis pa ako. Baka makita mo ang mga bundok at perlas ko". Hahahaha walang hiyang bakla to! nakakaloka!

"Akala mo naman may iniingatan ka jan? Hoy gurl! Wag masyadong makapal haha". 

"Chee! Teka magbibihis lang ako" aniya at umirap patalikod.

Nang lumabas sa banyo si Francis inaya ko na siyang bumaba.

"Lika na at baka hindi pa natin maabutan si Ivan doon" 

"Hayy nako gurl kung ako sayo hahanap na lang ako ng matinong lalaki kesa jan sa Ivan na yan na wala namang nangyayari. Maganda ka naman eh, hindi ka nga lang palaayos. At tsaka marami pang nagg-gwapuhang boys jan, humanap ka na lang ng iba hindi yung nagpapakatanga ka sa isa" aniya at sumakay na sa kotse.

"Ayoko! siya lang gusto ko no. At alam kong may mangyayaring maganda sa aming dalawa ni Ivan" sambit ko at pinaandar na ang kotse. 

"Hayy nako gurl ayan ka na naman sa mga instincts mo, eh wala naman nangyayari" aniya.

Nang nakarating na kami sa Prime Upscale Club na pagmamay-ari ni Ivan nagpark kaagad ako at naglakad papasok. 

Bumungad sa amin ang mga nagsasayawang mga kalalakihan at mga kababaihan. Pumunta kami sa gilid ng counter at naupo na.

"Gurl asan na ba yung Prince Charming mo? aniya at tumingin-tingin sa paligid na parang nag nininja moves.

"Hindi ko nga din makita eh, anjan lang yon, intay intay na lang tayo" sambit ko at ngumisi sa kanya.

Napadami na ata ang inom ko sa kahihintay kay Ivan. Kung di ako nagkakamali nakaka 8 shots na ata ako ng tequilla. Teka nasaan na kaya si Francis? Hinanap ko siya gamit ang umiikot kong paningin pero hindi ko siya makita. Tumayo ako at pumunta sa dancefloor para mawala ang hilo ko.

"Hi Miss" sambit ng isang lalaking kagwapuhan na nagsasayaw sa gilid ko. Nakakahiya naman siguro kung hindi ko pansinin.

"Uh-mm Hello" sambit ko at tumingin sa kanya. Teka kanina ko pa to napapansin na tingin ng tingin sa akin ah. 

"I'm James. Can I ask what is your name?"  aniya

"I'm Samuela. Sam for short." at ngumiti sa kanya. Hindi ko na namamalayan kung ano mga ginagawa ko dahil siguro sa kalasingan. 

"Si Sam kaba?" aniya

"Oo bakit ba?" irita kong sambit

"Ang saSAMahan ko sa pagtanda habang buhay". Napangiti ako sa pick up line niya. Inaamin ko wala pang kahit isang lalaki na nagpakilig sa akin ng ganito. 

"Kahoy ka ba?" ani ko 

"Kasi papatayin mo ang sisibat sa akin? dahil ayaw mo akong mawala sayo?"  Proud nyang sagot. kapal talaga nito hahaha. Pero nag-eenjoy akong kasama siya.

"Hindi! Kasi kung kahoy ka pinanggatong na kita! HAHAHA" at malakas akong tumawa sa sarili kong joke. Habang si James naman ay napa-pokerfaced sa joke ko. Umayos ako ng tayo dahil sa pagkaka-pokerfaced nya.

"HAHAHAHA ang cute mo!" at tumawa ng malakas habang ako naman ay napahiya sa pagkakatayo.

"Uhhm Sam can I get your number? Is it okay with you?" at inilabas ang kanyang cellphone.

"Ah Suure!" ani ko at ngumiti ng malalim sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Still Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon