Chapter 1

7 1 0
                                    

--------------------
Lara Hermeighn's POV


"samahan mo na kase ako magpaenroll!!!" aniya ko

"ehhh ano ba 'to, ang aga aga 8:00 pa lang ho ng umaga ate!!" sagot pabalik sakin ni Harley

nandito ako sa bahay nila Harley, pagpasok ko pa lang sa bahay nila ay bumungad kaagad sakin ang mala Mansyong bahay malaki din bahay namin pero di naman ganto kalaki kumbaga sakto lang saming magkakapamilya, well di naman na ko magtataka kung bat ganto bahay nila dahil yung mama at papa nya lang naman ay isang sikat na bussiness man at woman.

"Bumangon ka na kase dyan, para ka namang prinsesa dyan e Harley"  sabi ko

"oo na eto na ho ate gurl, aga aga kase e, maghintay ka jan!!! bat kase ako pa yung pinuntahan pwede namang sila Yamada harojusko ka LARA HERMEIGHN!!" Pag iinarte ni Harley

"e kase naman ho nakalimutan mo na ho ba na nag out of town sila? alugin ko nga utak mo jan Harley nang magising sa katotohanan" pambabara ko sa kanya

"andami mong sinasabi jan manahimik ka na nga, maliligo na nga e diba? diba?!" pagsigaw ni harley sakin

abat sinigawan pa ko, langya talaga tong babaita na to, makababa na nga lang at makisabay kila tita magBreakfast hehe

3years na kaming magkakaibigan nila Harley, Yamada, Suzuki at Cleira. Simula First year kami na talaga magkakaibigan and now Turning 4th year na kami at Makakagraduate na. Sikat kami sa school na pinapasukan namin, di naman sa sinasabi kong kagandahan kami pero ganon na din hahahahahaha.

"oh Hermeighn kumain kana ba?" ani ni tita Elisse

"ahmmmm opo kaso kung aalukin nyo ko kakain po ako hahahaha" sagot ko

"oh eh kumain kana, maraming pagkain na niluto si manang baka di rin namin maubos ni Jeff at Harley" pagaalok na ani ni tita

"tita, asan po si tito Sean? bat po ata kayo lang ni Jeff nandito kumakain?" tanong ko

"e si Sean kase nasa office nya may ginagawa para sa business na pinagkakakitaan namin kaya inaasikaso nya muna" sagot naman nya

" Hi Jeff, How are you? i heard na Magbibirthday ka na daw this coming May 28? ilang taon kana?" tungo ko sa nakakabatang kapatid ni Harley

"Ate Hermeighn, naalala mo? hihi idol talaga kita ate, im turning 14 this coming 28 ate, 16 days to go ate hehe, gift ko ah? palambing ni sabi ni Jeff

"oh sure yun lang pala e" sagot ko at nagpatuloy na kami sa pag Kain

*after 1hour*
tapos na ko kumain at nagawa ko na ring tumulong maghugas ng pinggan nila manang pero hanggang ngayon ay di pa rin bumababa si Harley kaya napagdesisyonan ko na umakyat ulit sa kwarto nya.

----knock! knock!----

" Hoy harley!!! ano na? isang oras na ko naghihintay dito hanggang ngayon di ka pa bumababa!!" pasigaw na sabi ko

"teka nga lang aba inaayos ko na lang buhok ko!!" pasigaw din na sagot nya

pumunta ako sa sala nila at umupo muna ako sa sofa

*after 30 mins* pagaayos lang ng buhok inaabot na ng 30 mins si Harley di naman kami pupunta ng Party e mageenroll lang kaya kami

"ohh tara na!!" aya ni Harley

"ang tagal tagal tagal tagal mong babae ka" inis na tungo ko

"e bakit ba?! parang di babae tong hayop na to!" inis din na tungo nya sakin

"osya tara na!" anyaya ko din sa kanya

"papahatid ba tayo kay manong? o commute tayo? " tanong ko sa kanya

"aba gusto mong mamanyak babae ka? magpapahatid tayo kay manong, ayokong makuha birhen ko noh!!" oa na tungo nya

"ang oa mong babaita ka!!!" sabi ko

sumakay na kami kay manong at nagpahatid sa campus 

Author's note
Ahmmmm bagohan pa lang po ako kaya kung may mga mali na nalagay sa prologue aayusin ko na lang po, eedit ko pa po hihi
ENJOY READING PO

I Fell In Love with My SchoolMateWhere stories live. Discover now