Chapter 2: Have fun

17 1 0
                                    

Chapter 2: Have fun

Hannah’s P.O.V.

Three days. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung dinalaw ko ang puntod ni Luhan. Kasalukuyang nakatulala ako ngayon at nag-iisip isip nang biglang pumasok ang mga impakta kong mga kaibigan, oo tama narinig niyo impakta! Haha. Eh kasi ba naman basta bastang pumapasok ng kwarto ko at kung magsisigaw ng ‘Hannah’ akala mo nakita akong nakabigti, sa sobrang gulat tuloy nahulog ako sa pag kaka Indian seat ko sa upuan ng study table ko. -_-

“Oh Hannah, ilang isda ang nahuli mo?” sabi ni Sandra sabay tawa ng malakas.

“Ano ka ba Hannah, ang laki-laki ng kama mo tapos jan ka pa humihilata sa sahig.” Bugtong pa ni April.

“Laki lang, pag laki-laki iba na yun.” Pamimilosopo ni Rona sabay ngiting painosente.

“Bat ba may mga tama sa utak ang mga kaibigan ko, eh normal naman ako? Haay, siguro para balance.” Sabi ko.

Sila naman ay umarteng nabubulunan. Haay, di nila siguro kayang tanggapin na normal na nilalalang ako. HAHAHA! Dami kong tawa oh.

“If waking up in the middle of the night just to eat a nutella sandwich, edi normal ka nga!” sabi ni Rona ng naka thumbs up with proud smile.

“At kung normal ang gawing lullaby sa pagtulog ang mga Barney songs sa edad mong yan, oo normal ka nga talaga.” Dugtong ni April na naka poker face.

“At kung normal ang makipag tea party sa mga teddy bear mo, grabe 100% normal ka na talaga!” tuloy pa ni Sandra.

“Hoy! Wag mo ginaganyan ang nutella, ang sarap kaya! At yung sa barney songs, kasalanan ko ba na nakakatulog ako sa mga kantang yun. At sa tea party, nainggit lang ako sa kapit bahay naming naglalaro ng tea party at enjoy na enjoy siya gusto ko lang naman maranasan yun eh.” I said while sticking out my tongue to them habang sila naman ay busy na busy sa kakatawa.

“HAHAHA! Oo na lang.” sabi ni Rona.

Nakalimutan kong sabihin sa inyo, kaming apat na lang ang natitira sa mga mag kakaibigan. Nagsi migrate na kasi sila sa ibang bansa, pero may plano naman kaming apat na mangibang bansa di lang muna ngayon. Sa iisang bahay na rin kami nakatira because as I quoted what my mom told me: “Anak, you need to be independent okay? Kaya LAYAS! Haha joke love you anak.” Haay. 4th year college na ako at part time waitress sa isang cute na bake shop, ang sarap magtrabaho dun kasi ang mag kaibigan na granny at ako lang ang nagtatrabaho dun.

“Ano ba kasi ginagawa niyo dito, ang ganda na ng moment ko dito eh.”  Pabirong parereklamo ko.

“Gala tayo dali!” Pangyayaya ni Rona.

“Tinatamad akooooo.” Pangdadahilan ko.

“Dali na Hannah! Di ka ba nababato dito?” tanong ni April.

“San ba kase?” tanong ko.

“Sa ENCHANTED KINGDOM!!” sabi ni Sandra na punong puno ng ka excited-an.

Hindi na nila ako binigyan ng chance makapag-isip dahil dali-dali nila ako kinaladkad sa banyo, di ako OA, talagang kinaladkad ako ng mga bruha sa banyo, kaya pinabayaan ko na lang sila.

--

Pagtapos ko maligo lumabas ako ng banyo at deretso sa kwarto ko, pagdating ko sa kwarto ay wala sila pero inihanda na nila ang susuotin ko. Alam kasi nila na pag tinatamad ako, kung ano ang una kong mahawakan sa wardrobe ko, ay yun ang susuotin ko, nangyari na rin kasi yan dati. haha!

-Flashback-

Papunta kami nila Sandra, April at Rona sa isang night club. Ewan ko ba sa mga babaeng to at maghahating gabi na tsaka nagyaya mag bar. Grabe tinatamad talaga ako, pilitan ba naman ako sinasama eh diba kidnapping yun? Hay nako Hannah! OA much? Pagtapos ko mag bihis ay bumaba na ako at sabay punta sa living room kung asan sila.

“Hannah, ano ba yang suot mo?” tanong ni April.

“Bakit anong problema sa suot ko, eh damit naman to ah!” pangrereklamo ko.

“Sira ka talaga! Bar pupuntahan natin, hindi sleep over party!” sabi ni Sandra.

“ok lang naman suot ko ah.” Sabi ko.

“Anong ok sa pagsusuot ng pajama short at oversized sweatshirt?” panggagalaiti ni Sandra.

“Haha! Hay nako Rona samahan mo nga si Hannah mag palit ng damit, pilian mo na rin ng bagay sakanya bago pa sumabog dito si Sandra.” Sabi ni April.

-End of Flashback-

Napapangiti parin ako tuwing naaalala ko yun. Habang lunod na lunod parin ako sa sarili kong mundo biglang – “HANNAH! BILISAN MO NA NGA! GUSTO KO NA MAG E.K.!” pangrereklamo ni Sandra.

Tinignan ko ang pinili nilang damit para sakin. Isang red jeans at black and white stripes along with my white sneakers. Oh diba, Taylor Swift ang peg. Dali dali kong sinuot ito at inayos ang buhok ko at ginawang high ponytail para complete Taylor Swift ang peg at ang aking natural make up na foundation, mascara at red lipstick.

--

After our long ride to EK ay sa wakas andito na kami. At di na kami nagpaligoy-ligoy ni Sandra dahil dali-dali kaming pumunta sa entrance at pumunta sa cashier para mag require ng ride all you can.

“Tara dun tayo!”

.

.

“Tapos sunod yun!”

.

.

“Ay ang ganda nun, sakay tayo dali!”

.

.

“Lika ang saya dun!”

.

.

“Ang sayaaaa!”

.

.

“Dun naman tayo, pleaaase.”

.

.

“Haay, maya na konti pahinga muna tayo.”

After so many rides, nagpahinga muna kaming apat. Kasalukuyang nakaupo kami dito sa bench

“Tara hanap tayo ng gwapo.” Pabirong sabi ko.

“Asus, hanggang tingin ka lang naman eh.” Banat ni April.

“Don’t you think it’s time?” Tanong ni Rona.

“What do you mean ‘it’s time’.” Sabi ni Sandra with air quotations.

“To move on with your life. Kaya ka naming niyaya dito, para mabuhay ka uli, c’mon have fun. You have the right to be free; you can have fun and don’t care of what other people says.” Pangaral ni Rona.

“Haay. Heart to heart talk na naman, ikain niyo na lang yan. Tara bili tayong pagkain.” Pang-aaya ni April.

After naming bumili ng pagkain ay bumalik na kami sa pagsasakay sa mga rides, di rin nagtagal ay napagod na kami ng tuluyan kaya dumeretso na kami ng bahay.

-:-:-:-

A/N: Sorry kung ngayon lang po nakapag update :3 Dinagsa po kasi ako ng katamaran. HAHA! Hope you enjoy this part. (:

Fan, Vote and Comment (:

The fresh startTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon