naiwan na nga kaming dalawa sa dulo ng resort.
kinakabahan ako. should I make a move? eto na ba talaga to?
para kaming tanga. tingin ko mga 30 minutes lang kaming magkatabi nawalang ginagawa nang biglang
"Bakit mo ko mahal?" ang tangi kong narinig mula sa magaganda niyang labi.
"Kailangan paba ng dahilan pag nagmamahal ka? hindi ba pwedeng mahal kita bilang ikaw lang? bilang isang taong nakatawag ng pansin sakin? bilang si Marinella Aguenas? "
nakatitig lang ako sa kanya. magkalapit na ang aming mga mukha, pakiramdam ko nun yun na yun. nang biglang......
"Huy ano ginagawa niyo dyan!"
"Hoy darwin! bata pa yan"
**-.- mas matanda sua sakin.hahaha**
"kayo ha!"
"Get a room!"
peste tong mga to. wrong timing talaga eh. tssss. Badtrip.
"wala! tara inuman na!" pagmamadali ko.
natapos ang inuman kahit nangangalahati palang ang emperador na binili namin ay nagwala na si JMH at umiyak na si ate Rissa.
ako naman ay medyo hilo kaya naisipan konang matulog.
wala nakong alam sa paligid ko. ang alam kolang, nung mismong oras at pagkakataong iyon ay iniisip ko padin si Mari.
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-..-.-.-.-.-.-
madaling araw,
nagising ako sa sobrang pangangati ng aking buong katawan.
**allergic ako sa alak. pero umiinom padin ako**
alam ko nilalagnat nako dahil sobrang nanginginig nako sa sobrang ginaw.
matutulog na sana ako pero may nakatawag ng aking pansin. sa tapat ng aming cottage ay may babaeng palakad lakad. masyado akong naawa kasi si Mari yun. at alam kong wala pa siyang tulog dahol sa pagaalaga sa amin.
di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero lumapit ako sakanya.
"peram jacket" pagbubukas ko ng conversation.
"oh sige matulog kana" sabi nya
"samahan moko. "
naglakad kami papasok ng cottage.
"matulog kana.nilalagnat kaba?"
"hindi ko alam..Mari......"
"Oh? matulog kana .gusto mo ba akong kumuha ng gamot?"
"wag na. Mahal kita." habang nakapikit at nakatungo.
"Alam ko naman yun eh kasoo...."
"kaso ano? dahil friends lang tayo? kasi tingin mo sakin bakla??? kaya ka humindi kasi dimo alam kung ano isasagot mo? Eh bat ka kasi umOO?????" sagot ko sabay tingala.
"Kelan ako umoo? sinabi koba sayo through text? call or what? ano sabihin mo!" pasigaw nyang sabi sabay iyak.
"bat ka umiiyak? "
"paulit ulit nalang kasi. nakakasawa na yang tanong na yan!"
naalala ko ang lahat. kaya diko nadin napigilan sarili ko na pigilan ang luha ko
"bakit? tingin mo ikaw lang? hindi mo ba alam na ako din nahihirapan? kahit sabihin mo na friends lang tayo ng paulit ulit. kahit na lagi nababasag tong puso ko sa mga sinasabi mo hindi mo ba alam na lagi ko lang tong binubuong muli? na nagmumukha nakong tanga kasi mahal kita! alam ko malabo mata ko pero litong lito nako kasi kahit anong pasakit ang gawin mo sakin mahal na mahal padin kita. kahit sabihin kong ayoko na, after ng ilang oras, andyan nanaman ako, namimiss kita? bakit hindi mo ba maintindihan yun? Sorry Ha! Sorry kasi minahal kita! sorry kasi dahil sakin napaka komplikado na ng buhay mo. sorry kasi ang labo labo ng mata ko at ikaw pa napili ko. sorry kasi malambot akong kumilos kaya mukha akong bakla sayo! sorry kasi ikaw lang sinigigaw nitong puso ko!"
niyakap niya ako sabay sabi "Sorry"
hindi ko na alam ang nangyari sa paligid nung mga panahong iyon pero ang alam ko, nasabi kona sa kanya lahat ng nararamdaman ko.lahat lahat. at alam ko din. na hindi lang kami ang nakakaalam ng usapang iyon
----------------------------
Author's Note:
sorry ang corny.hahaha first time ko natripan gumawa. matagal konang sinusubukan pero diko inuupload pero kayo nalang humusga xD salamats.
DBM
BINABASA MO ANG
Safeguard
Historia CortaKung masasaktan at masasaktan kalang din naman, magmamahal kapa kaya?