Chapter 26

16.2K 211 18
                                    


Pagkatapos ibigay ni Jeremy ang kondisyon nito upang pumayag itong magpanggap silang maayos ang kanilang pagsasama sa harap ng ama ay tinalikuran niya ito sa inis at galit.

"Anong akala niya sa akin? Pagkatapos ng lahat ng nangyari? Sino siya para humingi ng anak?" inis na sambit niya ng magisa na lamang siya sa loob ng isang kwarto na basta na lamang niyang pinasok.

Humiga siya sa kama dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nahapo. Ilang minuto pa lamang siyang nakakahiga ay narinig na niya ang tunog ng kanyang celfon. Nang makitang ang kapatid niyang si Nato ang tumatawag ay dali dali niyang sinagot ito.

"Hello kuya?"

"Carmen! Asan ka ba? Pumarito ka sa ibaba ng bahay niyo."

"Ha?!"takang taka siyang napatakbo palabas ng silid at pababa ng bahay.

Natulala siya ng makita ang tagpong naghinhintay sakanya. Kumpleto ang kanyang mga kapatid na kasalukuyang pumapasok pa lamang sa loob ng bahay. Kasama rin ng tatlo niyang kuya ang kanyang mga hipag at mga pamangkin.

"Carmen!" halos sabay sabay na sigaw ng mga kapatid niya at tumakbo ang mga ito upang yakapin siya.

Hindi na niya mapigilan ang maluha. Miss na miss na niya ang kanyang mga kuya.

"Aba mas lalo kang gumanda a?" Bati sakanya ng ate Jeng niya.

"Nahiyang sa London e, kaya nga kawawa naman itong si bayaw at matagal na malamig ang mga gabi." kantiyaw ng kuya Nato niya kay Jeremy na nakatayo sa isang gilid at pinagmamasdan lamang sila.

Nagtawanan naman ang lahat ng nandon na kinabugla niya kaya siya namula.

"Di bale, babawi ako ngayong nandito na siya." nakangiting saad ni Jeremy habang inaakbayan siya. Namula pang lalo ang kanyang pisngi at lumakas ang tawa at mga tukso ng kanyang mga kapatid.

Ipinaghanda ni Jeremy ang mga kasambahay ng midnight snacks sa gitna ng kamustahan nila. Nakakapagtaka para sa kanyang mapagmasdan na mukhang malapit na malapit na ito sa mga kapatid. Nalaman pa niya na ito ang nagpasundo sa kanyang pamilya upang makita siya at madalaw ang itay.

Dahil lumalalim na rin ang gabi ay nagpasya siyang bukas na lamang bigyang linaw ang lahat. Kanya kanyang pulasan na sa iba't ibang guest room sa bahay ang mga kapatid. Nawalan siya ng choice kundi ang pumasok sa silid kung nasaan ang asawa.

Pagpasok niya sa silid ay wala pa si Jeremy. Dali dali siyang pumasok sa loob ng walkin closet na nakita niya. Nagulat siya na bukod sa mga damit panglalaki ay madami ding damit pangbabae dito, mula sa simpleng pambahay hanggang sa magagarang pangalis. Madami ding ibat ibang uri ng sapin sa paa na lahat ay sukat sakanya. Sa kabilang gilid naman ay may iilan siyang bag na nakita na halos makapagpalaki ng kanyang mga mata.

Those were not just bags, longchamp, berkins, louisevuitton ang ilan lang sa nakikita niyang tatak. The bags alone must have cost a fortune. Nakakita din siya ng maganda at malaking puting dresser with vanity mirror sa loob ng walk in closet, nang lumapit siya doon ay nakita niyang sa kabilang side nito ay mayroon mga pabango ng lalaki at sa kabila naman ay pabango ng babae. Napansin din niya ang dalawang malaking Jewelry box, nang silipin niya ay iilang alahas na panglalaki ang laman ng isa, samantalang ang isa naman ay punong puno ng mga alahas na pangbabae.

His Rough TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon