Chapter 1

6 2 0
                                    

          Kasalukuyang kumakain magisa at nagbabasa ng libro si Sunny sa cafeteria nila. She is in her grade 8, 4th quarter studying in a University. Naging pursigido siya sa pag-aaral pagkatapos iyakan ang kaisa-isang lalaking gusto niya. Simula tumungtong siya sa unibersidad na iyon ay nagustuhan na niya ito. Magkaibigan sila, alam naman nito na may gusto siya ngunit humahanap parin ito ng iba. Sinong hindi masasaktan kung andyan ka para sakanya pero 'yung atensyon niya nasa iba?

          Nag-aaral siya magisa dahil may ginagawa ang dalawa niyang bestfriend, tumutulong sila sa leader ng grupo para sa isang presentation mamaya sa subject nilang Araling Panlipunan. Next week na ang Quarterly exam nila kaya pinaghahandaan na niya ang sarili. Hindi siya matalino pero may alam naman siya. Kaya naman niyang magka distinction kaya panigurado ay kaya niya pang taasan 'yun.

          "Ate, pwede ba ako makisabay kumain sa'yo?" Napatigil siya sa pagbabasa niya sa libro dahil may kumausap sa kanya. Hindi niya kilala ito pero pamilyar siya sa itsura, taga class 3 ito.

          Nginitian niya ang babae bago inilagay ang iba pa niyang libro sa katabing upuan. Apat kasi ang upuan na andun. Kusa namang umupo ang babae at inilapag sa lamesa ang platong may pagkain, adobo ang ulam nito.

          "Taga class 3 ka diba? Kilala mo ba si Nicole?", tanong ni Sunny sa babae. Nginitian siya nito bago tumango at sumubo sa pagkain niya. Nagpatuloy narin siya sa pagkain.

          "Si Nicole, bestfriend ko 'yun! Ano nga pala pangalan mo?" At sumubo ulit ito. Natawa nalang siya dahil ang bilis nitong kumain at madami sumubo. Sa ganung paraan ay nakikita niya ang sarili sa babae.

          "Sunny. Just call me Sunny. Ikaw?", tanong niya. Sumubo siya sa pagkain niya, liempo ang ulam niya.

          "Bridgette Pauline M. Kiloy. 'Wag na 'wag mo kong tatawaging Pauline" at tumawa nito. Nginitian niya si Bridgette. Nagtanong tanong siya. Nagkwentuhan at kinilala ang isa't isa.

          "Add kita sa facebook mamaya. Ano pangalan mo?"

          "Sunny Quinto" Tumawa naman si Bridgette dahil sa pangalan ni Sunny. Alam na agad ni Sunny kung bakit ito natawa bigla.

          "'Wag mo akong pakantahin dahil mas magaling ako kumanta kay Angeline Quinto" Lakas loob nitong sabi at umaktong proud na proud sa sarili. Mas natawa naman si Bridgette dahil dun.

          "Parang kilalang kilala mo na ako ah. Alam mo agad kung bakit ako natawa" Nagtaas baba ang kilay ni Sunny na nangangahulugang 'ako pa' o 'syempre naman'.

          Ilang minuto lang silang nagkakwentuhan ay parang dating dati na sila magkakilala sa sobrang komportable nila sa isa't isa. Habang naglalakad silang dalawa papunta sa kanya-kanya nilang seksyon, kumakain parin sila, parehas pala silang mahilig sa hotdog na may ketchup. Nagkwentuhan lang ulit sila at si Bridgette naman ang nagtanong kay Sunny.

          "Ano nga pala full name mo? Madaya ka ah! Buong pangalan ako nagpakilala sabay ikaw facebook name lang", parang nagtatampong sabi ni Bridgette na ikina kunot noo ni Sunny.

          "Shayra T. Quinto. Ampangit eh! Kaya 'wag mo kong tatawaging ganun" pagbabanta ni Sunny. Nagkunwari namang natakot si Bridgette sa sinabi niya. "Oh, so scary Shayra" at tumawa ito.

          "Seryoso Pauline, para kasing inaasar ako kapag tinawag akong ganun"

          "Ay walang ganyanan. Joke lang eh" Tumawa na nga silang dalawa habang ngumunguya pa ng hotdog at naglalakad kasama ang mga iba pang estudyante ng unibersidad.

          Nang makarating na sila sa tamang floor ng kanilang seksyon ay tumambay muna si Sunny sa class 3 upang makita si Nicole. Close ang dalawa dahil dati silang magkaklase at dahil narin 'kapatid' ang turing nila sa isa't isa.

          "Nikooool! Omg ate! Kamusta ka na?" Nagyakapan agad silang dalawa. Naiwan tuloy magisa si Bridgette dahil sa ginawa ng dalawa.

          "Grabe ka Sunny! Bestfriend ko 'yan! Akin lang siya!" Hinigit naman ni Bridgette si Nicole. Humawak lang si Sunny sa braso nito. "Ate ko siya!" Natawa nalang si Nicole sa mga nangyayari.

          "Sunny, bunso. Bridgette, bes. Kailan pa kayo nagkakilala?" Tumingin sila kay Nicole nang tawagin ang mga pangalan nilang dalawa. Nagkatingin si Sunny at Bridgette dahil sa tanong ni Nicole. Sabay nilang sinagot ang tanong ni Nicole, "Kanina lang sa cafeteria"

          "Diyos ko po, para kayong kambal" sabi ni Nicole. Nagkatinginan ulit ang dalawa sabay hawak sa mga mukha nila.
         
          "No! It can't be! Maging kamukha ko na si Angeline Quinto 'wag lang 'yung babaeng ito!", pag dadrama ni Sunny na ikinainis ni Bridgette.

          "Ay wow Shayra, just wow. Ang corny mo, 'lam mo 'yun?" Inirapan ni Bridgette si Sunny. Tumatawa lang si Nicole dahil sa kanilang dalawa.

          "Bahala na nga kayo d'yan! Hahahahaha! Ay bes, 'yung libro ko ibalik mo na sa'kin"

          "Libro? Nangongopya ka Bridgette?" Tanong ni Sunny. Parang walang narinig si Bridgette na nagsalitang Sunny. Dumiretso ito papunta sa upuan niya at kinuha ang libro galing sa loob ng bag at binigay kay Nicole.

          "Oo, may nakatayong Sunny sa sahig na 'to" tumango-tango naman si Bridgette. Dahil sa inis ay hinampas ni Sunny sa braso si Bridgette. Nasaktan si Bridgette pero tumawa lang si Sunny dahil sa naging itsura nito.

          "Ang pangit mo, Bridgette! Hahahahaha!" Malakas nitong tawa. Tumawa na lang rin si Bridgette at si Nicole. "Grabe ka sa'kin, Sunny" binelatan lang ni Sunny si Bridgette at tumawa ulit.

          Hindi na namalayan ni Sunny ang oras. Buti nalang ay narinig nila sa isang kaklase nina Bridgette at Nicole na malapit na matapos ang lunch break nila. Nagkaroon tuloy ng plano si Bridgette para gumanti kay Sunny.

          "Oh Sunny, narinig mo ba 'yun? Lumayas ka na sa pamamahay ko. Layas! Sige na!" Tinutulak pa nito si Sunny palabas ng pintuan nila. Nagpapadala naman si Sunny.

          "Oo na po, labs ko. Basta uwi ka sa'min ah? Mwuah!" Ngumuso pa ito na parang gusto humalik ng tao. Lumukot ang mukha ni Bridgette dahil sa sinabing 'yun ni Sunny. Natawa lang si Sunny at umaktong nasusuka. "Kadiri! Shit! Hahahahaha!" Ang tanging nasabi ni Sunny bago pumunta sa katabing classroom. Binuksan nito ang pintuan at sumilip sa seksyon nina Bridgette, nakasilip rin pala si Bridgete sa seksyon nina Sunny. Magkaharap silang dalawa habang yakap-yakap ang pintuan ng kanilang classroom. Nagtawanan ang dalawa bago nila naisipang pumasok na ng tuluyan sa loob ng kanilang classroom.

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon