4

420 8 1
                                    

"Dito ang tanggapan ko ng bisita, araw araw itong nililinisan dahil paminsan minsan ay nagkakaroon ako ng hindi inaasahang panauhin." Sabi ni Roman habang sila ay naglalakad patungo sa sala ng bahay nito.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang telepono nito.

"Hello Rosa, .... ah oo nga pala... nakalimutan ko... sige.. oo.. pupunta na ako" sabi nito sa kausap.

"Celia, ayos lamang ba na ikaw na lang muna ang pumasyal mag isa? Kailangan ko munang umalis dahil tumawag ang sekretarya ko sa aking kompanya. Mayroong emergency."

"Naku Roman, ayos lang sa akin. Sige na okay lang naman ako" sagot ko.

"Oh siya sige. Kapag mayroon kang kailangan, magsabi ka lang dyan sa mga katulong ha?" Sabi nito sabay talikod na.

Narinig nya na lang ang papalayo nitong sasakyan.

Nagsimula syang maglibot sa hardin nito. Malawak ito at mayroong mga tanim na rosas, sobrang pula ng mga ito at halatang mga matataas na klase ng bulaklak. Pati ang dulo ng mga dahon nito ay kapwa mga pula. Nakapalibot ito sa buong hardin. Tapos sa kanto ng hardin ay makikita ang isang lamesa at apat na upuan. Siguro ay tinatambayan ito paminsan minsan. Samantala mula sa gate hanggang sa malaking pinto nito papasok sa bahay ay mayroong pathway na kasya ang isang kotse.

Patuloy pa siyang naglakad lakad. Nakita nya din ang gate na bahagyang naka-awang at naroon ang parehabang swimming pool. Hindi maikakailang may-kaya nga ang nag mamay ari ng bahay.

Napagawi ang mga mata nya sa pinto sa kabilang dulo ng kinaroroonan nya. Lumapit siya roon, nakasarado ito ngunit walang kandado. Binuksan nya iyon, at ito ay patungo sa kakahuyan. Hindi naman maitatanggi na posible nga ito dahil ang kalsada papasok sa parte ng bahay ito ay masyado ng patago, at madalang din ang dumadaan. Wala rin siyang napansin na kapitbahay.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarinig ng lagaslas ng tubig. Mayroong maliit na sapa na mayroong tulay patawid. At doon lamang niya napansin ang isang hindi ganoon kalaki na bahay. Mukha itong resthouse. Mayroon itong balkonahe sa harapan ngunit wala naman itong ikalawang palapag. Base na din sa tingin nya mula sa labas. Sa balkonahe nito ay mayroong mga nakahanay na timbang pangdilig ng halaman. Iyong mayroong pahabang para hose at mayroong mga butas. Siguro ay mahilig maghalaman ang nakatira roon.

Lumapit pa siya ng kaunti, ngunit habang siya ay papalapit naamoy niya ang malansa at masangsang na amoy na hindi niya alam kung saan nagmula.

Palinga-linga siya hanggang sa makita niyang bumukas ang pinto at lumabas ang hardinero sa bahay ni Roman. Pawis na pawis ito. Napagawi ang tingin nito sa kanya.

Agad nanlaki ang mga mata nito at lumapit sa kanya.
Hiniklat nito ang mga braso niya at kinaladkad siya habang tinatahak ang daan pauwi.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sabi ko habang inaalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko.

"Sinong nagsabi sa iyong pumunta ka dito?! Hindi ba ay doon ka lamang dapat sa bahay naglilibot!"

"H-hindi ko naman sinasadya. Tama na nasasaktan ako" habang takot akong nakatingin sa kanya.

"Talagang masasaktan ka! Umalis ka na dito ngayon din! At wag nang gagawi pa sa parteng ito kung ayaw mong may masamang mangyare saiyo!" patuloy na pagsigaw niya sakin ngunit hindi ko halos maintindihan dahil natuon ang paningin ko sa timba roon sa gilid ng bahay.

Bigla akong kinilabutan. Unti unting animo'y nanlamig ang aking buong katawan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binawi ko ang mahigpit na pagkakahawak ng hardinero sa braso ko at dali daling umalis at tinungo ang bahay ni Roman.

itutuloy....


Kagat ng Dilim Where stories live. Discover now