Chapter Twenty-Two ~ATNI

116 4 0
                                    

KJASFKHJJDVF Finally naka-update naman si mokong na ako. Yieee <3 <3 Please don't kill me :DDD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*

Dew's POV

Okay. Andito ako ngayon sa main canteen with Grayson and friends. Siomai is heart heart pala. Yededey! Natuluan pa nga ako ng sauce. Andumi tuloy ng blouse ko. Pero hey, who cares? :D At least hindi yung dress yung suot ko. Which reminds me, hindi ko nakikita ang perverted alien na nagnga-ngalang Xavier. 

Wait, bakit ko ba siya iniisip? Yaks bro. Kain na nga lang ako ng siomai. With ice tea! Hey! :D

Nag-reunite nga pala ang Tropang Pizza Pooch. Because we miss each other and TPP is HART HART. Katabi ko si Grayson at Ralph at harap ko naman si Yanna, Stephen at John Jake. Himala nga at kasama pa namin si John Jake. Nakipag-away pa kami sa debating coach niya para makakain siya. Yung mga matalino talaga -_____-

''Hm. Its been a while since you joined us Dew'' sabi sa akin ni Ralph with a nod.

''Kaya nga Ralph eh. Nakaka-miss din ang kagaguhan ninyo eh. Hehehehe!''

May tumakip sa mga mata ko. ''Hulaan mo kung sino ito Dewdroooooop!''

''Pakyu Justin bat natagalan ka?'' sabi ko habang tinanggal ko ang kamay niya sa mga mata ko.

''Hay. Inutusan ba naman ako mag-tulong sa stage sa Donya Caceres hall. IM STARVING. PINIPILIT KO NA LANG MABUHAY''

Binatukan ko nga. OA ni Lanuza eh. Tumabi sa akin si Justin kaya mas sumiksik sa booth namin. Sipain ko kaya itong mokong. Kumuha pa siya ng siomai sa akin. Pagbigyan.

Tiningan ako ni Yanna at sabay sinabing, ''Oo nga pala Dew, ready ka na sa date ninyo ni-''

''HAHAHAHAHAHAH ANG GANDA NG PILOT EPISODE NG DYESEBEL DIBAAAAA? HAHAHAHAH!'' bigla kong sabat at sinipa si Yanna sa ibaba ng mesa. BAKIT SINASABI NIYA IYON?! Nabilaukan bigla si Justin at umubo. Si Ralph lumaki bigla ang mga chinitong mata at pinigil tumawa. Sila Stephen at John Jake naman ay tinanong naman ay pinakawalan ang kanilang mga tawa. Si Grayson? Nag-blush bigla at hindi ako tiningnan sa mata. NOOOOOOOO HINDI AKO GANUN GRAYSON ;______________;

''Yeaaah. Nakita ko nga yung pilot episode Dew. As I was saying ready ka na sa date-'' sinipa ko ulit si Yanna. Manhid ba itey!? 

''ANSARAP TALAGA NITONG SIOMAI NI ALING MIMI NO!? LALO NA YUNG SPICY FLAVORED!'' sigaw ko habang pinipilit na tumawa. Grabe na ang pawis ko. Whew!

''Busog na ako. Ma-mauna na ako sa inyo h-ha. May gagawin pa pala ako.''

Nabigla ako nung bigla tumayo si Grayson at umalis sa booth namin.  Pulang-pula ang mukha. Anyare na naman dun?

''Guys! Una na kami ni Yanna! May pag-uusapan pa kami pala!'' sabi ko habang tumatayo ako. Syempre dala ko pa yung siomai. Tumayo na din si Yanna with a puzzled expression.

''Oo nga pala. Baka hinahanap na ako ng fellow debaters namin'' sabi ni John Jake.

''Samahan na kita bro.'' ani ni Stephen at umalis na sila.

''May lalandiin pala akong magandang dalaga sa uma. Una na ako guys!'' binatukan ko si Justin habang paalis na siya.

''Ikaw Ralph? Di ka aalis?'' sabi ko kay Ralph na hanggang ngayon eh nasa booth pa namin. Calm lang ang expression niya. 

''You're going out with Xavier?'' tanong niya sa akin. Tiningnan ko si Yanna at nag-nod siya sa akin.

''RAAAAAAAAAAAAALPH oo may d-d-date kami pero pinilit lang akooo! Hindi ako malandeeee tulad nila Diane! Yung pagda-date sa perverted alien na yun?! LIBAG! LIBAG SA KALOOBAN! HUHUHUHUHUHUHUHUHUHU'' inaamin ko kay Ralph sabay yakap sa kanya.

''Heeeeey Dew. One date lang yan with Xavier.'' sabi niya sa akin habang pina-pat ang ulo ko. Oy! Naka-taglish siya oh! :D Yeah!

''Peeeeeeeeeeerooooo Raaaaaaaaaaaalph ayokoooo''

''Nag-promise ka sa kanya Dew. Don't back out''

Nag-sigh ako habang yakap ni Ralph. Bakit bigla na lang ako napagod?

Emotionally drained dahil sa kaka-isip sa mangyayari mamaya...

Ang Tomboy NA-INLOVE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon