Her Mystical Revenge 5

117 4 0
                                    

Kath's POV

"Daniel hawakan mo yung bewang ni Kath then sabihin mo yung line mo okay?" Natatarantang sabi ni Direk Joey kay DJ, Kasi kanina pa cut ng cut! Nakakainis. Ayaw nyang umayos -.-

Shinushoot na kasi namin yung para sa tvc naming Toppo.

Aaminin ko,Wala ako sa mood magshoot ngayun. Nakakainis kasi tong katabi ko e, Pinahiya ba naman ako kanina?! Grrr!

Flashback

Niloloko ko lang yung babaing yun na tinawagan ko si Sharlene wahaha,Wala akong load yung prepaid sim ko ngayun eh hindi ata nabayaran.

Teka, tatakutin ko lang tong babaeng to.

"Hello? Sharlene?"

"Yes! Oo si Kath to."

"Hahahaha, your so funny parin until now ha? Haha, Uy sharlene I just want to tell you na andito ako sa restaurant mo? Pico de loro! tsaka may isa ka palang servant na...--"  Hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil inagaw ni DJ yung cellphone ko pero agad ko rin namang nakuha yun kaya sa tingin ko hindi nya napansin na nag fake call lang ako.

"Ano ba Daniel?! may kausap ako!"

"May kausap? Hell Kath! kitang kita ko sa screen mo na wala kang kausap! Kahit number nga wala e!" Pagkasabing pagkasabi nya niyan ay hinila na niya ako papunta sa labas. Putcharagis. Nakita nya?! Huhuhu. Pero akala nya hindi ko papatulan yung pagpapapahiya bya saakin? The fuck! Hindi na ito yung dating Kathryn na mahinhin at hindi palaban! Iba na ako, Ako na si Kathryn Chandria Bernardo version 2.0, Laila Manalastas lang ang peg ko today? Hahaha.

Hindi ko na kaya ang amoy dito sa sasakyan kaya ako na ang nagsalita. Nakakahiya kasi dito sa katabi ko e no?

"Daniel? pano mo nakuhang ipahiya ako sa mga staffs ng restaurant?! How dare you!"

"Sino ka rin para manakit ng damdamin ng ibang tao?".-DJ

"Bakit? parang ikaw hindi nananakit ng damdamin ng ibang tao ah? Mas masahol pa nga yung ginawa mong pananakit sa aming mga nerds-- scratch that word sa aming mga mahilig mag aral dati diba? diba?!" I said to him. Akala nya siguro hindi ko siya papatulan?

Natigilan naman siya sa pag dri-drive nun. Natamaan siguro.

Gago siya eh, Pinahiya nya ako? Natural gaganti ako.

"Past is Past Kath! Nakaraan na iyon at pinagsisihan ko na lahat ng ginawa kong iyon! Lahat ng ginawa ko sa inyo ni Tikoy, ni Bea, ni Alonzo at kung sino sino pa! Pati yung ginawa kong pangtritrip sa inyo ni Miles! Pinagsisihan ko na rin iyon! Kaya sino ka pa--" Natigilan siya sa pagsasalita.

"Oh?! Bat natigilan ka? Sige ituloy mo lang! Akala ko ba pinagsisisihan mo na lahat? Pero hindi parin pala! Ikaw parin yung Daniel na palasigaw! Ikaw parin yung Daniel na lagi akong pinapahiya! Ikaw parin yung Daniel na *sobs*..." tinigilan ko na ang pagsasalita ko, Sa tingin ko hindi pa ito ang oras para aysh hindi hindi.

End of Flashback...

Daniel's POV

"Bakit? parang ikaw hindi nananakit ng damdamin ng ibang tao ah? Mas masahol pa nga yung ginawa mong pananakit sa aming mga nerds-- scratch that word sa aming mga mahilig mag aral dati diba? diba?!"

"Oh?! Bat natigilan ka? Sige ituloy mo lang! Akala ko ba pinagsisisihan mo na lahat? Pero hindi parin pala! Ikaw parin yung Daniel na palasigaw! Ikaw parin yung Daniel na lagi akong pinapahiya! Ikaw parin yung Daniel na *sobs*..."

"Bakit? parang ikaw hindi nananakit ng damdamin ng ibang tao ah? Mas masahol pa nga yung ginawa mong pananakit sa aming mga nerds-- scratch that word sa aming mga mahilig mag aral dati diba? diba?!"

"Oh?! Bat natigilan ka? Sige ituloy mo lang! Akala ko ba pinagsisisihan mo na lahat? Pero hindi parin pala! Ikaw parin yung Daniel na palasigaw! Ikaw parin yung Daniel na lagi akong pinapahiya! Ikaw parin yung Daniel na *sobs*..."

Hanggang ngayon nag flaflashback ang mga yan sa utak ko, Kaya siguro hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko at kaya narin naiilang ako kay Kath.

Naguiguilty ako. Naguiguilty ako sa mga pinagagawa ko kay Kath noon at dun sa kanina.

"Daniel, Ayusin mo na please? para matapos na rin to." She said at kinuha yung kamay ko at nilagay sa bewag niya. Nagulat lang ako nung bigla siyang nagsalita at kinuha yung kamay ko at nilagay sa bewang niya, Gusto ata netong chansingan ko siya ah? Hahaha dejoke.

Smile dito, Smile dyan lang ang ginawa muna namin at tsaka tinake na yung mga acting scenes.

"and cut! Si Kath lang pala ang kailangan magsabi para ganahan eh!" sabi nung camera man.

Nakita ko naman na napa 'tss' si Kath.

Ibang iba na talaga siya sa Kath na kilala ko dati.

"Hello Mommy? Masusundo nyo po ba ako?..Hala, Sige okay lang po makiki sabay nalang ako kay Ate Dhan, bye." Wala nga palang dalang sasakyan si Kath today tsk sabay nga pala kaming pumunta dito.

Alam kong pupuntahan agad ni Kath si Ate Dhan pagkatapos nya mag tanggal ng make-up, Kaya pinuntahan ko muna si Ate.

"Oh, DJ? Bakit napadaan ka dito? *taas ng kilay*". Napaka sungit talaga netong babaeng to ewan ko nga kung bakit eto ang napunta kay Kath na p.a e.

"Sasabay sayo si Kath. Please lang Ate Dhanilyn wag kang papayag ha? Sige thanks! Labyou! May MyPhone ka sa akin next week!." Sabi ko at umalis na wahahaha.

"Sige! Promise yan ha!". - Dhan

-

"Please na Ate Dhan? Ako na bahala sa pag papaGas, Tollfee at mag stastarbucks pa tayo! Basta isabay mo lang ako pauwi kahit hanggang gate lang ng subdivison namin oh?".- Kath

Itong babaing to napaka pilitera pero cute! (^_^)

"Sorry talaga bebe girl, Hindi pwede eh may lakad talaga ako and Its very important lalong lalo na dito sa work ko. *lingon sa akin* Ayun naman pala DJ oh! Hindi pa umaalis, Hinihintay ka yata, Sakanya ka nalang makisabay.Bye!."

"Arrrgh! I hate this day very much!!."-Kath

Hahahaha cute napasabunot pa siya sa buhok nya tapos nag make face haha :).

"Kath? Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa. Gusto mo bang sumabay sa akin?"

"Ofcouse not. May atraso ka pa sa akin Mister!"

--

Sorry sa super late na update babawi ako promise, xx.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Mystical Revenge (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon