CHAPTER 7

16 6 17
                                    


✖XAIRE'S POV✖

"Kitakits nalang Riri! Mmmuaaahhh!"

"Yuck! May paflying kiss kapang Alam! Eww!"

Tumawa lang sakin ang bruhang Jillian at lumakad na papalayo. Lumingon pa ito at kumaway.

Akmang maglalakad na ako nang bungguin ako ng di ko kilalang estudyante na naging dahilan nang pagkakaplakda ko sa sahig. -_-

Shitinginer!

Nagtawanan ang tao sa paligid.

"Ops! Haha Sowrreh! I didn't mean to bump yah."

She's wearing a super miniskirt, a super fitted blouse. And she look like a brat. -_-  Muka syang Kuto!

Tumayo ako at bahagyang pinagpagan ang sarili.

Halata namang sinadya na yon. Napapikit na lang ako sa pagtitimpi. Ayoko namang magtransform na monster. Di literal. Pero Demonyita talaga ako kapag galit. Nananapak ako. Huehue

"Ahh. Talaga?" I said prolonging the word 'talaga'. Nagtitimpi pa ako neto. Kasi kung hindi, baka may blackeye na sya kanina pa.

Mukha namang nairita sya dahil sa paraan ko ng pagsasalita. Tinaasan nya ako ng kilay. Aba. Mukang Matapang si Kuto ah.

"You're so tatanga-tanga kase eh! At bagay lang yan to you because you're a Freaking Flirt!" Sigaw ni kuto.

What?! Flirt?!

"Flirt? Sino naman ang Nilandi ko?"

"Ha! Nagtatanong ka pa?! Playing innocent, eh? E kitang kita ng lahat ang panlalandi mo sa campus crushes!"

What?! Kingina!

Di ko sila nilandi ah! Alam Kong mukha akong dyosa at seductive ako. Okay, Dyosa nalang.  -_- Alam Kong Dyosa ako, Pero kahit kailan di ko ginamit ang kagandahan ko para makipagflirt! Wtf?

Magsasalita na sana ako ng may bumato sa ulo ko. Shit!

Masakit yon ah!

Napahawak ako sa parte na tinamaan at ewww! Ang lagkit. Itlog 'to! Shit!

Napalingon ako sa bumato non at nakita ko ang mga estudyante na nakapalibot sa amin ni Kuto. Hindi ko tuloy ma identify Kung sino sa kanila ang bumato.

Mukang napagkakaisahan ako.

Binalik ko ang tingin Kay Kuto. Tss! Naka ngiti pa ang bruha. Nakakairita talaga ang mukha nya. Unang tingin palang Alam mo nang di gagawa ng mabuti. Mukha syang kontrabida sa pelikula. Tch!

Magsasalita na sana ulit ako ng may bumato na naman ng itlog sa ulo ko. Sa sobrang inis ay humarap ako sa kanila. Agad Kong pinagsisihan ang kinilos ko. Dahil sa mismong mukha ko tumama ang itlog. Pikit mata Kong pinunasan ng kamay ko ang mukha ko.

Pero nagsunod-sunod ang pagbato nila sakin ng kung Ano-ano Kaya napayuko na lang ako habang sinasalag ang binabato nila. May mga  Papel na nilamukos, Plastic bottle, Kalat, at kung ano-ano pa! T_T

Mukha na akong basura! Shitinginer talaga! Mukhang minamalas ako ngayon ah?

Matapos nila akong pagbabatuhin ay biglang nagsalita si kuto.

"That's what you get! Don't you dare to flirt with them! Or else... Alam mo na." sabi ni kuto

Umirap pa ito sakin bago tumalikod at umalis. Tch!

Ngayon ko lang naranasan ang mabully ng ganito. Sobra naman sila. Mabuti sana kung panunukso lang ang ginagawa nila. Kaso pinipisikal na nila ako dahil lang sa nakausap ko at tinarayan ang campus crushes. At yon ang hindi ko matanggap. Bad trip talaga!

My not so Typical GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon