Reality

47 1 0
                                    

---------------------

I love you

I love you

I love you

I love you

Waaaaaah!!!! Ayoko na!!! It keeps on playing on my mind again!! This is the reality. Eto yung totoo. Pero bakit may napapanaginipan pa din ako?

That girl definitely looks like me but I'm not Summer, I'm Dianne at sino yung Ash? Ewan ko! That was just another dream.

Tumayo na ako sa higaan ko at tinanaw ang buong view ng Upper East Side. Yep. Nandito ako sa New York kasama ng bestfriend ko na si Drake. And speaking of the devil.

"Oh kape mo.!" sabay abot sa akin ni Drake ng coffee.

"Thanks. So kamusta naman ang inaasikaso mo? Tapos na ba?" tanong ko sa kanya. Super tagal niya kasing naging busy eh kaya eto nagiging curious ako.

"Babalik na tayo ng Pilipinas." seryosong sabi niya.

"Pilipinas? Bakit pa?" seryoso ko ding tanong dito. Wala namang interesting sa Pilipinas ah?

"Nandun yung next assignment natin eh. Doon yung locations natin." nakangiting sabi niya. Ayun pala yun.

Di ko ba nasabi sa inyo na isa akong Model? Si Drake naman ang aking ever loying bestfriend na nagmistulang manager ko!!! And I almost forgot, Ako pala si Francheska Dianne Dominguez, isang well-known model all over the world. Yung bestfriend ko? Siya naman si Drake Samuel Fernandez, sikat din yan!!! Sa pagiging babaero nga lang.

"Ano? Bukas na flight natin ha.!" muntik ko namang maibuga yung iniinom ko!! Agad agad?! Bukas agad? Ang bilis naman yata!! Pero kahit makipagtalo pa ako sa kanya, di ko na ginawa kasi matatalo lang ako. Kasi tatanga-tanga dawa ako kaya ayan, siya na laging nagde-decide para sa akin. Sweet no? Alam niyo ba na mahal ko yang bestfriend ko? Hahahaha xD Gwapo niya kasi tapos maalaga.

"Day dreaming again?" ay p*ta! Ganun ba ka-obvious.

"Nuh!! Nag-iisip lang ako ng possible things na pwedeng mangyari sa Pilipinas. " sabi ko.

"Madaming mangyayari kaya ihanda mo ang sarili mo. That was just a reminder na hindi lahat ng makikilala mo ay dapat pagkatiwalaan mo." sabi niya. May pinanghuhugutan ata tong mokong na to. Tsk tsk.

"Tara!" pagyayaya ko sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Mag-gagala. Sulitin ang last day natin dito." Naglakad lakad lang kami kung saan-saan. Kumain ng kung ano-ano. Kahit sikat ako, di ako pinagkakaguluhan. Bakit? Kasi lahat ng nasa community namin, mga bachelor and bachelorette. Even Drake and I were a member as well. We belong to this kind of society at lagi kaming laman ng mga Society Pages.

Sa sobrang saya naming dalawa, di namin napansin ang oras. 8pm na pala at ang flight namin ay 3am ng madaling araw. Kaya nandito kami ngaun naglalakad na pauwi.

"Are you excited?" tanong niya.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Pwede ko bang malaman?" tanong niya.

"Hindi. Hindi ko din alam eh. Sorry :)" sabay sabi ko.

"Okay pero one piece of advice. This is the reality. This is not a dream or realization. This is not even a virtual world. Totoo to. Lahat ng nararamdaman mo physically at mentally ay totoo. Walang peke jan except sa isang bagay." nagtataka ako sa sinasabi niya. Wala na akong maintindihan.

"Alam mo Drake, sometimes I don't get you.. Lagi kang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Para kang nagreremind ng isang bagay na hindi ko maalala. Minsan iniisip ko kung tanga ka ba or bobo eh. You keep on reminding me when you know naman na may amnesia ako. Abnoy lang." napangiti naman siya sa sagot ko. Naaksidente kami noon ni Drake at pagkagising ko, wala na akong maalala.

"I know your not. Sige matulog ka na." dun ko lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng hotel na tinitirhan ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, dumerecho ako sa kama at humiga. Napaisip ako sa sinabi ni Drake. He knows something?

'You maybe knew something but not everything.'

And then nakatulog na ako.

-----------

Pagkagising ko, naligo na ako. Buti na lang at may heater.. Nagbihis na din ako at nag-ayos ng buhok at nag make-up. Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Maganda pa din naman ako. Wala pa rin namang nagbago doon.

*TOOOK TOOOK*

"Pasok." biglang pumasok ng kwarto ko si Drake.

"Let's go?" tumango ako sa kanya bilang sagot. Kinuha naman niya ang maleta ko at tinulungan akong buhatin yun. "Dinala mo ba buong bahay mo? Ang bigat ng maleta mo eh." pagrereklamo niya.

"Tanga! Try mo kasing hilahin yan. Wag mong buhatin kasi talagang mabigat yan!!! Stupid!!! shunga kasi. Binuhat ba naman yung maleta ko eh may gulong naman yun!!!

"Nagpapalaki ako ng muscles." sabi naman niya.

"Palusot ka na naman jan eh!! Ang sabihin mo, di mo lang alam kung saan ang button jan sa bag ko para lumabas yung gulong niya.

"Okay fine. Panalo ka na. Paano ba kasi to.?" see? Di niya alam. Pinindot ko naman yung pindutan sa ilalim ng maleta ko. Oh ayan... May gulong na.

Pagbaba namin, naka-abang na pala yung taxi na sasakyan namin. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan na hindi kabahan. May kinakatakutan kasi akong mangyari. Saan ako lulugar?

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Honestly? Hindi." sagot ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"You'll be." sabi niya.

Pagdating namin ng airport, nagboard na kami agad sa plane. VIP kasi kami kaya ganito kabilis. Wala pang 15 minutes ng umalis ang eroplano. Ilang oras lang at nasa Pilipinas na kami. Ang isang bansa na ayokong balikan...

--------------

Manila 6:00 am

Nasa Pilipinas na kami ni Drake. Lahat ng reporter at fans ay nandito. Ang daming kumukuha ng pictures sa akin. Autograph dito, autograph doon. Interview dito at interview doon. Nung natapos na, naglakad na kami ni Drake. Habang papunta kami sa sasakyan namin, may nahagip ako na isang pamilyar na mukha. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung nakita ko. Parang may kakaiba akong naramdaman. I don't know him pero may something sa utak ko na kilala ko siya.

'This is the reality, Lahat ng nakikita ko ay totoo na.'

Faded Memories (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon