**Waaaah nakakabaliw. diko alam kung maganda ba 'to. o hindi**:) anyways emjoy
"Grabe naman tong batang ito, ako ang nahihirapan sayo!"
"Near-sighted ka?"
"Naaawa ako sayo..."
"Ba't di ka magsalamin?...."
Ang mga linyang yan ang madalas sabihin sakin ng mga nakakahalubilo ko sa araw araw simula nang ako'y magkaroon ng muwang sa mga nangyayari sa aking paligid hanggang ngayong ako'y nasa kolehiyo na.
Ako nga pala si Darwin Bryan Montenegro. 19 na taong gulang at kasalukuyang nagaaral sa isang unibersidad sa Intramuros.may tamang tangkad, maputi (sabi nila pero hindi ko ramdam), at masasabi mong may ibubuga pagdating sa itsura pero merong isang bagay ang nakakalimita ng mga pwede kong gawin. yoon ay aking malalabong mga mata.
Congenital na bagay ito ayon sa aking mga magulang, dahil daw sa pre-mature ako (kinulang ako ng 3 linggo) ay ito ang naapektuhan, madaming beses nadin ako nagpabalik balik sa mga espesyalista ngunit wala talagang makatuloy ng aking karamdaman kaya napilitan na lamang akong gumamit ng "monocular" o "largabista"(pero yung maliit lang.)
pero ang kwento ay di tungkol sa malabo kong mata, ang kwentong ito ay tungkol sa akin.
--------------------*
Sabi nga nila, ang mga kabataang nasa High School ay nagsisimulang magrebelde o gumawa ng kung anu anong mga bagay pag tungtong nila sa ikatlong antas ng HS at dahil normal na tao ako, hindi naman ako magpapahuli sa ibang mga estudyante, anjan yung nasubukan konang manligaw tapos kung kelan nahulog na sakin saka ko iiwanan dahil lilipat ako dun sa sinulot kong girlfrirnd ng kaibigan ko, nagpapaiwan sa room para gumawa ng milagro, mang two time, umuwi ng gabi dahil sa barkada at kung anu ano pa. Pero syempre, hindi yun natatapos sa HS. sayang naman ang itsurang ipinagkaloob kung hindi natin to gagamitin diba?......................
"oh Libertad! Libretad! May Bababa?" tanong ni manong driver na puro PATANGO, IBABA, KWATRO, BIGBIKE, KALABAN, SUPPORT, SUNDOT, TAKTAK, PAMETRO at kung ano anong code ang sinasabi.
kasalukuyan kasi ako ngayong bumabyahe papuntang Maynila.
naalimpungatan ako sa boses ng driver. medyo nainis eh sayang naman kasi yung tulog ko?
**gawain kona kasing matulog sa Van pag pumapasok, unless may kailangang aralin habang bumabyahe**
Lunes ngayon kaya mahaba ang byahe pero makalipas ang halos 2 oras na byahe, ay nakarating nako sa may Lawton, ang sikat na sakayan at babaan ng mga katulad kong taga-timog.
Habang naglalakad papuntang UnderPass ng walang bahid ng pagmamadali, naisipan kong magtext.
since malabo nga mata ko, as in napakalapit ng cellphone ko sa mata ko. Loteral. halos 2 pulgada lang ang layo pero anyways, balik tayo sa kwento.
**lakad, text**
"BOOOG!**
++ay shit! Sorry Miss!++
yun nalamang ang nasabi ko sa nakabangga kong babae, maganda sya, medyo napatitig ako ng matagal
**Nakakahiya ! Nakakahiya! angtanga tanga mo! clumsy! bawas pogi points yan!** Ito na lang ang tumatakbo sa isipan ko nung mga panahong iyon.
"Okay!" mataray na sagot nung babae habang naglakad pabalik sa pinanggalingan ko
"ang sungit naman nun! ay malelate nako, mamaya na isipin ang dyosang iyon! hihi"
**criiiiiiiiiiing criiiiiiing***
Tapos na ang huling klase pero kailangan pa naming maiwan dahil sa tutorial ng mga major subjects namin.
BINABASA MO ANG
Safeguard
Short StoryKung masasaktan at masasaktan kalang din naman, magmamahal kapa kaya?