Chapter 1

605 12 0
                                    

"Celia! Bwisit ka talagang bata ka! Buksan mo itong pinto! Sinabi ko na sa iyong bantayan mo ang sinaing mo dahil masasayang lamang kung masunog! Ano! Hindi mo ba ito bubuksan?!" Sigaw ni Edna habang kinakatok ng malakas ang kwarto kung saan naroon si Celia.

Si Celia ay isang 17 anyos na dalaga na pamangkin ni Edna. Sanggol pa lamang ito ng iwan ng ina sa kanya sa di malamang dahilan. Si Celia ay isang simpleng dalaga, mayroon itong mahabang buhok na may malalaking natural na pagkakakulot, morena, at hindi ganoon katangkadan. Ang mukha nito ay hugis puso, at ang mga mata nito ay bilugan na bumagay sa mahaba nitong pilik at kilay na hindi man makapal ay hindi rin manipis. Ang mga labi nito ay mamula-mula na animo'y laging may pahid na lipstick.

Sa loob ng kwarto.

"P-patay nanaman ako kay T-tiya Edna. Kung bakit naman kasi nakalimutan kong ahunin iyon bago ako pumunta rito sa silid upng kumuha ng damit pamalit" bulong ni Celia sa sarili habang ang mga labi ay namumutla at nanginginig dahil sa maaring gawin sa kanya ng Tiyahin.

"Ano Celia! Hindi mo pa rin ba bubuksan itong pinto?! O nais mo pang ipasira ko ito. Oras na mabuksan ko ito ay humanda ka sa akin dahil hindi lamang hagupit ng iyong aabutin. Lulunurin din kita sa tubig na hahaluan ko ng asin!" Amok pa din ng kanyang tiyahin kasabay ng malakas ng paghampas sa pintuan.

Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang Tiyahin, dahil lahat ng nito'y sambitin ay hindi nangingiming gawin.

Kaya naman kahit pa nanginginig ang mga paa at kamay ay lumakad na siya patungo sa pintuan upang pagbuksan ang tiyahing kahit hindi tingnan ay mababatid ang galit.

Pagkabukas niya ng pintuan ay agad hinablot ni Edna ang buhok ni Celia at kinaladkad pababa ng hagdanan. Magkanda subsob man si Celia ay walang pakealam si Edna.

"T-tiya. Tama na po. H-hindi na po ako uulit. P-patawad na po" iyak ni Celia. Ngunit hindi manlamang nagpakita kahit katiting na simpatya ang kanyang tiya.

"Punyeta ka talaga! Wala ka ng ginawang tama! Balak mo ba akong lasunin sa pagpapakain saakin ng sunog na sinaing? Napaka walang kwenta mo! Ikaw ba ang nagpapakahirap bumukaka sa iba't ibang lalaki upang magkaroon ng pera! Ha! Palamunin na nga lamang ay sinasalaula mo pa!" Sigaw pa rin nito.

Ilang sandali pa ay naroon na sila sa likod ng bahay. Agad sya nitong inilublob sa drum na may punong puno ng tubig na naroon habang hawak pa rin ang kanyang buhok. Pigilan man ito ay hindi nya kaya dahil na rin sa paggalugad sa kanya nito pababa sa hagdanan.

Maya maya pa ay hindi na sya nito iniluloblob. Pabalibag sya nitong binitawan kasabay ng pagluhod nito at pagsampal ng malakas sa kanyang magkabilang pisngi na nagpatulo ng dugo sa kanyang ilong. Pinagtatadyakan rin siya nito at kahit pa natatamaan ang mga maseselang  parte ng kanyang katawan ay hindi sya nito nilubayan.

"Ano! Ha! Ayaw mong buksan ang pinto kanina di ba? Bakit hindi maglakad at bumalik uli roon! Tapos ay wag mo ulit bubuksan ang pinto?" Nang uuyam na sambit nito.

"T-tiya p-patawad na po. Hindi na po talaga ako uulit" pagmamakaaw ni Celia.

"Talagang hindi ka na uulit!"

Tingnan natin kung uulit ka pa sa gagawin ko sayo. Pagagalingin ko lamang iyang mga sugat na dulot ko saiyo, saka ulit kita pasasakitan. Bulong ni Edna sa sarili habang patalikod sa pamangkin na nakahandusay sa sahig at nahihirapang tumayo sabay ngumisi na animo'y mayroong napaka itim na balak.

Si Edna ay 28 anyos . Lumaki siyang ulila kaya naman 12 anyos pa lamang ay natuto ng buhayin ang sarili at ito ay ang pagiging isang kilalang Puta sa club na kanyang pinagtatrabahuhan. Maganda si Edna, malaking babae ito at may katangkadan. Maputi dahil na rin sa iba't ibang produktong ginagamit upang mas maging kabigha-bighani sa paningin ng kanyang mga kostumer.kulay dilaw ang buhok nito na palagi nyang pinapaayos sa kaibigang bakla sa parlor . Ang labi ay may kalakihan kaya naman bumabagay ang Pulang lipstick na pinapahid nito sa labi. Ang mga kuko nito sa kamay at paa ay palaging pula ang pintura dahil para sa kanya'y mas nabibighani ang mga lalaki sa kanya lalo dahil dito.

Kagat ng Dilim Where stories live. Discover now