Chapter Three

3 0 0
                                    



NANDITO kami ngayong tatlo nakatayo sa tapat ng university.

Mendel University.

Papasok na  kami, but then pinigilan kami nung guard and tinignan kami ulo hanggang paa.

Medyo nakaka-offend naman yung tingin niya ha?!

"Sorry Miss, pero hindi po pwedeng papasukin ang outsider" sabi ni manong guard

"Manong malamang nasa labas pa kami. Pero kung papapasukin niyo kami insider na diba?" Umiling si manong atsaka ipinagtatabuyan.

"Manong oh! May requirements ho ako! Magpapa-enroll ako manong!"

"Ah,  late enrollee ka ineng?" Ineng?TF?

Iniabot ko sakanya yung mga requirments ko na ipinagkasya ko sa isang envelope. Nang tinignan ko si manong nakita kong nakatingin lang siya dun sa 2x2 kong picture.

"Ang ganda mo naman pala ineng dito sa picture"

"Pasensya na ho manong pero wala ho akong maipapautang sainyo"

Hindi ako narinig ni manong kasi ibinabalik niya na yung mga nilabas niyang gamit ko sa envelope.

"Sige pasok na kayo. Pero teka anak mo ba ? Mag-iingat ka dito kasi maraming bully, kapag nalaman nilang may anak ka na paniguradong maraming mag- aano basta yung mag- aano sayo dito. " Amber anak ko?! Okay pa si Aaron

I looked at Amber mukhang nandidiri siya sa sinabi ni manong, well ako rin naman. Hindi ko kakayaning magluwal ng isang katulad niya noh!

Hahahaha! May naisip ako!!

"Manong siya po anak ko" turo ko kay Aaron na nangungulangot, sinita ko siya kasi nakakadiri rin pala tong mangulangot eh parang ang dami daming dinudukot.

"Ah, sige po pasok na kami" sakto namang  nakatingin si Amber sa mga lalaki sa may parking lot. Kaya naman tuluyan na kaming pumasok  at iniwan siya sa guard house. Ayaw ko siyang makasama baka may kababalaghan nanaman siyang gawin sa loob.

Lucas's POV

NANDITO kaming tatlo nina Christian at Math sa parking lot habang inaantay si Ash.

Tapos na kaming magkamustahan tungkol sa bakasyon namin pero hanggang ngayon wala pa siya!!

Ngayong araw na nga lang ulit kami magkikita kitang apat ngayon pa siya late.

At. Ehem.Syempre magpapakilala muna ako! Lucas Ethan Dizon pinakagwapong bastos na isinilang noong ako'y ipinanganak.

At etong dalawang kasama ko bastos lang at hindi pogi. Si Christian Sy na loyal, loyal sa lahat at si Math Ordinez naman the guy who loves to add.

"Ang tagal naman ni Ash! Hintayin nalang kaya natin siya sa music room?" Sabi ni Math habang mukhang batang nagaalburuto.

Yep, musikero kami, ako guitarist, si christian ang drummer at si math naman sa bass guitar minsan piano. At yung vocalist naman ayan paparating na.

"Ang tagal mo namang dumating Ash! Kanina pa kami nagaantay dito oh!" Tinignan lang ni Ash si Math atsaka dumiretso na sa bukana papasok ng school.

He's Joash Kade Mendel. Josh pronounciation ng name niya kaso ang pangit daw kaya Ash nalang para daw cool. Isa pang dahilan ba't ayaw niya sa Josh kasi marami siyang kapangalang panget. Lahat naman ng Ash sa school gumawa ng sariling nickname kasi ayaw ni Ash na may kapangalan.
Tas ako tawag nilang tatlo sakin 'lights' kasi LED daw initials ko putspa.

Pagkapasok namin may humarang na magandang babae.

Okay na sana eh! Maganda na eh! Kaso mukhang nasa 3-5 yrs old palang! Tsk nakakadisappoint akala ko pa naman may makikita akong chics ngayong araw.

"Are you studying here?" The little girl asked while smiling. Waaah ang cute. Mahilig ako sa mga cute.

Sana may ate to'

Sana may ate to'

Sana may ate to'

Paulit ulit na hiling sa sarili. Siguro cute din ate niya noh? Kung meron man haha.

Pareho kaming tumango ni Math sa tanong nung bata habang sila Ash at Christian walang pakealam at nakatingin lang.

"She's my mom" she said and gave us a 2x2 picture.

Teka mukhang pamilyar ang mukha atsaka bata pa.

"Are you lost?" Habang tinitignan ni Math yung nasa picture.

Si Christian  naman mukhang interesado na dahil tinitignan din niya yung picture at habang si Ash naman ayun, walang pake. Mukhang dalaga pa talaga eh, siguro maagang nabuntis.

"Nope. My mom is. She entered the school because she's going to study here, and she left me here"

"So what's your point on giving us her photo?" Ash said while looking at the little girl

"That please remember her, bye!" She said atsaka bumalik na sa guard house at naupo.

Ashley's POV

NAPABUNTONG hininga ako nang makalabas na ako sa faculty. Kakatapos lang ng exam at interview.

Hawak ko sa kanang kamay ko si Aaron at pabalik na kami ng guard house para sunduin si Amber at umuwi na, nang may humarang sa dinaraanan namin.

Bakit ba palagi nalang nila kaming hinaharang?

"Hi Miss! do you know where the auditorium is? Btw I'm Marco" sabi ni kuyang pacute

I gave him a cold look "Dumiretso ka dun tapos punta kang kanan" while thinking kung tama ba ang mga pinagsasabi ko

"Hindi dun ang auditorium baka naman yun ang daan patungong puso mo miss?" end with a qoute 'miss' na para bang gustong tanungin ang pangalan ko

Eh paano niya nalamang hindi dun ang auditorium kung siya mismo ang nagtatanong tsk. pakboy to gustong tsumamba may papick up pick up pang nalalaman

"Sige dumeretso ka dun sa puso ko at kapag nahanap mo dun pakisabi balikan niya na ako kasi kasama niya yung hinahanap kong pake ko"

Iniwan ko siya doon at hinila na si Aaron na nangungulangot parin hanggang ngayon

NANG makauwi na kaming tatlo ay nagtataka parin ako dahil nang sinundo namin si Amber sa gate eh wala itong kareareaksyon, hindi nagalit o anuman dahil iniwan namin siya

"Amber are you hungry?" I'm trying to make a conversation with her kasi nakakapanibagong ang tahimik niya

"Nope ate" huwaaw

she then gave me a small plastic

"You left it with me nung nasa guard tayo" the plastic contains only 1 picture...

limang piraso to ah?!

Lies Between The Both Of UsWhere stories live. Discover now