Hate over Love or Love over Hate

80 1 0
                                    

Hate over Love or Love over Hate

(wHicH oNe iS gReaTeR?)

by: Tine-eTinyMe

 " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ---------- " ----------- "

FLASHBACK...

" Oy Sha, ano 'yang binabasa mo? "

" H-Ha? W-wala... "

" Patingin nga! "

" L-Leo! "

" Eto na naman? Naniniwala ka pa rin ba sa mga fairytales? 'Wag mong sabihing hanggang ngayong high school na tayo eh, inaantay mo pa rin 'yang Prince Charming mo? "

" Bakit, masama  ba?! Kahit kailan talaga, panira ka! "

" Sus! 'Wag ka nang umasa! Malabong mangyare 'yon... "

" Hmph! Pa'no mo naman nasabi?! "

" Sino namang magkakagusto sa isang maingay at nakakairitang katulad mo? Hahaha! "

" Nakakainis ka talaga! Grrr! "

" Bleh!! Hahaha! "

END OF FLASHBACK.

[ Trisha's POV ]

 " Makikita mo Leo! Magkaka-boyfriend rin ako! "

Pero, pa'no 'yan...? 4th year na 'ko, at matatapos na ang high school life ko. 'Di pa din ako nagkaka-boyfriend....

" Why??! God why? "

" Uy! Trisha! Anong wina-why, why mo jan? "

" A-ah.. Wala.. Hehe.. Nako Nadine, 'wag mo na akong pansinin... "

Hay nako! Hanggang dito ba naman sinisira niya ang araw ko?! Kapag walang pasok wala na ngang katahimikan ang buhay ko dahil sa kanya eh!

By the way, let me introduce myself. I'm Trisha. That's my name. And the rest about me are classified information. Chos! Tinamad lang ang writer... Anyways, 'yung lalaking pang-asar sa buhay ko ay si Leo. Childhood frenemy ko. Magkapit-bahay lang kasi kame kaya araw-araw kong nakikita ang mukha niyang pinagsawaan ko na. I mean, sukang-suka na 'ko sa kanya dahil palagi na lang niya akong inaasar. Hindi ba siya napapagod?! Buti na lang at sa ibang school siya nag-aaral. At least kahit man lang 8 hours, hindi ko siya makita. Palagi kasi siyang nasa bahay namin. Ewan ko ba kay mama at papa kung bakit siya pinapapasok. Tsk! Hay nako. Back to earth na nga! Masyado na 'tong napapahaba!

" Nadine, anong oras na? "

" Hm? 6:30 pa lang... Bakit? "

" Hm... Wala naman... Kain tayo. "

" Kain na naman?! Kanina pa tayo kumakain ah! Gutom ka na  naman? "

" Eh, hindi naman... Wala lang akong magawa. "

" Ay.. Wala ka bang magawa? Mag-walis ka na lang ng classroom.. Nang may pakinabang 'yang stored energy mo. "

" Eh, tinatamad ako eh... "

" Oh, ngayon bigla kang tinamad? Ewan ko sa'yo Trisha! Gulo mo kausap. "

" Bes, matutulog na lang ako. Pagising na lang ako 'pag nandyan na si sir ha.. "

" Okaaay... "

Makatulog na nga lang. Wala akong magawa eh. 'Di ako maka-relate sa kilig ni Nads eh.. Nagbabasa kase ng pocketbook. I mean, e-book yata? 'Yung book sa cellphone? Ah basta! Book!

Hate over Love or Love over HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon