Mahirap ang naranasan ko noon. Naudlot ang dapat sanang panliligaw ko sa taong mahal ko dahil sa bestfriend ko. Oo dahil sa bestfriend kong lalaki din. Pero hindi ako bakla! the Heck! kaya ko sinasabing naudlot yun dahil sa banta ng bestfriend ko.
May nagustuhan akong babae noon at nalaman yun ng bestfriend ko.Dahil dun blinockmail nya ko na sasabihin nya sa parents kong nagcacutting ako. Syempre malaki expectation ng parents ko sakin pagnalaman nila yun baka palayasin ako.
Strict sila pagdating sa pag-aaral ko. Kaya wala akong magawa nun. Sabi naman ng bestfriend kong si Cean nga pagbibigyan naman nya ako na maligawan SYA basta magawa ko ang favor nya.
Ano yun?
Well, ligawan ko daw ang kapatid nya na deds na deds sakin. Sus ang hirap maging gwapo! Ang hirap ng pinapagawa nya sakin. Ayokong paasahin o lokohin yung kapatid nya. Pero masyadong mapilit si Cean kahit ano kaya nyang gawin makuha nya lang gusto nya.
Kaya isinantabi ko muna ang nararamdaman ko sa KANYA. At ngayon nga kami na ng kapatid ni Cean na si Caroline Loise Dela Fuentes.
Pero ayoko na sa kanya! Mabait sya, oo. Pero isip bata pa sya masyado para sakin. Gusto nya nanunuod kami palagi ng sine na hindi ko naman hilig. Gusto nya pag may lakad sila ng mga kaibigan nya lagi akong kasama na minsan ako lang lalaki kasi yung mga boyfriend ng kaibigan nya hindi nila sinasama. Masyado syang obsess sakin.
Napipilitan lang ako sa lahat ng ginagawa ko. Naawa din ako sa kanya. Hindi nya naman ako deserve bat ba patay na patay sya sakin.
Ngayon nagkaroon kami ng hindi pagkakainitindihan ng kuya nya. At hindi din ako pinapansin ni Cean. Papunta din ako sa bahay nila kasi pinapupunta ako ni Caroline may lakad na naman silang magkakaibigan kaya sinasama nya ko. Pero pagbukas ko ng pinto nakita ko si caroline na nakikipagkilitan sa kaibigan nyang si Alex. Kaya lumabasa na ko agad. Pero nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Xairus! sandali lang!" eto na naman si Caroline.
"I'm leaving. Sorry to interrupt you"
"Wait! di mo naiintindihan eh. Kibigan ko lang naman si Alex." yeah right alam kong kaibigan nya lang yun. Gumagawa lang ako ng butas para makapaghiwalay na kami.
"Ok lang sumama na din pakiramdam ko"
"pero---"
"sige alis na ko" sumakay na ko ng kotse at umalis.
*
Simula noon di ko na pinapansin si Caroline hanggang isang araw tumawag sya sakin.
["Xairus pwede ba tayong mag-usap? Punta ka sa bahay mamayang 1"] then inend na nya yung call. So nagpunta na ko sa bahay nila at sinalubong namn nya ko.
'Xairus, alam ko na ang lahat. Alam kong napilitan ka lang kaya sige na."
"Huh?" anong ibig nyang sabihing sige na?
"Sige na hindi mo na ako kargo. I'm breaking up with you kahit na hindi naman totoo yung relasyon natin" tapos ngumiti sya ng pilit tsaka sya umakyat sa taas. Sa kwarto nya siguro.
Hindi ko alam gagawin ko kasi naawa ako sa kanya. Pero tingin ko din hindi pa ito yung panahon para iconfront ko sya.
Bigla naman SYANG pumasok sa isip ko. Kumusta na kaya SYA. Matagal na pala simula nung huli ko SYAng nakita.
~LYLA nasan ka na?
___________
si Eula yung nasa side ---->
xxx
BINABASA MO ANG
Let the battle begin
Teen FictionIniwan ka. Nasaktan ka. Naging bitter ka. Pero sa pagbibitter mo na iyon maraming bagay ang nangyari. Mga bagay na di mo inaasahang mangyari sayo.. Expect the unexpected. Expect the worst but desire for the best. Because in our life unexpected thing...